Chapter 16

190 10 2
                                    

"You'll know he's the one when he's willing to help you even if you don't ask him to."

~∆∆∆~  

Lunes

Kakatapos na naman ng isang magandang weekend. Isang halik lang mula kay Tristan solve na ako. Wala na akong hihingin pang iba. Kiss lang ng babes ko sapat na.

Tinapon ko na yung nginunguya kong bubble gum at umakyat na sa kwarto ko. Masaya ang magiging bungad ng unang subject namin dahil katabi ko si Tristan my babes ko. Konti pa lang ang mga estudyante pagpasok ko kaya pagkaupo ko nilabas ko ang phone ko at tiningnan ang huling message sa akin ni Tristan kanina bago ako pumasok.

"Good luck sa school! Galingan mo."

Yieh! Kahit ilang beses ko ng binasa kinikilig pa rin ako. Paano pa kaya kung sinabi niya sa'kin ito ng harapan? Too bad hindi niya alam na ako ang kausap niya. Ang naisip niya si Nica pa rin. Bahala na. Balang araw malalaman niya rin at tatanggapin ako ng buong-buo at mamahalin. Tiwala lang.

Diba Mr. Tadhana?

Patagal-tagal mas dumadami ang tao sa room. Absent si Lilian ngayon. Si Tristan sabi malelate siya kaya nilagyan ko ng bag yung katabi kong upuan para katabi ko siyang mag-aral. Speaking of him, bumukas na ang pintuan at niluwa ito ang isang nakapapoging nilalang. Binati niya muna yung prof namin at tumingin na ng bakanteng upuan. Tinaas ko yung kamay ko at ng mapansin niya umupo na siya sa tabi ko.

"Thank you!" He said in relief then gave me a sweet smile.

"No problem." Sinuklian ko siya ng ngiti at sabay na nakinig sa prof. Isang tenga sa prof at yung isa nakikinig kay Tristan hanggang sa hindi na ako nakinig sa lecture at nakinig na lang sa pinagsasabi ng babes ko.

"Tristan." Pagkuha ko ng atensyon niya. Saktong hininto na niya ang pagsulat ng notes at hinarap ako. "Nakikinig ka ba?" Dugtong kong tanong at nginuso ang pwesto ng prof namin.

"Hindi." Natawa ako ng mahina sa sagot niya. Iyon rin ang naging tugon niya.

"Caitlin," This time siya naman ang tumawag sa akin. Magpapatalo pa ba ako sa kagandahan ni Jasmine? Siyempre hindi kailangan ikabog ko 'to. Tumingin muna ako sa kabilang gilid at bonggang inikot ang ulo kay Tristan my babes ko with matching hair flip at hawak sa buhok and blinking eyes. Kumbaga power combo kapag nasa isa kaming laro.

"Okay ka lang, Cait?"

Ay, pahiya mga bes. Saklap ng life. Hindi kineri ang kabonggahan ko. Saklap. Para pa naman akong model tapos tatanungin niya ako kung okay lang ba ako? Pasalamat siya ang gwapo niya.

"Nevermind." Hindi ko siya inirapan. Masiyado siyang cute para tarayan ko. "Bakit?" Pagdugtong ko ng tanong.

"About last friday," Hindi niya muna diniretso ang pangungusap niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin. Napakamot pa nga siya sa batok niya, e. "The kiss."

Those were only two words. Two words but It made me feel everything. Shocked, happy, loved, and phenomenal. Hanggang ngayon hindi pa rin nabubura sa isipan ko ang halik na 'yon. Our very first kiss as a future couple.

"Are you affected by that? Hindi naman sa galit o sa binabawi ko pero tinatanong ko lang kasi baka hindi mo na ako pansinin."

Hindi ko bigla nalaman kung ano dapat kong maramdaman. Bigla ako naging lutang at tulala habang nakaharap sa labi niya. I'm not fantasizing him or whatever. Sa pagkakaalam ko dapat ako ang nagtatanong sa kanya niyan kasi ako ang may gusto sa kanya na ang kulang na lang ay halikan ko yung mga ulap. Ay, may naalala tuloy ako bigla.

Catch me... I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon