Chapter 4

12.1K 63 0
                                    

  " Amanda! Amanda! Nariyan ka ba? " Tawag ni Ara sa kaibigan. Naka bihis na siya't nakapaligo.
" O, Ara! Oo andito sa loob. Tuloy kana! " Sagot naman ng tinawag. Kasalukuyan ito na nasa kusina at naghuhugas ng bigas para isaing.
" Hoy, bruha! Haha! Nasaan sila Madir? Sasama ka ba? " Pagpasok pa lang ni Ara ay palatak niya sa kaibigan. Naisalang na ni Amanda ang kaldero nang harapin ito.
" Wala sila Nanay. May handaan kina lola. Pumunta sila, at bukas pa uuwi! Saan naman? Mukha ngang may lakad ka ah' gabi na kaya... " Sagot niya dito. Saka umupo na muna sa mesa. Nakasimpleng bestida lamang si Amanda na karaniwang pambahay niya.
" Wah! Swerte natin, Amanda! Yes! Kakasama ka di ba? " Masayang sigaw ni Ara. Halos magtatalon pa ito.
" Hoy, ano ba, para kang baliw d'yan! Saan ba tayo pupunta kase? Saka pa'nu si Lorie? Pupunta na 'yun dito. Alam mo namang may bantay ako kahit wala sila inay dito... Hmft! "
" Nyay! 'yun lang! Huhu! Kina Rick tayo pupunta... 'di ba type mo 'yun? Ayiie! Imbitado kase si Arnel, kaya isasama tayo. Birthday nu'ng anak na binata ngayon. May kasayahan din.. "
Lumiwanag naman ang mukha ni Amanda sa narinig na pangalan ng binata.
" O, ayan ha! Makakapag pa-cute ka na doon. Pagkakataon mo na Amanda! " Dagdag pang panunukso ni Ara sa kaibigan.
Halos naman masabik si Amanda sa sinabi ng kausap.
" Oo nga, pagkakataon ko na ngayon! " Ayon ng isip niya habang pangiti-ngiti sa kaibigan.
" Pagkakataon nga? Pero pa'nu? " Namomoblemang sagot ni Amanda kay Ara. May takot din siya na kaunti pagkat baka magsumbong ang pinsan niya sa kanyang ina. Malalagot nang talaga siya doon pag nagkataon.
" Tsk, problema ba 'yun, eh di, umalis ka kapag tulog na. Babalikan kita maya-maya dito. Kailangang bihis ka na, huh? Para naman may ka-chicka ako du'n. Saka alam mo na... "
" Hmft, oo, alam ko na, at lagot ako pag nahuli nina inay! "
" Bakit ka papahuli, huh? Kami nga ni  Arnel hindi nahuhuli eh. Alam mo naman 'yung isang 'yun. Pilyo. Basta nakadikit s'kin! "

" Oo na, oo na! Pina-inggit mo pa ako, hmft! "
" Ha ha! Don't worry, kapag naakit mo si Papa Rick hindi kana maiinggit, noh! "
" Tse! Umalis kana't baka dumating pa si Lorie, at mag isip ng kung ano 'yung bata... " Pagtataboy na ni Amanda sa kaibigan. Sumunod nalang naman ito. Eksakto paglabas ay naroroon na si Arnel at tatawag na sana. Sa may 'di kalayuan ay ang pinsan ni Amanda na si Lorie. Papunta na rin doon.
" O, bakit si Amanda, hindi ba sasama? " Takang tanong ni Arnel sa katipan.
" Halika na muna, mahal...
Amanda, alis na kami, huh? " Ani Ara naman dito, sabay paalam sa kaibigan na may kindat pa na nagpapahiwatig ng usapan nila nito.
Hinila na ni Ara palayo doon si Arnel na tamilmil at naguguluhan sa nangyayari.
" T-Teka, mahal, ano ba? Sasama rin ba si Amanda, o hindi na? " Si Arnel na nakuha nang mag usisa sa katipan.
" Sasama. Papatulugin lang 'yung pinsan para maka alis s'ya. Balikan ko nalang nga mamaya! " Sagot ni Ara dito. Ipinagpatuloy nang maglakad.
" Ah, kala ko hindi makakasama eh... Mabuti naman pala.. Sige balikan mo nga, at baka maka iskor siya kay Rick niya, haha! "
" Pst, mahal. 'wag ka nang maingay d'yan, hmft! Halika na, bilis... May curfew ako ngayon. Hanggang alas dose lang daw ako, at umuwi na. "
" Opo, alam ko! Dumaan ako sa inyo eh, sabi ni nanay mo. Para kang si Cinderella. Haha! "
" Eh, alam mo naman sila diba? Nag-iingat lang sa'yo! "
Hinabol naman ng yakap ni Arnel ang katipan. Siya na naman ang nakita nito na asarin. Hanggang sa makarating sila sa kanilang pupuntahan. Nagkaka ingayan na, dahil nagsita si Mang Selmo ng karaoke. Ang iba'y kumakanta na, at karamihan ay may mga iniinum nang alak.
~~
Nang maiwan naman si Amanda'y agad na siyang naligo. Pero hindi siya nagpahalata sa pinsan niya. Nagbihisan din siya ng pambahay na damit.

" O, kumain na tayo Lorie, halika na. Di ba may pasok ka pa bukas? " Aya niya sa batang pinsan, at usisa. Katatapos lamang  niyang maligo. Nagshampoo siya mabuti ng buhok, at inayos ang paliligo. Kailangang mabango siya, at maganda dahil naroroon si Rick sa pupuntahan nila.

" Oo nga ate, eh! Test pa namin bukas.. " Sagot naman ni Lorie. Tapos na niyang aralin at sagutan ang mga assignment niya. Dinala ng niya ang mga gamit niya doon kina Ate Amanda niya para makagawa at makapag review.
" O, lika na. Nakahain na ako. At pagtapos matulog na agad tayo, para maaga kita gisingin bukas, huh? " Masiglang aya pa ni Amanda sa una.
" Salamat 'te... "
" Kuh, masanay kana dito, Lorie! " Ani Amanda muli. Dumulog na ang dalawa sa mesa at tahimik na kumain. Ilang sandali pa'y nakatapos na sila. Pinauna na ni Amanda ang pinsan sa kwarto niya, na humiga, at matulog. Siya nama'y nagligpit na muna ng pinagkainan nila, bago sumunod kay Lorie.
Pinatay na rin niya ang ilaw sa ibaba ng bahay nila, at ang ilawang de gas na lamang sa kwarto niya ang sinindihan. Para madaling makatulog ang pinsan.
Alerto naman si Amanda. Pikit ito ngunit gising na gising ang diwa. Parang iniisip na niya ang maaaring maganap sa kanila ni Rick. Kinikilig siya sa mga pangitain sa kanyang isip. Na masaya daw silang nagde-date nito tulad ng kanyang kaibigan at si Arnel.
Halos dalawang oras bago bumangon si Amanda sa pagkakahiga. Pinakiramdaman niya si Lorie kung tulog na ito. Ingat na ingat pa siya sa pagkilos nang lumabas ng kwarto. Sanay naman na siya sa bahay nila kaya kahit madilim ay gamay niya ang pagkilos. Bitbit ang damit na bihisan ay nagpunta si Amanda sa palikuran nila para magbihis. Isang pink na semi sleeveless na blouse at paldang hanggang hita ang suot niya na nagpatingkad lalo sa kanyang kagandahan. Ilang beses pa siyang umikot sa salamin niya, at nagsuklay bago may narinig na mahinang pagtawag sa labas. Nagmamadali siyang lumabas. Isinara ng maayos ang pintuan nila, at inayos pa ang damit.
" Pst... Amanda, lika na! " Tawag muli ni Ara sa kaibigan. Ganap pa lang na mag-aalas dyes ng gabi. Pero halos tulog na ang karamihang kabahayan.
Magkahawak na ang magkaibigan na pumunta kina Mang Selmo. Para pang hinahangos si Amanda dahil sa pagmamadali nila lumakad ni Ara. Pero nawala iyon nang matanaw ng paningin niya si Rick. Nasa isang mesa ito, at tumatagay na rin. Para siyang teenager ng mga sandaling iyon na nakikita ang pinaka crush niya. 

" pst, Amanda, dito tayo, " Tawag pansin ni Ara sa kasama.
Napatingin naman doon si Amanda, at umupo na rin pero hinanap uli niya ng tingin si Rick.
" Pst. Amanda, kumain kana muna. "
" Hindi na Ara. Busog pa ako... "
" Ah, O, di tumagay kana! "
" Hala, hindi ako nainum, Ara! Ikaw na lang... " Ani Amanda patuloy pa rin ang pagsulyap sa lalakeng natitipuhan. Subalit hindi naman siya nakaligtas sa pailalim na mga titig ni Brando, at ng dalawang kasama nito. Matagal nang type ng binata si Amanda, ngunit mailap ito sa kanya, at twina'y hindi man lang siya pinapansin nito. Ngayon ay parang naka tyempo ng pagkakataon ang binata, at napangiti sa binabalak.

Itutuloy... 

Magdalena Series 3: Parausan ( Amanda Lopez )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon