Lesson No. 14: Trusting Game

77 2 0
                                    

Jessamine's Notebook

"Dali na kasi! Sasabihin mo lang naman kung saang street ka nakatira, eh. Ihahatid lang naman kita." Mukhang autistic si Aldrian sa ginagawa niyang pagpapadyak-padyak at paghabol-habol kay Hallie. Noong nalaman niya kasing sa iisang village lang pala sila ni Hallie nakatira ay hindi na niya nilubayan ito.

"Hindi na kailangan. May driver kami!" Halata kay Hallie na asar na asar na siya. Alam ko namang trip na trip lang nitong si Aldrian si Hallie. Ang alam ko may girlfriend iyang mokong na 'yan pero nagpapacute pa rin siya sa kaibigan ko. In fairness, hindi siya tatawaging notorious playboy ng West City School para sa wala.

Nasa bahay kami nitong Aldrian na ito dahil malaki at maganda raw ang basketball court niya rito. Well, mukhang may kaya talaga si mokong. Ang gara at laki ng bahay nila, idagdag mo pa ang napakagandang garden.

Maarte ako and everything but when it comes to gardening, walang arte-arte sa'kin. Kahit hawakan ko ang lupa using my bare hands ay wala akong pakialam. I'm born with green thumb at hilig ko talaga ang pagtatanim lalo na kung flowers at herbal plants.

"Thank you for inviting us in your wonderful home, Aldrian. Kahit na hindi kami sang-ayon ni honeybunch sa rematch n'yo pero dahil napagkasunduan n'yo na ito ni Lyca at may libre lang pamiryenda ay keri na."

Kunwari pa itong si Jake, for all I know mukha lang talaga siyang pagkain. Pero miski naman ako ay hindi rin sang-ayon sa kalokohan na ito. Panalo na dapat kami tapos may kung anong kaek-ekan pang nalalaman itong si Aldrian. Kayaa lang naman ako pumayag ay dahil may tiwala ako kay Kimberly. Kapag sinabi niya ay tiyak akong tutuparin niya.

"Sigurado ka bang kaya mong maglaro nang nakauniform?" alalang tanong ni Kyla sa kambal niya.

"Oo nga, baka mahirapan kang nakapalda. P'wede ka namang pahiramin ng kapatid ni Al ng sports wear," suggest ni Benedict kay Lyca.

"Okay lang ako. Ang kailangan ko lang naman ay makashoot ng isang beses," sagot niya sa mga ito.

"Yabang talaga. Ikaw rin, baka magsisisi ka sa huli," hirit ni Vonn.

"Mas mayabang ka! Ikaw kaya ang master ng kayabangan. Ayaw mo noon, idol kita!" Halos umusok na ang ilong ni Lyca sa inis sa pang-aasar ni Vonn sa kanya. Para talagang aso't pusa ang dalawang ito.

"Eh, 'di inamin mo ring idol mo ako." Tumawa-tawa pa si Vonn para lalong mainis si Lyca.

"H-hindi kaya! Never kitang magiging idol! 'Di ka naman artista saka...basta never."

"See? You are mesmerized by my presence, that's why you're stammering." Halatang nag-eenjoy si Vonn na asarin si Lyca.

"Y-yuck! E-ewan ko sa'yo! Diyan na nga kayo! Hoy, gagamboy! Maglaro na tayo para makauwi na kami!" Tumakbo siya papalapit kay Aldrian. Asar-talo talaga itong si Lyca.

"Ano'ng nangyari sa kapatid mo?" tanong ni Benedict kay Kyla.

"Ganoon lang talaga si Lyca kapag wala na siyang masabi. Asar-talo kasi iyon, eh." Ako na ang sumagot kasi naman kanina ko pa gustong dumaldal.

"Guys! Game na daw si Aldrian at Lyca!" sigaw ni Hallie sa'min.

Haisst, sitting pretty pa sana ako dito, eh!

Polar Opposites (Formerly Known as My Dear Students)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon