Chapter 7

223 10 0
                                    

  Sa pag-ibig, matuto kang sumuko, lumaban, magpatuloy, at masaktan. Normal lang iyon. 

~∆∆∆~ 

"Oh.My Gosh." Nakatulalang saad ni Lilian. Tiningnan ko yung direksyon na tinatahak ng mga mata niya. Nang makita ko napatulala na lang rin ako na may kasamang nganga habang nakatingin kay Tristan. Kakapasok lang niya sa classroom at naghahanap ng upuan. Bigla kong naalala na wala palang nakaupo sa katabi kong upuan. Yes! Makakatabi ko na rin si Tristan. Sa wakas, dream come true ko 'to.

Tinaas ko yung kanang kamay ko para makita niya ako. Todo taas ang ginawa ko. Umabot hanggang langit. Charot! Hindi pa rin ako napapansin ni Tristan kaya this time tumayo na ako at tinawag siya sa kanyang pangalan.

"Tristan!" Pagtawag ko sa presensya niya. Saktong napatingin siya sa akin. Tinuro ko yung bakanteng upuan na nasa tabi ko. Naglakad na siya papunta sa amin ni Lilian. Konting hakbang na lang at makakatabi ko na ang future husband ko. Sa mga susunod pa na araw, kaming tatlo na ng baby namin ang magkakatabi. Ahihi!

Ngunit naging malabo ang pangyayaring 'yon. Akala ko si Tristan na ang makakatabi ko sa klase na 'to. Hindi pala. May nauna na kasing umupo sa kanya.

"Bakit ka diyan nakaupo?" Irita kong tanong sa mataba kong kaklase. Lagi siyang patagong kumakain ng biscuit during class hours, laging late, at laging natutulog na may kasamang tumutulong laway. Kaya nga ayaw ko dumikit sa kanya eh. Hindi ako komportable. Ang weird niya kasi at tamad.

"Ito upuan ko eh." Sagot niya sa akin at naglabas ng isang Fita.

"Umalis ka nga diyan!" Pagtaboy ko sa kanya pero dinedma lang niya ako. Pinagpatuloy lang niya ang pagkain ng Fita.

"Ang sabi ko umalis ka." Pinagpatuloy pa rin niya ang pagkain hanggang sa maubos na niya yung hawak niyang Fita. This time naglabas naman siya ng Tattoos.

"Ayaw ko nga sabi." Pagmamatigas niya sa akin. Napatingin ako sa kinakain niyang sitserya. Biglang may pumasok na plano sa isipan ko. Binuksan ko yung bag ko at nilabas yung baon kong Oreo. Ito lang ang dala-dala kong pagkain pero magsasakripisyo na ako para lang makatabi si Tristan.

"Aaron, tingnan mo oh. Oreo." Pang-iingit ko sa kanya. Mas nilapit ko sa kanya 'to pero binalewala lang niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ayaw."

"Sure?" Mas nilapit ko pa sa kanya ito. Kulang na lang idikit ko ito sa pagmumukha niya eh. Nakakagigil na yung katabaan niya! 

Buti na lang may Plan B ako.

"O sige, ibibigay ko itong Oreo na 'to sa'yo at hindi kita ipapaalis. Wala na akong hihinging kapalit." Mabait kong wika. Saglit siyang nag-isip pero pumayag rin sa huli. Makukuha rin pala 'to sa pagkain eh. Pero hindi ko lang basta-basta binigay sa kanya yung Oreo. Hinulog ko ito ng may pagkalayo para kunyari nahulog ko. "Hala, Aaron. Sorry. Kuhanin mo na lang tutal sa'yo na rin iyon eh." Bait-baitan ko sa kanya. Kaunti na lang makakatabi ko na rin si Tristan. Pumayag siya na siya na lang ang kumuha ng Oreo kaya umalis siya sa kanyang upuan. Saktong nakarating si Tristan kaya agad ko na siyang pinaupo sa upuan ni Aaron. Tinangal ko yung bag para makaupo si Tristan ng maayos. Pagbalik ni Aaron nakasimangot na siya sa akin at matalim ang tingin. Mula sa gilid. may nakita akong isa pang bakanteng upuan kaya doon ko na lang siya pinaupo. Pumayag ulit siya dahil katabi niya yung crush niya.

"Thank you sa pag-save sa akin ng upuan." Pagpapasalamat niya sa akin. Hindi agad ako nakasalit lalo na't ang lapit naming dalawa sa isa't-isa. Hindi ko pa nararanasang makausap si Tristan ng ganito kalapit.

"Kausapin mo yung tao." Bulong sa akin ni Lilian sa kaliwa kong tenga. Sinunod ko ang sinabi niya kaya nilamon ko lahat ng kaba ko at nagsalita.

"W-walang a-anuman." Nauutal kong saad. Bakit ako nagiging ganito. Parang may tinik na nakadikit sa lalamunan ko.

Catch me... I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon