Tale No. 3 of 366

12 1 0
                                    

Part 2

Sinubukan kong sabihin sa mga kakilala ko ang kapangyarihang nadiskubre ko. Ngunit ni-isa, walang naniwala. Pinagtawanan lamang ako ng lahat, pinahiya at nasabihang sira. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na nagsasabi ako ng totoo, na kaya kong mag-adjust ng higit sa normal na kakayahan ng tao. Ngunit nakita ko ang pang-uuyam na nakaukit sa mga mata nila, ang pagturing sa akin na tila ba ako ay isang komedya.

Sa loob ng mahabang panahon, halos muntik na rin akong maniwala sa sinasabi sa akin ng iba, na isa na raw akong baliw. Eto daw ang naidulot ng labis na paggamit ko ng laptop samantalng may cellphone na naman. Outdated daw kasi ako sa mga "in" sa mundo kaya mismo pati utak ko raw ay parang apps ng Android, kailangan maya't maya ay ina-upgrade. Kaso malas ko daw dahil may password and wifi nina Aling Bebang na kapitbahay kong nakatira sa kahon. Maigi pa sila may wifi kahit sa kahon lamang nakatira. Hindi nila kinayang mag-aadjust sa pamumuhay na walang wifi kaya 'di bale nang walang bahay 'wag lang mawalan ng wifi. Ako? Magaling kasi ako mag-adjust kaya hindi ko na inisip pang magpakabit dahil adjusted na agad ang routine ko.

Noong mga panahon na halos itaboy ako ng mundo at animo'y tinuring na bidang karakter ng "The Boy Who Cried Adjustments" dahil sa pagkakalat ko ng kwento ukol sa kakayahang nadiskubre ko, nagkulong ako sa banyo sa loob ng mahabang panahon ng isang minuto. Punong-puno ng katanungan ang utak ko at inis sa sarili kung bakit hinayaan kong ganito ang mangyari sa buhay ko. Hindi ko naman ninais na matutong mag-adjust. Gusto ko lang maging normal tulad ng iba. Pero sino nga bang niloloko ko? Lahat naman tayo sa lipunan ay naglolokohhan sa nosyon ng pagiging normal dahil lahat ng mga taong nasa kategoryang normal, gustong maging normal na espesyal. Para sa akin ay taliwas sa isa't isa ang dalawang salitang iyan. Dahil lahat ng espesyal, hindi normal. Minsan mapapatanong na lang ako kung pagiging normal nga ba ang nais natin o ang pagiging espesyal? Sige, lokohin niyo pa mga lelang niyo, basta ako, nakapag-adjust na.

Naisip ko rin sa loob ng mahabang panahon ng isang minutong pagkukulong ko sa banyo, [Oo na, aminado akong nagpapractice lang talaga ako mag-audition sa Minute To Win It kaya ako nagkukulong sa banyo, at ang hindi makagets ng joke, makakatapak mamaya ng jackstone] Ano nga bang silbi ng pag-aadjust ko kung ako lang naman ang marunong nito. Tulad nga ng nasabi ko, extinct na ang mga taong may kakayahang gawin ito. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lamang ako. Alam niyo ba yung logic na kapag ang puno ay tumumba sa kagubatan ngunit walang kahit anong buhay na bagay na nasa paligid nito na nakarinig ng pagbagsak, ibig sabihin ay walang tunog na nalikha? Ginagamit ito para ihambing sa katotohanan. Hangga't walang nagsasabi na nangyari, ibig sabihin ay hindi nangyari.

Wala ng silbi kahit ma-master ko pa ang kakayahan kong pag-aadjust kung mag-isa lang din naman akong may kakayahan nito. At doon pumasok ang ideya sa utak ko. No man is an island. Alam kong may maliit na probabilidad na hindi lamang ako ang nag-iisang tao na nakatanggap ng kakayahang ito.

Dali-dali ay inempake ko ang aking mga gamit att nagpabango upang ihanda ang aking sarili sa paglalakbay upang hanapin ang ibang mga katulad ko. Bitbit ang lahat ng bag, pinindot ko na ang on button saka hinack ang password nina Aling Bebang upang umpisahan ang aking paglalakbay.

Ang paglalakbay ko sa loob ng Facebook.



-end-

  P.S Kung feeling niyo magulo ang mga eksena at ang mga oras ay hindi nagtutugma, nais kong humingi ng paumanhin dahil hindi ko pa kayang kontrolin ang aking kapangyirahan at nasobrahan ako sa pag-aadjust ng kwento kong ito.  


Page 3 of 366

ssssssssssssssSheysssssssssssss



The 366 Tales of AdjustmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon