bullet 6 - caught

6.5K 153 31
                                    

+++

Bullet six

The moment I got in at the back of the metal door fear washed over me. The long room was not well lit. Ang nagbibigay lang ng liwanag ay ang maliliit na bintana sa dingding. What was I thinking?! Dapat tumakbo ako at humingi ng tulong. Napahamak ako sa kahambugan ng utak ko.

“I’m telling the truth! Please. Please don’t kill him…” nagsusumamong wika ng isang boses.  Nagtago agad ako sa tabi ng isang cabinet na malapit sa pintuan. I winced when another voice cried. His voice was muffled it was not hard to tell he was gagged.

“Please…” iyak ng boses ng lalake na una kong narinig kanina. “Wala kaming alam… wala kaming alam. Maniwala ka. Ang mga nasa taas ang… ang pagtatanungin mo…”

Bang.

Umalingawngaw ang tunog ng putok ng baril kasabay ng isang sigaw. I covered my mouth to hold back my scream. Ilang segundo ang katahimikan bago may panibagong ingay. Matinis at para itong tunog na mula sa isang makina. Isiniksik ko pa lalo ang aking katawan sa tinataguan ko. Lubos akong nagsisisi sa naging desisyon ko. Sana talaga humingi na lang ako ng tulong sa mga guwardya. Wala akong magawa, wala akong lakas. Isa lang akong batang babae na nagtatago sa sulok habang may karumaldumal na nagaganap malapit sa akin.

Kailan ako napa-upo? Hindi ko namalayan. Yakap ko na ang aking mga tuhod na nanginginig.

“Hyelhp!” sigaw ng lalake. “Hyelhp… Aaaahhh…”

I crawled. I crawled towards the door. Ang kaya ko lang maitulong ay ang humingi ng tulong sa iba. Ngunit natigilan ako sa paggapang nang nakita ko mula sa ilalim ng mga lamesa ang isang katawan. Nakaharap ang ulo nito sa kinalalagyan ko. Umaagos pa ang dugong nagkulay itim dahil sa dilim mula sa kanyang noo. Nakikita ko rin ang dalawang pares ng paa, ang isang pares ay nakatayo at ang isa naman ay nakatali at nakalutang sa ere.

Patuloy ang  matinis na tunog kasabay ng mga hikbi ng nagbabadyang pangalawang biktima. Ang iyak na lang niya ang nagpapatunay sa akin na may pag-asa pa na mailigtas ko siya. Instead of crawling towards the door lumapit ako sa kanila. Ang pagdaan sa ilalim ng lamesa kung nasaan ang bangkay ang pinakamadaling paraan para makalapit ako sa kanila. Iniiwasan ko tumingin sa bangkay habang lihim na gumagapang palapit.

Hindi ko masikmura ang nakikita ko. Nakasabit ang isang may-edad nang mama. Taling abaka ang nakagapos sa kanyang mga kamay at mga paa. Wala siyang suot na pangitaas ngunit halos hindi na makita ang kanyang balat. Dugo. Punung-puno ng dugo ang kanyang katawan.

Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba ang eksenang ito. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba kung paano unti-unting pinapatay ng lalakeng nakatayo ang kawawang mama. Tumatalsik-talsik ang dugo habang pinapadaan ang maliit na instrumento sa balat niya. Pamilyar sa akin ang intrumento na iyon… Ito ay ang ginagamit ng dentista para mabutas ang ngipin bago lagyan ng pasta.

“Hospital is the best venue when I want theatric killings.”

I froze.

“They have cute tools like this.”

Trigger and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon