Chapter 2.4

329 3 8
                                    

--Her POV--

Haayy! Kadarating lang naman namin sa dapat naming puntahan! Yippie! Rockpoint it is! 

[A/N: Search niyo dali! Diyan kami nag-retreat nung grade 6! Rockpoint in Pansol, Laguna :>]

Bago ang lahat, binigay muna samin yung assigned rooms namin. Two double deck beds per room. Hiwalay ang boys at girls. Merong executive or yung malaking room. Four queen sized beds yung nandun. Ayos nga eh! Sinabi rin samin yung mga rules and regulations ng pag-stay namin dun sa Rockpoint. Mabait yung mga staff, tinulungan kami sa mga gamit namin.

Dun kami sa Third Floor, rooms at the right side of the building. Dun kasi yung group namin. Ofcourse hiwalay ang boys at girls so we had to pick a Junior para sumama sa kwarto namin, since hindi namin pwede makasama sa kwarto si Jace.

The room was small, meron siyang isang bathroom, the two double-decked beds were aligned parallel to the wall. Malaki naman yung cabinet and may maliit na lampshade.

"Ahh, sinong gusto sa itaas matulog?" Tanong ni Cass.

"Not me, I'm afraid of heights." Sagot ni Anessa.

"Ate, ako na lang po.." Sabi naman ni Jessica, yung Junior student na kagroup rin namin.

"Mmm, Cass ako na lang yung dun sa isang itaas." Sabi ko naman.

"Osige, ako sa baba mo. Anessa, dun ka sa ibaba ni Jessica."  Utos ni Cass.

"Fine." Sagot ni Anessa.

Nakakabinging katahimikan ang sumunod..

"Uy, nga pala. Lagay na natin mga gamit natin sa cabinet?" Sabi ko. Mukha silang mga nagulat, siguro nasanay na tahimik?

"Okay, why not?"

Tapos ay nilagay na nami yung mga bags namin sa cabinet, making sure na hindi kami magkapalit-palit.

"Uyy, may TV pala eh?" Sabi ni Cass.

"Buksan mo nga, baka may magandang palabas." Utos ni Anessa.

At binuksan ni Cass ang TV.

"Uyy, maliligo muna ako ah? Ang init init eh." Sabi ko.

"Sige, pagkatapos mo ako naman." Sagot ni Anessa.

I took my shower time as a time to think.

Iniisip ko kung anong mga pakulo na naman ang gagawin ng school namin ngayon. Its actually part of our grade rin kasi eh. Extra curricular activity. Para sigurong C.A.T. na rin ito. Kahit na may C.A.T. pa rin kami. Hay, babad sa araw. Atleast ito mag konting fun.

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon