[ Vincent's POV ]
"Kuyaaaaaaaaaaaaaaa!!!!" sigaw ng kapatid kong si Venice..
"Kuyaaaaaaaaaaaaaaa!!!" sigaw nya ulit ng hindi ko sya labasin...
Nakita ko syang tumatakbo at humihingal papunta sa kusina kung saan andun ako..nagluluto ako ng hapunan naming dalawa..
Dalawa na lang kami sa bahay. Nasa abroad ang magulang namin at hiwalay na..nagpapadala na lamang sila ng pera sa amin..ayoko kasing sumama kahit sa kanino sa kanila at ganun din si Venice. Seven years old pa lang si Venice pero mature na ito mag-isip kumpara sa ibang bata na kaedad nito..
"What now? Ang ingay-ingay mo...gabi na!" sermon ko sa kanya...
"I saw someone in front of our house?" sabi nya..
"Baka napadaan lang.." sagot ko at bumalik na ako sa pagluluto..
Hinigit nya ang ang dulo ng tshirt ko...ang kulit talaga neto ehh..sarap pektusan..
"Wag kang magulo...nagluluto ako!" sabi ko
"I want you to see...maybe we should help her.." sabi nya at nag-puppy eyes pa ito...
"Help? Bakit?" curious kong tanong pero nakatingin pa din ako sa niluluto ko
"I think she's dead..." sabi ni Venice...
Nanlaki ang mata ko...potek! Ano daw? Dead?
"W-what?!" gulat kong sigaw...
"I think she's dead..kasi naman nakahiga sya sa buhanginan tapos hindi gumagalaw ehh..tunusok-tusok ko na nga yung ano nya ehh.." sabi ni Venice habang lumalakad ulit sya palabas...
"Tinusok mo ang alin?" sigaw kong tanong sakanya...
*Grin* "Eh di yung ano! Hahaha..." sagot nya...at tuluyan ng lumabas
Sumunod na ako sa labas...pinatay ko na ang apoy ng stove...luto na naman ang nilagang baboy na ulam namin ni Venice...
Nanlaki din ang mata ko ng makita ko ang babaeng nakahandusay sa harapan ng bahay namin...naka-pulang bikini lamang ito..may maitim at maiksing buhok at may makinis at maputing kutis...nakita ko si Venice na tinutusok tusok ang kili-kili ng babaeng nakahandusay..
"Venice! What the heck are you doing?!" sigaw ko..
Tumingin sa akin si Venice...at ngumiti
"Ang ganda nya kuya ohhh.." sabay turo nya sa muka ng babae...
"Umalis ka nga dyan.." utos ko sa kanya..
"Tatayo ka lang ba dyan kuya? Ipasok natin sya sa loob..buhay pa to oh!" sabi nya sabay turo sa babae...
Tumalima naman ako...binuhat ko sya. Tumingin-tingin muna ako sa paligid baka may makakita pa sa amin..mapagbintangan pa akong masama.
Pumasok na kami sa loob...ibinaba ko na ang babae sa sofa...
"Kuya..ang ganda nya nuh?" sabi ni Venice...
"Pwede ba?! Venice..kumain na tayo.." sabi ko...
"Di mo ba sya bibihisan? Malamig ngayon.." sagot naman nya
"Walang damit na pambabae dito..." sagot ko
"Pwede naman siguro yung damit mo diba? Sa seksi nya..siguro naman kasya yung mga damit mo...pahiram-pahiram din pag may time.." sabi ni Venice sabay akyat sa taas at pumasok sa kwarto ko...
Lumabas sya na may dalang tshirt ko..
Napailing na lang ako...hinagis sa akin ni Venice ang tshirt..
"Oh! Bihisan mo sya kuya...maghahain lang ako..." sabi nya sabay punta sa kusina at naghain...
Nakatingin lang ako sa babaeng to...
Tae..hindi naman namin to kilala pero ito sya ngayon..prenteng nakahiga sa sofa namin...
Gumalaw sya ng bahagya noong sinuotan ko sya ng damit...
Maya-maya..dumilat sya...
"S-sino ka?" tanong nya...
"Ikaw ang sino?" balik tanong ko..
"A-ako? Ako s-si..." sagot nya..
"Sino?" tanong ko..
"D-di ko alam..."
"What?!?" sigaw ko..napaurong tuloy sya at sumiksik doon sa may dulo ng couch..
Maderpaker...ano to? Amnesia? Bwiset naman ohh!
Joke ba to?!? Taeness...
----------------------------------------------------
Oh sya... dito muna!
Nagagalit yung mudang ko! Iniwan ko daw yung electrc fan na bukas..tsk!
Andun po si Vincent sa kabilang side :))
:))