Tale No. 2 of 366

14 1 0
                                    


Joke time na naman 'to, siguro iniiisip ng iba. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na sa dinami-rami ng tao sa mundo, plus sa overpopulated na bansa ng China kasama na ang lumulobong bilang ng teenage pregnancies sa Pilipinas, ay ako pa ang makakatanggap ng kakayahang ito?

Hindi rin ako makapaniwala noong una kong nadiskubre ang kapangyarihang taglay ko. Noong una ay natakot pa ako, inisip ko na baka may kung anong demonyo ang sumapi at kumokontrol sa katawan ko para magawa ang mga bagay na ito na kumpara sa ibang tao ay hindi natural at mas lalong hindi normal. Isang buwan akong nagkulong sa bahay. Hawak ko lamang ang nag-iisang gadget na mayroon ako nang hindi nasisira, ang aking laptop. Kung ikukumpara mo siguro ang buhay ko sa buhay ni Darna, wala kaming pinagkapareha. Masarap lang talaga maikumpara sa isang sikat na superhero kahit hindi kami tugma. Pwede mong sabihin na malaki ang dibdib niya pati akin... O sige na, requirement ang transparency sa superhero kaya aaminin ko na na hindi nga kalakihan yung akin pero at least marunong ako maglagay ng napkin sa tamang lugar 'di tulad niya.

Naalala ko pa ang mga senaryo na nagdulot sa akin para madiskubre ang kakayahang matagal ng natutulog sa katawan ko.

Madilim na gabi ang araw na iyon, pero kailan nga ba naging maliwanag ang gabi at higit sa lahat, kailan nagkagabi sa araw? Nakakapagtaka 'di ba? Ngunit maiintindihan niyo rin ang mga pangungusap na ito pag natapos niyo ng malaman ang aking kwento.

Sa kadiliman ng gabi ng araw na iyon, habang abala ako sa pag-iisip kung pang-ilang panty ko na ba ang nabutas dahil sa pagtututong nito, may natagpuan akong isang ginintuang bagay na unang beses ko pa lamang nakita sa mga gamit ko. Mahaba lamang ito na tila isang retaso ng tela ngunit may kung ano sa bagay na ito na nag-iiba sa simpleng tela lamang. Bigla bigla ay nagliwanag ito ng hawakan ko. Napindot ko pala ang on button nito.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay wala na akong naalala. Nagulat na lamang ako sa mga nasunod na eksena matapos kong magmulat ng mata kinabukasan. Naglalakad lamang ako no'n sa gilid ng kalsada nang may mabilis na sasakyan ang papalapit sa direksyon ko. Tila naparalisa ang katawan ko ngunit may kung anong pwersa ang tila kumontrol sa mga paa ko at nagtulak sa 'kin na maglakad sa gitna ng kalsada.

Kung gusto ng driver ng sasakyan na sa sidewalk dumaan, e di ako ang maglalakad sa hi-way. Madali lang naman akong mag-adjust.

Doon dumating ang realisasyon sa utak ko.

Nag-adjust ako.

NAG. ADJUST. AKO.

Hindi ako makapaniwalang nagawa kong mag-adjust. Sa modernong panahon na ito, ang pag-aadjust ay isang extinct nang katangian ng tao. Nagkaroon ng malawak na epidemya noong 2015 na kumitil sa rasyonalisayon at kakayahang mag-adjust ng mga tao kaya nang sumunod na taon ay naubos na ang mga taong mayroon nito. Tinawag ang epidemyang ito na netizen virus.

Ito ang simula ang pagtuklas ko sa aking kapangyarihan—ang KAPANGYARIHAN NG PAG-AADJUST.



-end - 

Page 2 of 366




sssssssssssssSheyssssssssssssss


The 366 Tales of AdjustmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon