Part 4
Mahirap mag-adjust. Bagaman biniyayaan ako sa aspetong ito, nahihirapan pa rin akong mag-adjust. Tingnan niyo ang nangyari sa Page 3 of 366, hindi kinasya sa isang page (kung MS Word ang gamit mo) kaya kailangan ngayong mag-adjust ni page 4 of 366 at sa kasamaang palad, ay ako ang gagawa n'on. Ang parteng ito na sana ang magmamarka ng umpisa nga aking paglalakbay ngunit mauudlot pa yata.
Pero magaling naman ako sa larangang ito kaya wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang umurong ng umurong at mag-adjust ng mag-adjust. At kita mo nga naman, sa kaka-adjust ko ay inubos ko ang walong linya para lang ilathala ang paghihirap ko sa pag-aadjust.
Leche nga naman oh.
Ngunit bago pa ang lahat, umpisahan na natin sa dulo. Oo, sa dulo. Ito ang unang katangian ng mga gaya kong adjustable, laging maging pinakauna o pinakahuling tao sa eksena. Lahat ng nasa gitna ay walang kakayahang mag-adjust.
Bitbit ang aking itak, isa-isa kong tinaga ang mga balakid sa daanan ko. Nung una ay madilim lamang ang mga lupain na aking nilalakaran at halos walang mga puno sa paligid maliban sa mangilan-ilang anyong tubig na nadaanan ko sa aking paglalakad. Nagulat na lamang ako ng bigla akong ssinugod ng mga kalaban at dali-daling nasaksak at pinagkaisahan ng walang habas.
"Pucha!", sigaw ko.
"Hoy Ne! Kanina ka pa time, extend ka pa ba?"
"Teka lang, dinuduga ako ng mga ugok na customer niyo dito sa comshop eh!", daing ko.
"E 'di ba sabi mo magaling ka naman mag-adjust? E 'di mag-adjust ka na lang!", sambit ng may-ari ng comshop na halatang may bahid ng pang-aasar sa akin. Pilit nitong nilabanan ang ngiti sa kanyang mga labi ngunit ang mga batang kalaban ko sa DOTA, walang kiyemeng humagalpak ng tawa saka sabay sabay na sumigaw ng "ADJUST! ADJUST!"
Heto na nga ba ang kinakatakot ko. Tulad ng kung paanong laging naabuso ng lipunan ang kakayahan ng mga superhero, dumating na rin yata ako sa panahon kung saan ang kakayahan kong mag-adjust naman ang maaabuso ng iba.
Ganito na yata ang takbo ng mundo, walang pagbabago. Ang tatsulok, kahit baliktarin mo ay tatsulok pa rin. Putang ina lang kapag sinamahan pa nila ng sine, cosine at tangent na naman 'yan.
-end-
Page 4 of 366
sssssssssssssssSheyssssssssssssssss
BINABASA MO ANG
The 366 Tales of Adjustments
HumorAdjustments. Adjustments. Adjustments. Sawa na ba kayo sa pag-aadjust? Kasi ako oo. SAWANG SAWA NA. Kaso anong magagawa ko kung binigyan ako ng super powers na may kinalaman sa pag-aadjust? Joke time na naman 'to pero kung nais niyo, basahin niyo n...