Lesson No. 3: The Proper Way of Using Your Shoes

364 5 0
                                    

Lyca's Notebook

Day 2 na at ang last day ng 'LOTS.' Kahit anong kulit ko kay Kyla, ayaw niya pa ring umamin. Pero, ayos lang. Tiyak naman akong makikilala ko kung sinong tiyanak ang bumihag sa puso ng kapatid ko. Mamayang gabi kasi ay magkakaroon ng grand ball bilang pagtatapos ng event. Tiyak akong magkikita iyong dalawa at sisiguraduhin kong mahuhuli ko sila.

Lumaban pa ako sa tatlong competition – Science quiz bee, math contest at declamation. At pare-parehas kong nakuha ang first place. Mabuti na lamang at nakabawi ako. Tumaas ulit ang level ng confidence ko. Salamat na lamang at hindi ko na nakalaban iyong Vonn na 'yon sa iba pang event. Hindi sa natatakot ako sa kanya pero parang nagkaphobia na akong makaharap siya. Feeling ko, matatalo ako! No! Hindi dapat iyon ang iniisip ko. Kaya inis na inis ako sa lalaking iyon, ginugulo pa rin ang utak ko nang pagkatalo ko kahapon.

Ang masaklap pa, maging si Mr. Yabang ay nagwagi rin. Iyon nga lang five categories ang sinalihan niya kasama ang debate at lahat iyon ay siya ang nanalo. Mukhang tama ang nakalagay sa personal profile niya – magaling talaga siya. Hay, hindi ito ang tamang panahon para humanga ako sa karibal ko. Kainis!

Bukod sa grand ball mamamayang gabi ay may lunch party ngayong tanghali sa social hall ng school na ito. Ibig sabihin, maraming pagkain! Sana, may strawberry cheesecake silang handa.

Magkakasabay kaming pumunta nina Kyla, Hallie at Jessie sa hall. Umupo kami sa isa sa mga table pero nagulat ako nang lapitan ako ng student assistant ni Principal Meg na si Ariel.

"Lyca, buti nakita kita! Ang sabi ni Ms. Meg sumabay ka raw maglunch kasama niya doon sa main table," humahangos na sabi ni Ariel.

Matagal bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Gusto ni Principal Meg na kasabay akong maglunch? Ibig sabihin, kasabay ko ring kumain iyong ibang principals, head teachers at ilang top students sa ibang schools. Totoo ba ito?

Mabilis pa sa alas-kuwatro ay tumayo na ako. Hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataong ito. "Sure, walang problema," masigla kong sagot.

Nagpaalam lang ako sa mga kaibigan ko at saka sumama kay Ariel sa main table sa unahan. Pero laking gulat ko kung sino ang nakita ko. Si Vonn Cervantes! Nakaupo siya sa tabi ng isang empty seat na nasa tabi naman ni Principal Meg. Nakalimutan kong isa pala siyang top student at anak pa ng principal at may-ari ng West City School.

Huminto ako at parang gusto ko nang umurong. Pero huli na ang lahat dahil nakita na ako ni Principal Meg. Nakangiti siya na lalo nagpaganda sa kanya. Kaya laking pagtataka ko at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nag-aasawa. Maganda na nga, matalino at stable pa sa buhay. Nasa forties na siya ngunit sa ganda niya, mababagkakamalang nasa late twenties or early thirties lang siya.

"Kimberly, you're here. Come here, sit beside me," anyaya ni Principal Meg. Sit beside her? Tumingin ako sa kaliwa ko, 'pag tumabi ako sa kanya, ibig sabihin ay makakatabi ko rin si Mr. Yabang! No way!

Nakatingin at nakangiti ang mga principals sa'kin at hindi ko dapat ipahiya si Principal Meg kaya tumango na lang ako at umupo sa tabi niya. Nakita ko namang ngumiti nang nakakaloko si Vonn. Did he just mock me?

"Oh, so you're the student na binabanggit nitong si Principal Meg," nakangiting sabi ng Principal ng Taisen International School. "I heard a lot of good things about you, nag-aral ka pala sa France," dagdag pa nito.

"Yes po," nakangiting sagot ko.

"Wow, so you're really a fine girl," sabi naman ng Principal ng Litton Academy. "E di, marunong kang magFrench. Magbabakasyon kami ng husband ko sa Paris next Christmas, dapat pa lang kunin kitang tour guide."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Napansin naman ni Principal Meg ang uneasiness ko kaya naman sumali na rin siya sa usapan. "You know, this kid is really talented. She can play three instruments and she's a good artist too," pagmamalaki sa'kin ni Principal.

Polar Opposites (Formerly Known as My Dear Students)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon