Chapter 4.2

236 4 5
                                    

--HIS POV--

I'm glad to know she's okay. And masaya naman siya.

Sino bang hindi magiging masaya, nakahug niya si ano.

Sorry, di makamove on.

Ayun! Bonfire na! Sana maging masaya naman 'to. Kahit eto laaang.

"Ano nanaman yang iniisip mo? Nakapagusap na kayo?" Tanong sakin ni Cass.

"Hindi nga eh. Umepal kasi yung epal. Dakilang epal talaga." Sabi ko sa kanya. Nakwento ko na kasi sa kanya yung about kay Lyam, and thus... the codename, epal.

"Malamang, epal nga e. Epalogs yon, anong ginawa mo?" Tanong niya sakin. Minsan di ko alam kung lalaki ba 'tong si Cass o babae eh. -.- Kaya gusto ko 'to kausap eh. Haha.

"Wala, agaw eksena nga eh. Nakakainis. Sarap ingudngod sa sahig." Yes, kay Cass ko lang nasasabi yung mga concerns ko. At wala pa namang lumalabas na kahit isa. Mabait na bata. >:)

"Haha. Ewan ko nga sa'yo. Hanggang salita ka lang naman. Nga pala, pupunta si Callie sa bonfire mamaya?" Tanong niya sakin.

"Oo daw. Narining ko sa mga teachers kanina. Pinag-uusapan nga nila si Callie eh."

"Hulaan ko kung sino may pasimuno niyan, si Sir English siguro! May gusto ata yon kay Callie eh." Sabi ni Cass, naglalakad na kami ngayon papunta dun sa bonfire.

"Hindi nga eh, wala nga siya don. Pero kasali siya sa chismis.. pinaguusapan nung mga teachers yung about sa status nilang dalawa ni Callie. Baka daw kaya nagtangka magpakamatay si Callie kasi naghiwalay daw sila ni Sir English."

"Lakas ng pandinig mo ah. At EWWWWW. Chismis nga naman. Nakakataas lang ng balahibo eh. Kadiri." Sabi ni Cass sa akin.

"Grabe lang nga eh. Lakas ng radar ng mga teachers. Akalain mo, nasa leadership seminar pa tayo sa lagay na 'to ah. Lechugas. Upakan ko sila pag siniraan nila si Callie eh."

"Para namang magagawa mo. Hindi mo nga magawang maamin eh."

"Kaya ko naman siya protektahan ng palihim, siguro?" Sagot ko na lang.

Nakadating na kami sa bonfire. Grabe, medyo madami ata kami. Tapos ang laki ng bonfire. Nakakasira 'to sa kalikasan, tsk.

.

.

.

.

Nagagaya na ako kay Callie, environmentalist. Hay. Nakakamiss yung babaeng yon. Sana makatabi ko siya.

--HER POV--

Ah, this is it. Bonfire! Most awaited moment? Haha. Pero grabe. Ang sama ng tingin sakin nung mga teachers. Bad for the record talaga. Tanga tanga. Papakamatay, sa leadership seminar pa! Amp, sana hindi 'to kumalat. Nakakasira ng image. Shunga shunga kasi eh.

Sabi naman nila, teachers lang daw at yung mga nakakita yung makakaalam. Hopefully ganun nga yung mangyari..

Kasabay ko ngayon sila Lyam at Anessa. Parang familiar 'to ah? Trio? Parang ako at sila Cass at Jace. HAHA. Amp. Okay stop na, para namang nagstop na yung friendship namin. Hindi naman diba?

"Tabi tabi tayo?" Tanong sakin ni Anessa.

"Hindi ata pwede eh, dapat groupmates yung magkakatabi.." Sagot naman ni Lyam.

"Paano pa naging meetup 'to kung pare-parehas na tao lang rin makakasama mo?" Tanong ni Anessa. Makes sense.

"Hoy, Callie.. sumagot ka naman? Uso diba?" Sabi sakin ni Anessa habang sinisiko ako.

"Ah. Okay lang. Kahit saan.."

"Tabi ka muna kela Cass. They saved a seat for you oh." Sabi ni Lyam. Habang tinuturo yung extra seat na nasa tabi ni Jace.

"Oh tamang tama, umalis yung mga nasa katabing seat. So, tabi tabi pa rin tayo." sabi naman sakin ni Anessa.

Palapit na kami ng palapit dun sa upuan. Hay, bat ako kinakabahan?

"Hey, uhhmm.. pwede makiupo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon