bullet 3 - two orbs

8K 174 22
                                    

I'll dig your grave

to touch your lips

to feel your hair

to lay myself

 

+++

Bullet three

"I am here with a sorrowful heart to extend condolence to the family of the late Mr. Luis Mariano. In behalf of Fronda Drugs Incorporated, I pray for justice for this great man. Also, I pray for tranquility for those who witnessed his death. God bless us all."

Tumango ako sa pamilyang naiwan ni Mr. Mariano. Nakaupo sila sa pinakaharap na pwesto at hinaharap nila ang itim na kabaong. Bago ako umalis sa podium na malapit sa kabaong kinuha ko muna ang papel kung saan may nakasulat na speech na hindi ko inatim na gamitin.

Hindi ako miyembro ng pamilya nila, ako lamang ay isang saksi sa kanyang pagkamatay. Ngunit, dahil sa financial adviser pala ng FDI si Mr. Mariano sa akin ipinasa ang responsibilidad ng kumpanya na makiramay. Ginawan nila ako ng speech pero ayaw kong gamitin. Masyado kasing madamdamin ang two pages na speech sa papel.

I sat beside the faculty of Brent University. I didn't really know why I was with these people. Oh, wait, I think I know. Mula sa umpisa ng seremonya hindi na natigil ang flashes ng camera sa loob ng hall ng Brent University kung saan ito ginanap. The murder of Mr. Mariano was a head news in the country. Napangiwi ako habang iniisip na ginawa pa itong advertisement ng unibersidad. And with FDI (and me), it was a sure hit.

After the ceremony I was ushered by Dana and three other men out of the hall dahil nagsilapitan sa akin ang mga press people. Hindi na ako napapapikit sa mga flashes ng camera dahil pagkasilang ko palang mga ganyan na bumungad sa akin.

"Miss Fronda, can you give us a statement?" wika ng isa sa kanila. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Ano ang iyong naramdaman noong nakita mo ang pagkamatay ni Mr. Mariano?"

"Ano ang masasabi mo sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga financial advisers ng FDI?" tanong ng isa. Natigilan ako sa tanong na iyon but I maintained my cool. Dapat hindi nila mahalata na wala akong alam sa pagkamatay ng iba pang miyembro ng FDI. Totoo kaya ang sinabi ng isa sa mga press? Hindi lang si Mr. Mariano ang nasawi?

"Masakit para sa FDI ang mga pangyayari. Death is what FDI delays," I said before I entered the black Hummer. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyon, siguro sa tag line ng FDI na We Prolong Life. Tinanggal ko ang shades ko pagkaupo ko at kinalabit si Dana na nasa harap nakaupo. "Who else died?" Wrong question, dahil wala naman akong kilala sa mga financial advisers ng kumpanya.

"Seberio Ruiz and Nelson Lopez. Heart attack pareho," sagot ni Dana. Tumango ako. Kung parehong namatay dahil sa baril si Mr. Ruiz at Mr. Lopez iisipin ko nang company politics ang dahilan. I shook my head, erasing the dark thought. Nasobrahan lang siguro ako sa panonood ng mga detective movies kaya masyadong theatrical ang naisip ko. Sumilip ako mula sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ang napakaraming tao na nakiramay. Siguro nga'y mabuting tao si Mr. Mariano, kahit na welcome to hell ang panimulang bati niya sa amin noon. Little did I know that it was a really a hellhole.

Trigger and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon