Chapter 3

14.1K 65 1
                                    

" Eh k-kase....ano po m-may inutos pa s-si t-tatay... " Alanganing sagot ni Amanda sa ina na hindi totoo.
" Anong may inutos? Hoy, Amanda, tigil-tigilan mo 'yang pagsisinungaling mo, ha! " Sigaw ni Mang Karding. Ama ni Amanda. Nasa palikuran ito na naliligo pala.
Napangiwi na naman si Amanda. Wala na siyang lusot sa ina. Bakit ba hindi niya namalayan na nauna pang umuwi ang ama niya sa kanya?
" Tsk tsk! " Aniya pa sa sarili.
" O, ano? Ano ka! Hmpft! Saan ka galing? " Pukaw na ni Lilia sa anak na natahimik na.
Nagulat pa si Amanda dito. Nasa malapit na pala ito sa kanya.
" Nay naman.... Galing ako kina Ara....dumaan ako du'n... " Muling pagsisinungaling niya sa ina. Si Ara ang isa sa mga malapit niyang kaibigan. Hindi ito kasing ganda niya, pero magaling sa pag-awit.
" Ara-ara! Sabihin mo nakipaglandian ka! "
" Hala? Nay naman...hindi kaya.. "
" Hindi? Huwag ka nang magmaang-maangan! Papunta ka pa lang, pabalik na ako! Huh.. Yang mga pagpapaganda mo bago umalis... Tsura. Hmft! "
" Ai naku Lilia, dalian mo na d'yan! " Sabat sa usapan ni Mang Karding. Tapos na ito maligo at paakyat na ng kwarto para makapagbihis.
Hinarap naman iyon ni Lilia at pinandilatan ng mata. Sinasabi na siya rin ay magmadali.
" Teka, Nay saan ba kayo ni Tatay? " Pagkuway pang-iiba na ng usapan ni Amanda. Para 'di na maalala pa ang kanyang kasalanan.
" Yanung, galing mo talaga, Amanda. Aa! " Naiiling na sagot ng ina.
Natawa si Amanda. Alam naman niya na hindi siya sasaktan nito. Hanggang mga salita lang ang kanyang mga magulang. Na ipinagpapasalamat niya.
" Pupunta kami ng itay mo sa Lola mo sa kabilang baryo. May handaan doon at inanyayahan kami. Baka bukas pang umaga ang balik namin... " Sagot na ni Lilia sa tanong ng anak. Habang inihahanda nito ang mga paninda na dadalhinAmanda sa ina. Napanganga pa ito sa pagkakasabi.

" Oo! Maglinis ka dito ng bahay. Papupuntahin ko dito si Lorie para may kasama ka. "
Si Lorie ay pinsan ni Amanda. Pero bata pa ito. Dose anyo lamang. Anak ito ng kapatid ni Lilia na si Maring.
" Oo na, oo na! As usual! "
" Basta dumito ka't 'wag aalis ng bahay! Maglinis ka dito. "
" Syempre naman 'nay! Saan naman ako pupunta, aber? "
" Aba, malay ko kung pag alis nami'y siya mong banatan rin ng alis?! " Ani Lilia pa sa anak na nandidilat ang mata. Dahil alam niya gawi ng nito. Pasaway!
" Sus, eh kung umalis naman ako'y kina Ara lang ako pupunta. Saka maglilinis ako dito 'nay. Wag kang ano d'yan! Hmft! "
" Sige na. Ang bilin ko! May pagkain kana diyan!
Heto ang singkwenta. Pambili mo ng meryenda! "
" Wow, ang bait! Salamat 'nay! " Ngiting-ngiti na habol pa ni Amanda sa ina. Papalabas ni ito ng pinto.
" Lilia, bilisan mo na! " Si Mang Karding. Sigaw na nito. Dahil nauna nang lumabas.
Wala nang nagawa pa si Amanda kundi ihatid na lamang ng tanaw ang mga magulang. Tulad din iyon nu'ng nakaraan na iniwan siya't pumunta sa lola niya. Laging may handaan doon dahil may pasugalan ito. Mabuti na lamang at hindi natututunan ng kang mga magulang ang ganu'ng bisyo.
Nang mawala sa paningin ni Amanda ang mga ito'y pumihit na rin siya papunta sa loob ng bahay nila. Isinara pa ang pinto niyon. Saka umakyat sa kanyang kwarto. Magbibihis na muna siya ng pambahay na damit bago simulang maglinis. Pakanta-kanta pa siya sa awiting alam niya at may matamis na ngiti sa labi.
Inspirado siya! Iyo n ang kanyang nararamdaman. Masayang-masaya na parang inilulutang sa ulap. Habang nakikita sa isipan si Rick.
" O, Rick! Mahal na nga 'ata kita! " Hiyaw ng isip ni Amanda. Ang pera na binigay ng ina ay idinagdag niya sa mga pera na naitatabi niya. Wala naman siyang ibang bibilhin. Ang meryenda'y kakain na lamang siya ng iniwang sumang balinghoy ng ina.

Saglit pa'y hawak na niya ang walis tambo at basahan. Inuna niyang maglinis sa kusina nila. Isinunod ang lamesa na napakaraming kalat. Saka.
" Na naman? " Gulat na wika ni  nagwalis sa sahig nila. Alas tres y medya na nang hapon siya nakatapos. Naghanda na siya ng pagkain para sa pananghalian at mag isang kumain. Alam niyang mamaya pang gabi pupunta ang pinsan dahil may pasok ito sa eskwelahan.

~~
" Ara! " Tawag ni Arnel sa nobya. Pumunta siya sa bahay nito para dalawin.
Napadungaw naman si Ara sa bintana. Saglit na itinigil ang pagbabasa ng pocketbook. Isa iyon sa mga libangan ng dalaga.
" Yes, Mahal! " Nakangiti niyang sagot sa katipan.
" Tumuloy kana! " Dagdag pa ni Ara. Wala din naman ang mga magulang niya dahil nasa bukid ang mga ito.
Napatango na lamang si Arnel bago humakbang papasok sa bakuran nila Ara, deretso sa pinto. Bumaba na rin ang dalaga at sinalubong ito. Pero agad ding isinara ang pinto.
Payakap na lumapit sa likod ni Ara si Arnel ang katipan niya. Sa mariin na pumisil sa dibdib agad nito.
" Ai, Arnel! Anu ka ba naman! " Gulat na reaksyon ni Ara. Pilit na pumiksi sa pagkakayakap ng lalaki.
" Isa lang Ara., " Hirit naman nito. Na lalong dumiin pa ang pagkakayakap at marahang hinaplos ang dibdib ng dalaga.
" A-Anung isa lang? Tadyakan kita, nakita mo! " Wika ni Ara. Pero pumihit paharap sa lalaki, at pinisil ang ilong saka binirahan ng kalas sa yakap ng braso nito.
" Tumigil ka Arnel! Hmft! " Banta pa niya.
Macho ito. Matikas ang katawan. Medyo maitim ang balat nito dahil sa trabahon bukid. Matangkad. May abs na malaman. At mamasel ang braso. Idagdag pa ang labi ni na mamula-mula dahil wala naman ito bisyo kundi ang uminum lang kung minsan. Tatlong taon na sila magkasintahan nito. Hindi naman tutol ang magulang ni Ara sa lalaki. Pero ang gusto'y maikasal sila nito na hindi pa maibigay ni Arnel sa kanya. Pagkat kulang pa ang naitatabi nito na pera.
Pinagbibigyan niya ito minsan pero 'di sila lumalampas sa yakap, himas, at halik. Alam naman nito ang nais niya kaya iginagalang siya nito.
" hmmm, naglalambing lang... Na-miss kaya kita., " Ani Arnel. Nasa tabi na rin ito ni Ara at naka akap ang braso sa beywang ng dalaga.
" Ako rin naman, Mahal... Abala ka kase, 'di ba sabi mo? "

" Oo, nga... Pero ngayon hindi na... Mhmmmmhm... Ang bango mo talaga mahal ko, nakakagigil! "
" Hahaha! Ai, anu ba! Pst. Arnel, 'wag dito... " Nakikiliting sigaw ni Ara sa katipan.
" Eh, saan? " tanong naman nito. Hindi rin mawala ang pagkakangiti.
" Wala. Haha! Oi, ano ka noh! Hmft! Meron ako, kaya magtigil ka muna! "
Napakamot sa batok si Arnel sa narinig. Kung gayon hindi pala siya makaka-iskor. Bumuntong-hininga na lamang siya't inunawa ang katipan.
" Nga pala, birthday ng isang anak ni Mang Selmo, naanyayahan ako, sama ka? " Pagkuway wika na lamang ni Arnel.
" Huh? Kelan? " Sagot tanong naman ni Ara. Kumunot pa ang noo nito at nilingon ang lalaki.
" Mamayang gabi. May konting kasayahan daw eh. Nang-imbita kanina... "
" Mhmmmm, sasama ako kung kasama si Amanda. Para naman may ka-chicka ako noh! Hmft. Kung di ko alam, mapapatagay ka na naman doon! "
" O, eh di yakagin mo... Pwede naman... Lalo na't type nya si Rick! " Natatawang sagot ni Arnel.
Nagulat naman si Ara sa nasabi ng katipan.
" hala! Arnel! Hmft! Bakit mo alam? Ay este nasabi?! "
" Ako pa?! Halata naman d'yan sa kaibigan mo, eh! "
" Pssst! Arnel ha, binabalaan kita, 'wag mo masabi-sabi kay Rick. Hayaan mo na sila ang magkaalaman! " Banta ni Ara sa katipan na tawang-tawa pa rin.
" Oo na, oo na! Kayo talagang mga babae denial! "
" Tse! Umuwi kana nga. Maliligo na ako para mapuntahan ko si Amanda! "
" Sabay na tayo! " Hirit pa ni Arnel na kinindatan ang katipan.
" Umuwi na! " Pinandilatan ito ng mata ni Ara. Senyales na hindi talaga makakaisa.
Kakamot-kamot sa ulong nagpaalam na nga lang ito. Isang mapusok na halik sa labi ang iginawad muna nito sa katipan bago tuluyang lumabas ng bahay.

" Alas siete! " Sigaw pa ni Arnel kay Ara na ang tinutukoy ay kung anong oras siya susunduin nito. Isang tango na lamang ang isinagot na dalaga at isinara na muli ang pinto.  

ITUTULOY...

Magdalena Series 3: Parausan ( Amanda Lopez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon