Chapter 2.5

321 3 0
                                    

--Her POV--

Hay, ang boring naman dito.

*Knock Knock*

Nagulat na lang kaming tatlo (ako, Cass at Jessica) nang biglang may kumatok.

"Ikaw na magbukas." Pabulong na sabi ni Cass.

"Ah, Ate hindi po ba dapat tanungin muna natin kung sino?" Sabi ni Jessica.

"Oo nga naman Cass, baka mamaya kung sino sino lang." Pag-sangayon ko.

"Hindi ako magsasalita." Sabi naman ni Cass.

"Osya ako na. Ako na." Sabi ko naman.

"Sino yan?" Sigaw ko. Hoping na maririnig sa labas.

Walang sumasagot. Baka hindi narinig?

"Hhmm, sino po sila?" Sigaw ko ng mas malakas.

Wala pa ring sumasagot.

"Callie! Ikaw na nga! Buksan mo na!" Sabi ni Cass.

"Aish, sige sige whatever." Sagot ko naman.

Pagbukas ko nang pinto. Sumilip ako, kaliwa at kanan. Wala akong nakita. Hay baka namali lang ng katok.

Isasarado ko na sana yung pinto pero may nakita ako dun sa doormat.

"Huh? Kaninong panyo naman 'to?" Pinulot ko na lang yung panyo, scarf to be exact tapos pinasok ko sa loob.

"Ano yang dala mo?" Tanong ni Cass.

"Panyo. Nakita ko sa harap ng pintuan natin eh." Sagot ko naman.

"Talaga? Patingin nga." Sabi naman ni Anessa na kakalabas lang ng bathroom.

"Mukhang panlalaki 'to ah?" Dugtong ni Anessa na inoobserve yung scarf.

"Pero sino naman pong lalaki?" Sabi ni Jessica.

"No one knows. Baka galing sa kabilang group? Akala lang dito yung room." Sabi ko naman.

"Eh? Maybe. Lets not think about this mystery panyo na lang. Lets talk about our gameplan." Sabi ni Cass while having that 'I'm-Evil-Smile'.

"So what's with that look?" Sabi ni Anessa.

"Ofcourse we all know na maraming naiisip na kung anu-ano ang school, we have to prepare for the worst." Sagot ni Cass.

Pero bago pa man kami makapag-meeting, bigla na lang nagsalita yung Sir namin. FYI, naka-megaphone pa siya. Aish.

"Okay campers! Ready for your first exercise?"

"Sir, yes, Sir!"

"Okay! Our first exercise wouldn't be hard. Your group must find three treasure chests. Each group will be given a specific color. There are two objectives, one is to find the treasure chests fast and the other is to keep other groups from finding their treasure chest. Once may nakita kayong treasure chest, be sure to hide it para hindi makita ng ibang group! Got it?"

"Sir, yes, Sir!"

"This will improve your cooperation as a team which will help you in the next two days."

Four days nga pala 'tong Leadership Camp. Ayos lang eh. Papahirapan kami tapos yung last day bibigyan kami ng award and yung pinakamagaling na group ay magkakaroon ng incentive. Different prizes every year. I wonder kung ano yung this year. Last year, pagkakaalala ko, Boracay Trip eh. Rich ang school haha! Ano kaya next? Grabe, all expenses paid pa yun ah?

Pero that's not the reason why I'm here. Nandito ako to have fun, manalo matalo, cute pa rin ako! HAHA! I'm not making any sense. 'noh?

"The treasure chests are located around the area. Teams, you have five minutes to prepare!"

"Sir, yes, Sir!"

"Okay groupmates what's our plan?" Tanong ko.

"Yun po sanang mga treasure chest, kung nakakita po tayo ng treasure chest na hindi natin color, we should keep it on a safe place." Suggest ng isa naming kagroup.

"Pero saan naman natin itatago?" Tanong ng iba naming kagroupmate.

"Siguro bago tayo mag-umpisa maghanap, we should roam around the place para malaman natin yung mga pwedeng pagtaguan ng mga treasure chest." Sabi ko naman.

"That's a great idea. Pag nakakita tayo ng green chest, kunin na natin agad. Para naman hindi na tayo maunahan." Sabi ni Jace.

"Maghiwa-hiwalay tayo, per group. Iba ibang place yung pupuntahan para mas mabilis." Sabi naman ni Anessa.

"Tama, tama. So are we all clear? Isang Year Level representative per group. Para naman okay lang." Sabi ko.

"Okay, shall we?" Sabi ni Jace habang inilagay sa harap yung kamay niya.

"We shall." Sabi naming lahat tapos nag-cheer kami.

"One for all, all for one. Go Greeners!"

"Okay? Ready na kayo groups?" Sabi ni Sir.

"Three.. Two.. One.. GO!"

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon