Chapter 2

17.1K 81 4
                                    


" At ikaw Amanda, umuwi kana! Hindi ka na nga nakakatulong, nakakaperwisyo ka pa! " Baling naman ng kanyang ama sa kanya.
Bumaling din ang tingin ni Rick sa gawi niya at pinasadahan siya ng tingin nito. Parang nasa alapaap si Amanda ng mga sandaling iyon. Binalewala lang ang galit ng ama. Ngumiti pa ito ng napakatamis at nagpapungay ng mata niya.
" Amanda! " Sigaw muli ng ama. Nandidilat ang mata nito sa galit.
" Tay naman... Hmp! " Angal niya. Inayos ang upo at ang paldang suot ay medyo itinaas. Saka naman bumalik na ang ama niya sa kubo. Naiiling na lamang ito sa anak na dalaga. Kaya naman malayang nasolong titigan ni Amanda si Rick. Nagpapa-cute pa ito para mapansin ng lalaking tahimik lang at malayo ang tingin.
Tumayo siya sa pwesto. Lalapitan niya ito para tanungin kung hindi na ba masakit ang sugat nito. Masayang-masaya siya dahil may dahilan na siya para makausap ito at makilala. Kinikilig ang puso niya. Para siyang hindi mapakali na pinagpapawisan. Napaka gwapo naman kase ni Rick. May manipis itong bigote na bumagay dito. May patilya na maliit sa gilid. Tamang kapal ng kilay. Malabnaw na tsokolate ang kulay ng balat. Mamasel na braso na halatang batak sa trabaho. At ang mala-pandesal nitong abs sa ilalim ng suot nitong damit.
Nanuyo bigla ang labi at lalamunan ni Amanda. Nasa isip niya na ikinukulong siya ni Rick sa mga bisig nito.
" Mmmmhmm... " Mahinang ungol niya.
" Miss...?! " Nagtatakang tanong ni Rick sa dalaga. Nakapikit ito sa may gilid niya at parang nananaginip.
Para namang natauhan si Amanda pagkarinig sa tinig ng lalaking hinahangaan niya. Nagmulat na siya ng mata para malaman lang na nakakahiya ang kanyang ginawa.
" Ay! " Alanganin niyang nasabi. Ngumiti siya para mapagtakpan ang ginawang kalandian sa isip.
" S-Sorry... " Nahihiya pa niyang dagdag.
" Okey lang. Kasalanan ko rin naman. Hindi ako natingin sa dinaanan ko... " Si Rick na ang tinutukoy ay ang sugat na gawa ng dalaga.
Napakunot
ng noo si Amanda.
" Hindi 'ata nito nakuha kung para saan ang sorry ko! " Aniya sa isip. Kaya nakisakay na lamang siya sa sinabi nito.
" Ah... O-Oo... Ako rin kase. Akala ko wala dadaan... "
Ngumiti ito sa kanya. Parang nahihiya ito na torpe.
Lalo siyang kinilig sa moment nila ni Rick. Parang pakiramdam niya'y sila lamang ang naroroon sa lugar na iyon.
" Uhm... Ako nga pala si Rick... " Pakilala nito sa kanya.
" Ah, O-Oo.. Alam ko na... "
" Malamang. Ako din, alam ko na pangalan mo.. Amanda? Tama ba? "
" Ha ha! Oo, oo! Si Tatay kase! "
" Ang ganda nga ng pangalan mo, bumagay sa'yo! "
" Weh? So, you mean, Maganda ako! " Gagad na hirit pa ni Amanda kay Rick. Nalulunod na siya sa sobrang saya at kilig na nararamdaman. Ramdam pa niyang namumula ang pisnge niya dahil sa mga titig niya parang pinapaso siya sa init.
" Oo... Bakit ayaw mo? " Anito. Nakangisi na ito sa kanya na parang nang-aasar.
Okey naman pala ito. Hindi suplada tulad ng una niyang tingin sa dalaga. Makinis, at halatang inusente pa sa mundo. Parang anghel ang mukha nito na nakakapag panatag kapag tititigan. Kung wala lamang siya asawa'y malamang na pormahan niya ito. Para din naman hinahangaan siya nito sa mga kilos pa lang at ngiti sa kanya. Mukhang hindi niya ito matatanggihan kapag nagpakita ng motibo sa kanya. Mapagbigay pa naman siya sa mga nangangailangan. Lalo na kung init ng katawan ang kailangan.
" Rick! " Pukaw sa kanya ng tinig ng dalaga. Natauhan naman siya sa iniisip. Naglakbay na pala ang diwa niya nang hindi niya namamalayan.
" Ah, ano sinabi mo? " Medyo nahihiya niyang tanong dito.
" W-Wala ah... " Nagtatakang angal naman ng dalaga.
" Rick!! " Boses sa malayo ang nagpalingon sa dalawa. Si Mang Selmo iyon. Paparating para kaunin ang pamangkin.
" Naku, andito na si tiyong Selmo... Magpapaalam na muna ako Amanda, ha., salamat sa saglit na oras. Isasauli ko nalang ang panyo mo pag nalabahan ko na. " Paalam na ni Rick sa dalaga. Tumayo ito at naglakad na rin palayo.
Isang tango lang naman ang isinagot ni Amanda dito. Nanghihinayang
siya sa saglit lang nilang pag uusap nito. Pero ang mahalaga'y kaibigan na niya ito. May posibilidad na mapansin na siya ng binata. At kapag nagkataon baka ligawan pa siya nito. Iyon ang oras na pinakahihintay niya.
" Yes! " Hiyaw nang isip niya saka tumayo na rin sa pwesto. Kinuha ang pinagkainan ng ama, at niligpit na iyon.
Napatingin siya sa araw.
" Hala? Lagot ako kay Nanay Lilia! " Aniya. Kinabahan bigla siya. Pagkat tanghali na ay pauwi pa lamang siya gayong ibinilin nito na bumalik agad siya sa bahay.
Masyado siyang nalibang sa pakikipag usap kay Rick at ang oras ay hindi niya na namalayan pa. Nagmamadali na siyang naglakad pauwi. Abot ang kaba sa dibdib na baka nandoon ang ina niya't hinintay talaga siya para pagalitan nito.
" Huwag naman! Sana nakalakad na siya para magtinda! " Nahiling niya sa isip. Natatanaw na niya ang kanila. Sarado ang pinto. Napangiti ng lihim si Amanda. Nakahinga siya ng maluwag. Pagkat wala na nga ang ina niya tulad ng hiniling niya.
Masaya pa niyang binuksan ang pinto na nakatali lamang.
" I'm home! " Sigaw niya na malakas ang loob.
" I'm home! " Sagot nang nanay niyang nasa kwarto.
" N-Nanay?! " Ani Amanda. Bigla siyang natakot. Lagot na talaga siya.
" Oo! Ano't ngayon ka lang, ha?! "
" Eh k-kase... "
Itutuloy...

Magdalena Series 3: Parausan ( Amanda Lopez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon