Chapter 4.1

238 3 1
                                    

Hiii. Alam ko ang tagal ko mag-update. :| Sorry. Di ko naman akalaing may nagbabasa pa pala nito eh. HAHAHA. Okay. Nega ako eh. Pero ayun. Eto na po yung update ko :D

Enjoooy.

= = = = = = = = =

--HIS POV--

Nung may narinig akong humihikbi.. sigurado akong hindi sa loob ng cabin nila Callie galing yun.

Bubuksan ko na sana yung pinto pero nagbukas na siya, nagulat kami parehas ni Anessa.

"Nasaan si Callie?! Anong ginawa mo kay Callie?" tanong sakin ni Anessa, nagpapanic na siya. Hindi ko alam kung bakit siya nagpapanic.. Pero nagpapanic siya. Nakakahawa.

"Ha? Ewan ko! Pupuntahan ko sana siya eh. Wala ba siya sa loob?" tanong ko.

"Kung nasa loob ba siya itatanong ko ba sayo kung nasaan siya? Common sense naman!"

"Sorry na!" tapos lumingon lingon ako sa may hallway.. may nakikita akong silhouette. My heart skipped a beat and hindi ko napigilang sabihing....

"Si Callie....."

Nakaupo si Callie sa parang grills, I'm not sure what its called pero nakaupo siya dun, I always remember her afraid of heights, so bakit siya uupo dun?

"Callie!" Sigaw ko sa kanya. Hindi siya natingin sakin.. sa kanya pala galing yung mga hikbi. Lumapit sa kanya si Anessa. Hinawakan ni Anessa yung braso ni Callie. Nanginginig siya.

"Callie okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. No response.

Nagulat ako nung biglang dumating si Lyam.

"Narinig kong may humihiyaw dito.. Baki---" natigilan siya nung nakita niya si Callie.

"Tulungan mo na lang kami dito!" Sigaw ni Anessa.

Tinulungan namin si Callie para makaalis siya dun sa kinauupuan niya. Actually, parang wala akong naitulong.. nandyan naman kasi si Lyam eh. Malakas naman siya eh. Pagkatapos naming tulungan si Callie.... nagulat ako. Siguro hindi lang ako, pero pati rin si Anessa..

Hinug ni Callie si Lyam.

Hinug niya si Lyam.

Hinug niya yung karibal ko sa buhay niya.

"Na- natatakot ako, Lyam." sabi ni Callie.

Ang sakit, para lang akong hangin.

--HER POV--

Haha, ang tanga tanga ko lang. Balak ko na talaga magpakamatay? Pero takot ako sa heights. I should've thought of a better way diba, hindi ko kaya tumalon sa building eh, sorry na.

Opo, alam ko po. Ang babaw. Lalaki lang yan. Marami pang iba dyan. Hindi naman ako emo. Hindi naman ako ganun kaobsessed. Sabihin na lang nating... nahurt ako. Sorry na ah? Nahurt lang.

Anyways, hindi ko na matandaan yung sumunod na nangyari. Basta nagising na lang ako, nasa infirmary na ako. Weird me, sabi ni Lyam, nahimatay daw ako. Sabi naman ni Anessa, akala daw niya patay na ako.

Pero.. OKAY LANG AKO! BUHAY PA AKO! Alive and kicking! And ngayon, naeexcite ako, kasi nga remember? 7pm! Bonfire! Getting to know each other! This is gonna be fun!

Kami daw fourth year ang magfafacilitate, as usual. So earlier, pagkalabas ko sa infirmary, nagusap usap kami sa mga plans namin para sa night na 'to. Since bonfire naman, sharing stories tapos truth or dare. Nagpabili na rin kami ng marshmallows, hehe! Para feel na feel ang bonfire!

"Callie are you sure you're really okay?"

"Yes Sir, I'm 100% sure that I'm okay. I don't want to miss an opportunity to know my groupmates and the members of other teams since I know that this will be my only chance to get to know them better." Nosebleed ako dito kay Sir English eh! :| :)) HAHA, balik niyo na nga ako sa infirmary. =))

"Okay then, if you feel something abnormal, don't be afraid to approach me okay?"

Concerned si Siiir! Ayieee!

"Yes Sir, thank you for the concern, I'll keep that in mind."

Natapos rin ang nosebleeding session. HAHA joke. Okayyy! Bonfire! Here we comeee!!!!

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon