[ ERIS' POV ]
Naramdaman kong may dumaplis sa kanang dibdib ko..daplis lang naman pero dahilan yun para hawakan ko ang kamay nya at para magising ako...papatayin ko dapat sya ng...
"Kuyaaaaa! Gising na ba sya? Kain na tayo..." may sumigaw...
"Oo gising na sya..." sagot ng lalaking nasa harapan ko..tumayo sya at inialis ang kamay ko
"Gising ka na pala..tumayo ka na dyan para makakain ka na saka umalis ka na.." malamig na sabi nya sa akin
Tumingala ako para makita kong mabuti ang mukha nya...
Matangkad..maputi at may itim, tuwid at gulo-gulong buhok...gwapo sya..
May lumapit namang isang bata na sa tantya ko eh...nasa pitong taong gulang? Di ko sigurado..
Binatukan nya ang lalaking tinawag nyang kuya...
"Grabe ka kuya! Kakagising pa lang nya..ganyan mo na sya kausapin.." sabi ng bata
"Ano bang gusto mo? Lambingin ko pa yan?" masungit naman na sabi ng lalaki...
"Hay Ewan..." sabi ng bata sabay harap sa akin "Ate..kain na tayo..wag mo ng pansinin yang si kuya..ilang araw na rin yang walang sex ehh kaya bugnutin..hahaha!" sabi ng bata
Tumingin ako sa lalaki..para syang kinulayan ng dugo :)
Namumula sya...
"Venice!!!!" sigaw ng lalaki...
"Tara na ate!" sabi ng bata sabay hila sa akin...
"S-s*x??" namilog ang mga mata kong tanong sa bata...
Nakita kong kumunot ang noo ng bata ma may pangalang Venice sa harapan ko...
Nakita ko ding kumunot ang noo ng lalaking bugnutin... (O_______O)
"Wag mo sabihing di mo alam yun?" tanong ng lalaki...sabay diretso sa kusina at upo sa hapag-kainan...
"H-hindi..." parang nahihiyang sagot ko...
Nakita kong kumukuha na ng mga nakapatong sa lamesa ang lalaki at sinubo iyon...nakakatakam *drooling
"Grabe ka ate...talagang hindi mo alam yun?" tanong ni Venice sa akin...sabay higit nya sa akin sa lamesa...at pina-upo sa kanang upuan...
"H-hindi..." nakayuko akong sumagot...
"Patayin ko nalang kaya tong dalawa na to? Parang pinapahiya na nila ako..." bulong ko sa sarili ko....
Pero pag-angat ko ng muka ko...nakita kong nakangiti si Venice at naririnig kong tumatawa ang kapatid nya...parang musika sa pandinig ko...iba sa tunog ng sigaw ng mga taong pinatay ko sa sarili kong kamay...parang ang gaan ng pakiramdam ko...
"Baka virgin pa..." sabi ng lalaki...nangunot ang noo ko..."Ano nga ulit ang pangalan nya?" tanong ko sa sarili ko...
"Kuyaaaaa!!!" saway naman ng bata...
"Bakit? Sino ba namang tao ngayon ang di alam yun? Kahit nga ikaw na 7 years old alam yun...at sigurado ako na marami na ring mga under age ang nag-bbrowse sa internet ng mga p*rn site nuh!" sabi ng lalaki sabay subo ng pagkain...
Nakita kong nilingon ako ni Venice...
"Ate kumain ka na lang..wag mo na intindihin si kuya." sabi nya sa akin sabay ngiti...at abot ng bilog na babasaging bagay...
"A-ano to?" tanong ko...
Parang ang laki ng kasalanan ko sa tanong na yun...kasi yung reaksyon nila...