Part 6

667 23 0
                                    

A/N: ito pong part na to ay after 3 months na

********************************

FRANCO'S POV

"Are you ready?"  pagatatanong sakin ni Tito Victor

at tinanguhan ko lang sya, then they open the door of my plane at pinababa na nila ako

sobrang daming press at reporters ang nag-aabang sakin dahil sa balitang bigla daw akong naglahong bulang

hindi ko naman sila masisisi, ang kapatid ko ang hinahanap nila kaya eto ako ngayon nagpapanggap na sya, but don't get me wrong, my uncle trained me a lot, hindi ko nga lang alam kung paano haharapin ang mga taong importante sa kapatid ko

"Mr. Clutch totoo ba ang balita na nawala kang bigla?"

"Is it true that you're postponing your wedding with Ms. Castillo?"

"Totoo ba na iba na ang nagmamanage ng Clutch Corp.?"

"Mr. Clutch"

"Mr. Clutch"

"Mr. Clutch"

lahat sila yan ang tanong sakin, pero minabuti ko na wag nalang muna magsalita dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko

buti nalang nandito si Tito Victor to help me, agad nya kong prinotektahan kasama ang mga body guards and pinapasok nila agad ako sa sasakyan na nag-aantay sakin

"That was close"

"Salamat po Tito Victor" at ngumiti sya sakin

"Walang anuman EA basta sa kaligtasan mo gagawin namin ang lahat" Oo nga pala, sa mundo ng clutch hindi nag eexist si Franco, para sa kanila ako nga pala si EA, at ilan lang ang nakakaalam na ako si Franco

nang makarating kami sa mansion ng mga Clutch agad nilang nilabas ang gamit ko at dinala sa kwarto ni EA, or shall i say kwarto ko muna dahil nagpapanggap nga ako na si EA

* Flashback *

"Pumapayag na po ako sa gusto nyo sa isang kundisyon"

"Ano yun Calvin?"

"Sisiguraduhin nyo po na masagana ang pamumuhay ng Nanay ko, may mag-aalaga sa kaniya at tahimik ang buhay nya"

"Of course Iho, so it's a deal?" at nag offer sya para makipagshake hands sakin

tanda iyon ng isang kasunduan kaya nakipagshake hands ako

"You will be leaving as soon as possible, but first you have to call EA's fiance para hindi nya mahalata ang lahat" Fiance?! So may Fiance na ako?! Ay wait magpapanggap nga lang pala akong si EA

may kinuha si Tita Lorie na cellphone at agad nya itong ibinigay sakin after ng ilang minuto

"Just talk to her like she is your fiance, tell her na aalis ka papunta ng states, sabihin mong rush yun for business proposals" grabe ang dami ko namang sasabihin

"Hello . . ."

"My God Edward! Bakit ngayon ka lang?!" Ano ba to?! nakahysterical naman nito

"A . . . Ano kasi . . ."

"Nevermind, so Tita Lorie told me that you're leaving right now, you should've told me earlier" patay mapapasabak yata ako sa english dito, buti nalang marunong ako and fluent ako

The ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon