Pagkalapag pa lang ng eroplano sa NAIA ibang kaba na ang nararamdaman nya. Paglabas nila sa airport agad naman silang sinalubong ni Myar at mommy nito.
"welcome back iha!" sabi nito sabay yakap sa kanya, at pagkatapos ay yumuko.
"Morrie, where's lola's kiss?" tumingin lang ang batang lalake dito at biglang tumakbo kay Myar.
"sorry mom, mas kilala nya ako." sabi ni Myar pagkatapos ikiss ng paslit at nagpabuhat na sa dalaga. Nang makita nitong nagtampu-tampuhan ang lola nito, humarap ito sa matanda at pilit na hinalikan ito sa pisngi at doon na nagpabuhat.
Nasa sasakyan na sila ng biglang umiyak si Morrie.
"hush... Baby, mommy's here." niyakap nya ang anak at kinuha mula sa lola nito na kasalukuyang natutulog sa byahe, naaawa sya sa anak nya everytime na nangyayari yun, lagi itong umiiyak sa pagtulog, at doon lang nya naririnig ang boses nito, matalino naman daw ang anak nya, ayaw lang magsalita at sabi ng pediatrician nito, resulta iyon ng muntik na pagkalaglag nito noong pinagbubuntis nya. Kambal sana ang anak nila noon, at hindi rin nya alam noong mga panahon na yun. Pero ng icheck up uli sya para sana iraspa nakita na may embryo pa na naiwan, nakiusap sya noon kay Alda na wag na ipaalam kay Robby at pumayag naman ito kahit na lisensya nito ang nakasalalay pag may nakaalam ng ginawa nila, tanging si Myar lang ay isang kakilala ang may alam at nang malapit na sya manganak ay pinaalam na nila kay Arym pero lingid pa rin sa kaalaman ni Robby.
Inenrol nya ang anak sa pre-school, maayos naman sana, magaling ito sa mga acads, puro written nga lang dahil hindi ito nagsasalita, hindi sa pipi o bingi, ayaw lang talaga nito magsalita. Kaya naman kinausap sya ng teacher nito na mas maigi daw kung mag home schooling na lang muna ito dahil kelangan ito tutukang maigi.
"ayaw pa rin ba magsalita?" tanong ni Myar sa kanya habang nagddrive.
"oo eh, minsan parang naririnig ko syang bumubulong, or it was just my imagination." paliwanag nya dito na medyo malungkot.
"well, I heard him once talked." sabi naman nito habang tutok sa pgddrive.
"really? Kelan yun?" gulat nyang tanong dito. Bakit sa kanya di nagsasalita ang anak, minsan lang nya kasi marinig magsalita ito, kalimitan pa ay parang bulong lang.
"hmm," nakita nyang parang naiisip ito kahit tutok sa pgddrive.
"yeah, I remember. When Arym visited us in Chicago. The time we had our vacay last year." kwento pa nito sa kanya. So, matagal na palang nagsasalita ang anak nya. Nakakatawa man isipin pero ganun pa rin ang nangyari.
"he was talking to Arym, and I was surprised that time. So I thought he finally talks to you but I guess I was wrong. Di ko na nasabi sayo kasi di ba nagkaproblema kami dun." pagtutuloy pa nito. Naisip nya tuloy buti pa si Arym nakausap na ng anak nya.
Tinitigan nyang maigi ang mukha ng anak nya. 5 years old na ang anak nila, ang payo sa kanya ng psychologist na kaibigan nya California nya na ipakilala na si Robby dito baka sakaling magsalita ito pero ayaw nyang maniwala dahil na rin siguro sa ayaw nya din pero dahil sa narinig nya mula kay Myar mukhang totoo nga na dapat nya ng maipakilala ang anak sa tatay nito.
Kasalukuyang nagaayos sya ng gamit nila ni Morrie ng marinig nya ang tawa ng anak kaya nilabas nya ito.
"Papa Ion. Papa Ion. Hihihihi." nakita nya na si Arym ang kausap nito, di nya mapigilan ang di maiyak ng marinig ang boses ng anak. Napasandal na lang sya sa pader habang pinipigil ang hagulhol nya. Masaya sya na malungkot dahil bakit sa kanya di kayang iparinig ng anak ang boses nito.
BINABASA MO ANG
I Loved You Once and Again
General FictionThe story of Myrtle and Robby. They loved each other so much. They were in a long term relationship and decided to get married even in a young age. But like from any other couples, trials come once you're married and just like that one of them deci...