Lesson No. 4: Don't Waste Your Food

333 9 1
                                    

Lyca's Notebook

“Wow, Hallie! You look nice! Ang ganda mo!”

Pinagmasdan ko si Hallie – lumabas ang ganda niya sa suot niyang yellow dress. Bagay na bagay ito sa kutis niyang maputi at makinis. Kung palagi lang siguro siyang nakaayos ay dadagsain siya ng mga lalaki.

“Bakit pa kasi, kailangang nakaganitong attire, bukod sa ang ikli-ikli, ang kati-kati pa ng laces at ruffles! Mukha pa akong saging sa kulay!” reklamo ni Hallie na nagkakamot at pilit ibinaba ang laylayan ng dress niya.

“Eew,Kadiri ka talaga. Kung makapagkamot ka, parang hindi ka naligo. Sayang ang outfit mo sa inaasal mo, girl. You look great pa naman!” maarteng wika ni Jessie. As usual, siya na naman ang pinakabongga sa’min. Nakasuot siya ng black and white tube dress. Ang landi talaga!

“Tama si Jessie. I’m sure madaming makikipagsayaw sa’yo.” singit naman ni Kyla habang ngingiti-ngiti sa salamin. For all I know, excited na excited siya kasi ngayon niya katatagpuin iyong lalaki niya.

Simplicity is beauty naman ang peg nitong kambal ko. Simple white dress with laces as details lang ang suot niya pero mukha siyang D’yosa. Kahit siguro basahan ay magiging fashionable pa rin tingnan kapag siya ang may suot.

“Sayang, ang make-up mo, Hallie,” puna ko kay Hallie na pilit binubura ang red lipstick niya. Aba’t make-up artist pa yata ng artistang mommy ni Jessie ang nagmake-up sa’min.

“Eh, tingnan mo! Ang pula-pula ng labi ko na parang kinagat ng bubuyog. Mukha pa akong majonda sa hitsura ko. Bakit sa’yo, Lyca, pink lang ang lipstick mo! Ang daya!” pagmamaktol ni Hallie.

“Huawg mong ikumpara ang sarili mo kay Lyca na mukhang baby. Hindi bagay sa kanya ang red lipstick. Para siyang batang nagpipilit maging dalaga!” sagot ni Jessie.

“Shut Up, Jessamine!” bulyaw ko sa kanya.

Aaminin ko, madalas akong napapagkamalang mas bata sa edad ko. I just turned seventeen last month pero madalas akong napapagkamalang middle school student.

About my look, I just wear a baby pink dress na match sa aking 6 inches pink wedge. Yes, kapag may ganitong event ay napipilitan akong magsuot ng sapatos na may heels. Natatawa ako sa hitsura ko, glitters na lang ang kulang at si Barbie Doll na ang peg ko.

Ngayong gabi, kailangan kong maipaghiganti ang sapatos ko at ang dignidad ko sa Vonn Cervantes na iyon. Dahil sa kanya ay nagsuot ako ng tsinelas na hiniram ko pa sa janitress, the whole afternoon. Hiyang-hiya talaga ako, mabuti na lang at hindi kami naka-uniform kung hindi, mukha akong katatawanan. Pero nasaan na kaya ang sapatos ko? Kinalkal ko na ang buong garden kanina at nagpatulong pa ako sa janitor at gardiner pero wala ni isa sa’min ang nakakakita dito.

***

“Ang sakit-sakit na ng paa ko.” Heto na naman si Hallie at nagrereklamong muli. Pilit niyang hinubad ang 4 inches stilettos niya.

“P’wede ba, Hallie! Umayos ka nga! Iwan mo muna ang pagkatomboy mo sa bahay n’yo. Nakakahiya, dapat tayong mga taga-East Heavens School ang bida ngayong gabi,” sigaw ni Jessie.

“Okay, okay! Sorry naman, you don’t have to shout!”

At nagsimula na ang party. Isa-isang nagsalita ang mga principals ng bawat schools. Siyempre, nagpatagisan rin sina Principal Cervantes at Principal Meg. At ngayon ko lang napansin, bagay pala sila.

Dahil likas kay Jessie ang pagiging party girl ay iniwan niya kaming nakaupo at nakatanga, at nakipagsocialize sa ibang mga estudyante. Kapag party talaga, walang kaibi-kaibigan kay sa kanya.

Polar Opposites (Formerly Known as My Dear Students)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon