Chapter 5

268 11 0
                                    

Kung mahal mo, ipaglaban mo. Lahat tayo may sari-sariling dahilan kung bakit ayaw natin sumuko na lang.

~∆∆∆~

Nakauwi na kami sa bahay ni Tristan pagkatapos namin makipagkita kay Tito. Nasa sala kami ngayon at kaparehas na nakaupo sa magkabilaang dulo. Halatang may pagod sa kanyang mukha pero kung titingnan niya ako tanging kagandahan lang ang makikita niya. Gandang hindi inaasahan!

"That was exhausting." Tila inaantok niyang wika at muling ipinikit ang dalawa niyang mata.

"Stressed na ako." Sabi ko naman at ipinikit rin ang dalawa kong mata. Sige na. Ako na gaya-gaya sa aming dalawa. Hmp! Naku kayo mga mare. Minsan na nga lang ako gumawa ng galaw sa future husband ko eh. Tahimik lang, mare!

Ipinatong niya ang isa niyang binti sa taas ng kabila. Syempre ginaya ko rin siya. Tinanggal naman niya yung sapatos niya. Alam niyo na ang kasunod na nangyari. Oo. Ginaya ko nga ulit siya. Pinunasan niya ang pawis na pawis niyang mukha at kahit wala naman akong pawis ay pinunasan ko pa rin ang mukha ko. Itinigil ko lang ang panggagaya sa kanya ng tingnan niya ako sa mata ko.

"Ginagaya mo ba ako?"

"H-hindi." Sana naman hindi niya ako nahuli. Wala na akong magagawa. Gusto ko talaga siya eh. Si Tristan my babes ko.

Muli niyang isinara ang mga mata niya at saglit na nagpahinga. Natandaan ko naman na sinabi ni Tristan na pagod siya mula sa pag-uusap naming dalawa kay Tito. Dahil dito, naisipan kong gumala kaming dalawa sa Mall. Pwede kaming maglaro, bumili, kumain o kaya naman manood ng sine.

Lumapit ako sa kinauupuan niya at tinapik ang braso niya. Bigla naman niyang dinilat ang mga mata niya at humarap sa akin.

"Bakit?" Panimula niyang tanong sa akin.

"Halika, punta tayo sa Mall." Pagyaya ko sa kanya. Tila wala siyang ekspresyon na ipinakita sa akin. Dahil siguro sa pagod.

"What for?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Diba sabi mo pagod na pagod ka? Edi pasyal muna tayo saglit. Pwede tayong kumain, maglaro o kaya naman manood tayo ng sine. O ano, payag ka ba?" Tanong ko sa kanya. Sana naman pumayag siya.

Wala pa ring ekspreyon ang mukha niya.

"O sige na. Alam ko namang pagod ka na. Ok lang sa akin." Saad ko sa kanya atsaka nag-pout sa kanyang harapan. Nag-baby face rin ako atsaka tumayo mula sa pagkakaupo at mabagal na naglakad palayo. Ganito kasi yung mga napapanood ko sa mga teleserye sa TV. Kunyaring aalis ang mga babae tapos bigla silang pipigilan ng mga prince charming nila.

"No!" Rinig kong sigaw ni Tristan.

"Don't go."

Sabi ko na nga ba eh. Ang sweet niya talagang prince charming.

"Let's go together."

Ang galing-galing ko talaga. Ngayon, alam ko na ang kahinaan mo, Tristan. Maghanda ka na.

Bwahahaha!! *Ehem Ehem* Bwahaha!!

-∆∆∆-

"Lagi ka bang pumupunta dito sa Mall?" Panimula ko.

"Minsan na lang. Hindi naman ako ang bumibili ng pagkain sa bahay namin eh." Sagot niya habang itinutulak ang push cart.

Nasa loob na kami ng mall ngayon at nasa lugar kung saan maraming mga junk foods. Napagisip-isip ko kasing kailangan ni Tristan ng mga pagkain na panglibangan o pampulutan man lang. Sinimulan ko na ang pagkuha ng mga gusto ko atsaka inilagay sa push cart. Tiningnan ko naman si Tristan at plain lang ang kanyang mukha. Nakahawak pa rin siya sa push cart at parang walang balak kumuha ng pagkain.

Catch me... I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon