Prologue

1.3K 12 0
                                    

Kadalasang napapansin ng mga boys sa mga girls:

1. Maarte

- matagal kumilos at mag-ayos ng sarili kahit na wala pa rin namang magbabago sa hitsura

- maraming kinatatakutang bagay

- Gusto palagi silang nilalambing at sinusuyo

2. Masungit

- parang palaging may PMS sa pagkamoody

- Nang-aaway kahit na walang kasalanan ang mga boys

3. Pakipot

- Gusto na nga nila iyong lalaki, sobra pa kung magpapilit

- Kunwari pang ayaw pero patay na patay naman

4. Pa-damsel in distress

- laging nangangailangan ng tulong kunwari pero sa'n ka, nagpapacute lang sila

- Palaging napapahamak, lampa at hindi kayang alagaan ang sarili

5. Flirty

- konting bola lang, bumibigay agad

- Sandamakmak pa ang crushes, hindi mo na mabilang

- Mahilig magpacute sa iba -ibang lalaki

6. Assumming

-Asa nang asa kahit wala namang pag-asa

- Hindi naman dictionary pero mahilig magbigay ng meaning

Kadalasang napapansin ng mga girls sa mga boys:

1. Mayabang

- puro hangin, wala namang sinabi

- Puro salita, kulang sa gawa

- Masyadong feelingero

2. Pa-epal

- Nakakainis na sa kakulitan

- Mahilig mangtrip at gumawa ng kalokohan

- Sinabi na ngang ayaw sa kanila, hindi pa rin titigil

3. Basagulero

- Mahilig makipag-away, hindi naman kaya

- Feeling magaling kapag nanalo sa isang laban

- Gangster, hoodlum, thug, mobster in short nakakatakot

4. Pa-bida

- feeling superhero kahit mukhang villain

- Nagmamarunong kahit wala namang alam

5. Babaero

- kung magpalit ng babae ay parang nagpapalit lang ng damit

- Laruan lang ang tingin sa mga babae at ayaw magseryoso sa isang relasyon

6. Paasa

- Wala naman palang gusto sa girl, pero daig pa ang manliligaw sa bait

- Walang aksyon, puro paramdam lang

Sino kayang tama? Boys ba o girls?

Polar Opposites (Formerly Known as My Dear Students)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon