Chapter 1

23.6K 122 3
                                    

" Amanda, aba eh kumilos kana! Tanghali na! " Sigaw ni Lilia sa anak na dalaga. Nasa kusina siya't abalang-abala sa pagluluto ng mga kakanin. Iyon ang pinagkakakitaan nito. At ang kanyang asawa nama'y isang simpleng magbubukid.
" Oo 'nay nar'yan na, ho! " Sagot ni Amanda sa ina.
Nagmamadali siyang nag-ayos ng sarili, at nagpulbo pa ng mukha. Iniikot pa niya ang sariling repleksyon sa salamin. Kailangang magandang-maganda siya. Dahil makikita na naman niya ang lalaking lihim na hinahangaan sa bukid. Sigurado siya na naroon ito kasama ng kanyang ama. Narinig niya iyon kagabi sa usapan ng mga magulang. Kaya mas mainam na maganda siya pag nakita nito.
" Amanda, tatamaan kana! Ano ba! Dalian mo nang kilos d'yan! Hindi ka prinsesa! " Sigaw muli ni Lilia. Naglalabasan na ang kanyang litid dahil sa galit. Kahit kailan talaga ang anak niyang dalaga. Napaka bagal kumilos.
Sandali pa'y humahangos na ito na bumaba.
" Nay, naman masyado excited?! " Susol na hirit ni Amanda sa ina.
" Excited! Hmp! Dalian mo! Dami mong arte, alam mo naman na walang almusal ang ama mo, kaya dapat makakain na iyon ngayon. Nariyan ang basket. Bumalik ka agad, dahil marami pang lulutuin dito! "
" Oo na, Oo na! Hindi pa nga nakakapunta, babalik agad? Anu kaya 'yun?! "
" Gaga! 'wag ka nang maraming salita, alis! Kuntudo nakabihis pa! Hmp! "
Nakasimangot na kinuha ni Amanda ang basket na may pagkain nang nakalagay at padabog na umalis. Pero ng makalabas lang ng bahay nila ay isang matamis na ngiti ang ipininta niya sa labi. Kasabay ng pag-imbay ng kanyang balakang sa tuwing hahakbang. Lahat ng kalalakihan ay napapatingin kay Amanda. Pero balewala iyon sa kanya. Naka pukos ang atensyon niya kay Rick. Ang pamangking taga Maynila ni Mang Selmo. Ito ang labis niyang hinahangaan. Pinapangarap na makasama at papakasalan niya.
Maganda si Amanda. Maputi ang kanyang kutis kahit na laking probinsya. Anim na pulgada at kalahati ang taas niya, at pwedeng-pwede na sumali sa mga beauty contest kung gugustuhin. Tatlong taon na siyang tapos ng sekondarya at 'di na nakapag-kolehiyo. Sa hirap na rin ng buhay. Kahit nag-iisang anak ay hindi makayang pag aralin siya sa kolehiyo ng mga magulang. Pero pasalamat na rin siya't nakapag tapos siya kahit na sekondarya.
Puting palda na hanggang tuhod na may disenyong bulaklak ang suot niya. Sa pang itaas ay isang kulay dilaw na semi-sando shirt. Karaniwang suot niya iyon pag lalabas ng bahay, o may lakad. Madalang siya mag pantalon o 'yung uso na pekpek short kung tawagin. Bukod sa wala siya nu'n ay magagalit ang nanay niya kapag nakiuso siya sa mga dalagang halos labas na ang singit pag nasa lakaran. Gustuhin man niya'y hindi pwede.
" Tay! Andito na ho, ang pagkain 'nyo! Umahon na po muna kayo d'yan!! " Sigaw ni Amanda nasa may kubo na siya na pahingahan nang mga nagtatanim ng palay.
Matapos ay sabik hinanap ng kang paningin si Rick. Inisa-isa niya ang mga naroroon sa palayan na kasama ng ama. Pero wala siyang makitang anino man lang nito. Lumakad pa siya sa may tabing pilapil at sinipat muli ang mga naroon sa palayan.
" Nasaan ka? " Bulong pa niya.
Parang nalugi si Amanda ng hindi makita lalaking minamahal. Oo, minamahal na niya 'ata ito. Bagsak ang kanyang balikat na bumalik sa mga kubo. Paparating na rin ang tatay niya kaya hinanda na muna ni Amanda ang pagkain nito kahit abala ang isip kay Rick.
Maraming tanong na wala naman siyang maisagot doon.
" Mabuti naman at dumating kana. Inabot kana ng alas dyes papunta dito! Dyaskeng bate are! Ay bakit anung tagal? " Galit na wika ng ama ni Amanda pagkadating. Humihingal pa ito sa pagod.
" Sorry naman 'tay! Alam n'yo nang puyat! "
" Puyat?! Inuna mo kaseng magpuyat kagabi! Hindi mo man lang naisip ama mo! "
" Ay naku 'tay, pinayagan naman ako ni nanay manood kina aling Lisa ng pelikula ah! " Sagot pa ng dalaga. Kahit na mali ay ipipilit ang katwiran. Matigas, at sutil ang ugali ni Amanda. Iyon ang pinag aawayan nila madalas ng mga magulang. Tamad pa ito at walang ginawa kundi mag gala.

Pagka alis ng ina papunta sa pagtitinda.
Napailing na lamang ang ama niya saka sinimulang kumain. Iniwan na rin niya muna ito at hahanapin ulit niya si Rick.
Doon siya pumuwesto sa mga ilalim ng punong mangga. Makanlong doon at presko. May papag na gawa sa kawayan. Naroon ang ibang gamit ng mga magtatanim ng palay. Muli niyang sinuyod ng tingin ang mga nasa palayan. Inisa-isa. Sinigurado na wala siyang nakaligtaan. Subalit wala talaga ang kanyang hinahanap. Yamot na napabuga ng hininga siya sa hangin. Magkasalubong ang kilay, at nakanguso na nagyuko na lamang ng tingin. May nakita siyang bato at doon niya ibinaling ang inis na nararamdaman. Sinipa niya ito papunta sa palayan ng may narinig siyang umaray. Agad siyang napatingin sa may ari ng boses. Nag-alala siya na baka napalakas ang tama niya. Subalit napanganga siya sa lalaking nakita. Walang iba kundi si Rick.
" Ano ka ba naman Amanda!!! Hindi ka na nakakatulong ay nakaka perwisyo ka pa! " Ang tatay niya. Dumadagundong ang boses nito dahil sa galit. Nandoon na pala agad ito at tinulungan ang lalaki. Siya nama'y hindi malaman ang gagawin. Pinagpapawisan siya, na malakas ang kaba sa dibdib. Hindi sa takot kundi nadaramang saya at kilig para dito.
" Amanda! Madali ka d'yan, at dumudugo na are! " Sigaw muli ng ama niya. Nakahawak ang kamay sa noo ni Rick na may sugat. Halos mapalundag sa gulat ang dalaga. Kahit walang alam sa first aid ay lumapit na rin siya sa mga ito. Kinuha ang dala niyang panyo sa bulsa at ibinigay sa ama.
" Ikuha mo ako ng talbos bayabas, bilis! Ang bagal! "
" O-Opo itay! " Nauutal na sagot pa niya. Saka humanap na ng mapagkukunan. Nanginginig man at nangangatog ang tuhod ay nagawa niya makakuha at madala sa kanyang ama.
Ilang sandali lang ay natalian na ito nang panyo niya na may nginuyang dahon ng bayabas sa tapat ng may sugat.
Inasikaso pa ito ng kanyang ama at pina upo muna.
" Huwag ka na munang tumuloy sa pagtatanim. Pasensya na sa ginawa ng aking anak! " Dinig pa nyang wika sa lalaki na ama niya.
Itutuloy...

Magdalena Series 3: Parausan ( Amanda Lopez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon