Di nya alam kung bakit nainis sya ng makita nya ng lumapit si Steph sa dating asawa pero buo na ang isip nya na sabihin dito ang totoo kaya naman naglakas loob na siyang lapitan ito at kausapin kahit pa nandon ang malanding babaeng yun."Ahm, sorry. Can I talk to you, in private?" Bungad nya dito. Pero parang natulos ito sa kinatatayuan at nakatitig lang sa kanya.
"excuse me. Robby, can I talk to you for a minute?" Ulit nya ng hindi ito mgsalita.
Natawa sya ng kumurap kurap ang asawa na parang di makapaniwala."huh?! Me? Sure. sure." sagot nito na di malaman at natawa sya nang mapansin nya medyo nag stammer ito, kaya naman lalo itong nagulat ng marinig ang mahinang tawa mula sa kanya. Siguro kung hindi nangyari ang mga naganap noon sa kanila ay kilig na kilig sya ngayon pero iba na ang sitwasyon ngayon at dahil sa paalalang iyon ng isip nya ay bigla syang napaseryoso.
"sure..sure.." sagot uli naman ni Robby na di maintindihan ang gagawin lalo na ng makita nitong nagbago ang anyo ng mukha nya, napahawak pa ito sa braso nya pero tinanggal din ng mapatingin sya sa kamay nito pero alintana sa lalaki na nakuryente sya sa simpleng hawak na yun kaya sya napatingin.
Nagpatiuna na sya sa may garden kung saan nya din kinausap ang ina nito.
"Ahm, it's been a while. Kumusta ka na?" matapos ang mahabang katahimikan ay iyon ang nasabi ni Robby.
Nakatitig na sya ngayon sa lalaki, medyo nagmatured na ito pero bakit lalo itong gumwapo. Balita nya kina Myar, ito na ang CEO ng kompanya nila kaya naman masasabing nagtagumpay na ito pagkatapos nyang iwan. Good for him, yun ang nasabi nya noon.
"well yeah, I can see that you look even better now. Congratulations." sabi nya dito
"ah, yeah! Thank you. Anyway, you want to say something?" Tanong nito sa kanya, kaya naman para syang kinabahan. Tumingin sya sa mga mata nito kaya lalo syang kinabahan at nakikita nya ang iba't ibang emosyon nito pero di nya mawarian kung tama ba ang mga nakikita nya.
"Ahm..I don't know where to start, but I want to say sorry before anything else." sabi nya dito, ngayon kaharap nya na ang lalaki di na nya alam kung pano sasabihin.
"Myrt...."
"no, let me speak first." putol nya sa sasabihin ng lalaki. Gusto nya ng sabihin dito ang totoo once and for all.
"it may sound absurd but we have a child. A son to be exact." ayun nasabi na nya at ramdam nyang gumaan ang pakiramdam nya, pero ng makita nya ang mukha ni Robby na halatang gulat na gulat di nya alam kung yayakapin nya ito o ano dahil naiiyak na ito sa gulat.
"how?" yun lang ang nasabi nito pero halatang basag na ang boses nito. Kaya naman pinaliwanag nya dito ang nangyari except sa part na alam ni Alda ang lahat. Sinabi nya din ang kondisyon ni Morrie at ang dahilan kung bakit nya ipapakilala ang anak sa lalaki. Mataman lang itong nakikinig pero di na muli nagsalita.
"if you want to meet him, he's with Arym." yun lang ang sinabi nya at iniwan na ang lalaki sa garden.
...
if you want to meet him, he's with Arym.Nabigla sya sa revelation ni Myrtle sa kanya, naiinis sya sa mga nangyayari sa buhay nya. Hindi manlang nya naalagaan ang asawa nya nung nagbubuntis ito, di nya alam kung anong pinaglihihan nito, kung pano ito nung naglabor, at lalo na ng manganak ito. Di nya manlang nabuhat ang anak nya nun bagong panganak pa lang ito, di nya manlang naramdaman ang pagsipa nito sa tiyan ni Myrtle. Napasabunot na lang sya sa sariling buhok dala ng frustration. Gusto nyang magwala s di malamang dahilan, naiiyak na sya pero di sya galit kay Myrtle, humanga pa nga sya katapangan nito at dahil dun mas minahal nya ang asawa.
Malayo na si Myrtle ng marealize nya huling sinabi nito. At dahil dun bigla syang nabuhayan ng dugo, buong akala nya anak ng pinsan nya ang batang yun. Kaya naman pala may pagtapik pang nalalaman ang pinsan nya sa kanya, napa"tsk" na lng sya habang naglalakad ng maalala ang ginawa ni Arym sa kanya kanina. Wala na syang pakialam kung maluha luha na sya, basta gusto nyang makita ang anak nya at mabuhat ito.
BINABASA MO ANG
I Loved You Once and Again
Fiksi UmumThe story of Myrtle and Robby. They loved each other so much. They were in a long term relationship and decided to get married even in a young age. But like from any other couples, trials come once you're married and just like that one of them deci...