The Day She Woke Up

70 1 0
                                    

[ AUTHOR'S POV ] (Pagbigyan nyo na ho ako!! Salamat :D)

"Doc, ahmm..sigurado na po ba kayo?" - Ms. Naomi..habang nakatingin sya sa sa glass window na nasa harapan nya...sa loob nun ang isang babaeng pinapasakan ng malalaking tubo habang naka-kadena ang dalawang kamay at paa...nakayuko ang babae at hindi gumagalaw...

"Alam kong natatakot ka...kahit sino naman siguro sa loob ng gusali na ito ay matatakot..di ba Ms. Naomi?" sagot naman ni Doctor Geo sa kanyang sekretarya..."The fact na alam ng lahat ng nagtatrabaho sa loob ng gusaling ito na mayroong 3 killing machine na nakakulong sa 3 sekretong silid dito...sabihin mo sa akin Naomi...sinong hindi matatakot sa idea na kahit anong oras ay pwedeng makawala ang isa sa tatlong yun o ang worst ay lahat sila ay makawala?" dagdag pa ni Doctor Geo...

*Tama yun..tama!* - author.. (grabs popcorn)

Tinignan ulit ni Doc Geo at Ms. Naomi ang babaeng nasa kabila ng glass window...gumalaw sya. Umangat ang muka nya at tinignan nya ang dalawang tao na nasa kabila ng glass window. Nakakatakot sya sa kabila ng magandang mukha. Hindi mo aakalaing ang babaeng nasa harap mo ay isang Killing Machine...

Nalingat lamang saglit sila Doc Geo at Ms. Naomi ay may narinig na silang putok ng mga baril at sigawan sa loob ng gusali.

"Doc! Si Eris p-po..nakawala!" sigaw ng isang lalaking takot na takot...

"Ano?! Pano yun nangyari?! I-lock lahat ng pwedeng maging labasan nya! Tawagan mo ang security Naomi...kailangan syang pigilan sa paglabas ng gusaling ito!" sigaw ni Doc Geo.

*Blentungan na!!!* - author

Nagtakbuhan sila sa harap ng isang malaking bakal na pintuan. Na may nakasulat na "CAUTION: DANGER"...malamang! Kasi isa sa 3 killing machine ang nasa loob noon.

"Buksan mo.." utos ni Doc sa lalaking malapit sa switch ng pintuan..

"P-pero Doc - " pipigilan pa sana ng lalaki si Doc kaya lang kusa ng bumukas ang pintuan.

Napaatras silang lahat. Napalayo sa malaking pintuan ng may marinig sila sa loob.

"M-aawa k-a..wag mo kong pa--" *bannng* di na natapos ng lalaki ang pagmamakaawa nya..binaril sya sa ulo.

Naaninag nilang may lumalakad papalapit sa kanila. Isang pigura ng babae na may bitbit na M16 at punong-puno ng dugo ang kamay.

"H-hindi.." bulong ni Ms. Naomi na halatang takot na takot sya sa nakikita nya.

"E-eris.." sabi naman ni Doc Geo...

Napapalunok na lang ang lahat. Nakatayo kasi sa harapan nila ang isa sa tatlong killing machine na nasa loob ng gusaling iyon. Ang taong walang awang pinatay mismo sa sarili nyang mga kamay ang tatlumpong gwardya.

Umangat ang mukha nya na may bahid pa ng dugo ng kanyang mga biktima. Mahirap isipin na sa likod ng inosenteng mukha ay may halimaw na nagtatago. Halimaw na kayang pumatay sa loob lamang ng isang bigwas ng kanyang mga kamay.

"Eris?" tanong ng babaeng lumabas mula sa higanteng silid. "Yun ba ang pangalan ko?" tanong pa nya.

"O-oo." sagot ni Doc Geo.

"Ang tagal kong hinintay ang araw na to. Ang makalabas sa kwartong iyon." sabi pa nya

"H-hindi ka pwedeng lumabas, Eris." sabi ni Doc Geo

"Bakit?" tanong nya habang papalapit sa kanila..

"Basta hindi!" sigaw ni Doc

Tumalim ang tingin ni Eris sa mga taong nasa paligid nya. Mabilis syang nakalapit na hindi namamlayan. Parang syang ninja sa naruto \*O*/ Idol!!!

Kinuha ang 2 M16 na hawak ng dalawang gwardya at binaril lahat ng gwardya sa sa paligid. Maliban kay Ms. Naomi at Doc Geo...naglakad sya palayo.

"Walang kahit na sinuman ang makakapigil sa akin."

Yun lang at nawala na syang parang bula!

"Hindi sya pwedeng makalayo." sabi ni Doc Geo

"P-pero..." - Ms. Naomi

"Tawagan mo ang ibang staff at ipalinis mo ang mga kalat na to." yun lang at umalis na si Doc.

Dinayal naman ni Ms. Naomi ang isang numero at pinapunta doon ang ilang staff para linisin ang mga "kalat".

------------------------------------------------------------

Ang lame ng opening :((

Bawi next time! Na-inspired ako gumawa neto..kasi pinanuod ko yung Elfen Lied! Sobrang astig ni Lucy..grabe!! Mahal ko na sya! Hahaha

Author: Ms. Naomi ang astig ng killing machine nyo...

Ms. Naomi: Anong astig dun? Pumapatay sya ng mga tao...kaya nga sya killing machine ehh...

Author: Di naman nya ko mapapatay eh..hahaha ^___^

Ms. Naomi: Sh*t! -______-

Author: Lalalalala

PROJECT 101: KILLING MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon