Chapter 2.3

311 4 5
                                    

Bago ang lahat.

H

E

L

L

O

!!!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

--His POV--

Grabe. Kanina pa kami nasa daan. Bakit ang tagal naman ata bago kami makarating dun. Tulog na halos lahat o. Yung mga lower levels masarap na yung tulog. Tapos yung katabi ko naman sa right, sila Cass at Anessa naman ang himbing ng tulog. Hindi mo mapapansin pag tulog sila na mahilig silang magbangayan. Haha. Eto namang katabi ko, medyo inaantok antok na. Nakasandal na nga sa bintana ng bus eh. Hay. Ang boring naman.

'--Could've had it all, rolling in the deep. You had my heart and soul in your hand, but you played it, you played it, you played it to the beat.'

**Background habang nagsasalita sila**

'The song's title is Rolling in The Deep by Adele.'

"Uy, Callie. Wag ka nga diyan sumandal diyan sa bintana. Sasakit ulo mo niyan eh. Dito ka humiga sa shoulders ko. Dali."

Hay, parang bata talaga 'to. Wala na akong magagawa, tsk. Kinuha ko yung ulo niya tapos sinandal sa balikat ko.

'Paano nga ba napasukan ang gusot na ito..'

Uy, favorite kong kanta 'to ah?

'Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sayo, wo oh. wo ohh.'

Masyadong nakakarelate sa akin yung kanta ah? Nananadya?

'Mula ng makilala ka, umikot ang mundo ko. Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito. Ohh. Ohh.'

Hindi ko napigilang mapasabay na lang sa kanta. Ang corny nga eh.

"Paano na kaya, di sinasadya. Di kayang magtapat ng puso ko. Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko, ikaw pa."

Tulog na kaya si Callie? Naririnig kaya niya akong kumanta? Hhmm, tulog mantika 'to eh. Baka hindi naririnig.

"Paano na kaya, di sinasadya. Ba't nahihiya ang puso ko. Hirap ng umibig sa isang kaibigan, di masabi ang nararamdaman. Paano na kaya."

Nagulat ako ng bigla rin kumanta si Callie. Haha. Ayos ah? Duet kami?

'Kung malaman ang damdamin, at di mo tanggapin. Di ko yata matitiis mawala ka. Kahit isang saglit man lang. Wo oh. Wo ohh.'

"Uy gising ka pa pala Meow Meow."

"Ikaw kasi, yung boses mo parang alarm. Hahaha."

"Ang sama mo. Kanina ka pa."

Nakalagay pa rin yung ulo niya sa shoulders ko habang nag-uusap kami. Pinatong ko naman yung ulo ko sa ulo niya para naman may benefit rin yung pag-rest niya sa shoulders ko. Haha.

'Paano na kaya, di sinasadya. Di kayang magtapat ng puso ko. Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko, ikaw pa. Paano na kaya, di sinasadya. Ba't nahihiya ang puso ko. Hirap ng umibig sa isang kaibigan, di masabi ang nararamdaman. Paano na kaya.'

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako.

--Her POV--

Hindi ko alam kung bakit ang weird ngayon ni Jace. Una, binuhat ako. Pangalawa, pumayag siyang i-rest ko yung ulo ko sa balikat niya. Naninibago ako.

Mas nakakapanibago yung pag-kanta niya. Nagulat nga ako eh. Ang totoo niyan hindi talaga ako makatulog nun, hello? Yung ulo mo nasa shoulders ng taong gusto mo, sinong kakalma di ba? Tapos yung music. Masyadong nananadya! Grabe. Sino bang makakatulog sa lagay na yun?

Pero nakatulog rin naman ako. Right after makatulog si Jace. Parang bigla ko naramdaman yung antok at pagod. Siguro dahil sobrang overjoyed? Haha.

Nagising na lang ako, magtutwelwe na. Nasa daan pa rin kami pero after a few minutes tumigil yung bus sa isang restaurant. Not actually restaurant but a one-stop shop kung saan merong ready-made lunch. Iiinit na lang at.. TADAAAH.. lunch na. Haha.

Bumili lang kami ng pagkain dun, ininit sa microwave oven nung store at bumalik sa bus.

"Callie! Besh, alam mo bang masarap 'tong binili ko?"

"Talaga? Mabuti naman Cass, haha. Tiba tiba makakain mo niyan. Mmm, masarap rin naman 'tong binili kong noodles. Gusto mo itry? Tom Yum?"

"Callie! Kadiri! Maanghang yan!"

"Okay then, suit yourself. Gusto mo Jace?"

Pero hindi sumasagot si Jace. Busy na busy kumain. Haha. Nakakatuwa talaga 'tong mga 'to.

"Nasan nga pala si Anessa?" tanong ni Cass.

"Uyy, hinahanap!" Sabi ni Jace na malapit ng maubos ang kanin.

"Heh, curious lang naman ako." Sagot ni Cass.

"Mmm, nandun siya sa kabilang bus. Kasama yung mga friends niya, syempre mao-OP yon satin. Hay sayang. Sana talaga maging friend natin siya."

"Callie! Don't say badd words! Friend? Si Anessa? In one sentence? Okay ka lang?"

"Cass, its not like ganun naman kasama si Anessa. Mabait naman siya. Siguro masyado lang siyang nabulag ng inis niya satin pero I think she's a good person."

"Jaaacceee! Narinig mo ba sinabi ng Meow Meow mo? Humanap ka na ng albularyo dalii! Kinukulam si Calliee!" Sabi ni Cass na para bang nag-papanic.

"Huy, Cass naman. Hindi naman masamang maging mabait sa taong hindi mo naging kaclose. Tsaka isa pa, magka-groupmates pa tayo ngayon. Ang leadership camp is not only to improve ones confidence but to establish camaraderie as well."

"Grabe ka Callie Jane Santiago! Pag ako talaga nanosebleed dito, masasapak kita ng tatlo."

At nagtawanan na lang kaming tatlo. HAHA.

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon