Wandering Innocently

64 0 0
                                    

[ ERIS' POV ]

Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa lugar kung saan maraming ilaw sa paligid...puno ng mga tao na may kanya-kanyang konsepto ng buhay...

Malamig ang panahon ngayon..bakit kaya?

May mga kumukutitap na ilaw sa lahat ng sulok ng lugar na ito...

Paulit-ulit ko na ding nakikita ang matabang lalaking ito na may puting balbas at buhok na nakasuot ng pulang damit at "Ho-ho" ng "Ho-ho"...pero isa lang ang sigurado ko...sa tuwing makikita sya ng mga bata sa paligid...tumatawa sila at ngumingiti...bakit? Sino sya?

Kumakalam na ang sikmura ko...

Pumasok ako sa isang madilim na eskinita at nakita ang sampung lalaki na nakatingin sa akin..ngising aso ang mga poota! >____<

"Uyy..tignan mo nga naman..may chicks na naglalakad papunta dito.." sabi nung bakulaw na balbas sarado...

"At talagang wala pa syang damit...kanin na ulam pa! Biruin mo pre panty at bra lang ang suot! Paksyet! Yum yum yum yan!" segunda naman ng mukang tikbalang na katabi neto...

Tumigil ako sa harapan nila..ngiting aso pa din sila sa akin..

Tinignan ko ang sarili ko sa basag na salamin na natapakan ko...kaya siguro sila ganun makangisi dahil wala akong suot na..ano daw? Damit? Napailing na lang ako...

Tatlong bagay lang ang ipinakilala sa akin sa loob ng facility...

Kailangan ko ng PAGKAIN para hindi magutom

Kailangan ko ng PERA para makabili ng pagkain

Kailangan kong PUMATAY para mabuhay...

Naisip kong baka may pera sila...pinakitaan na ako ni Doc Geo dati noon...iba-ibang klase ng pera..iba't-ibang value...hayyy...

Lumapit sa akin ang 5 lalaki kasunod ang lima pang lalaki...bale sampu silang lahat...

"Miss..anong hanap mo?" tanong ng lalaking pinakamatangkad sa kanilang lahat...

"Kelangan ko ng pera..." sagot ko habang nakatingin sa kanila...

"Wooohhh....pera daw pre.." sabi naman nung pinakamaliit

"Marami kami nun Miss..magkano ba ang kailangan mo?" sabi naman nung isa pang bakulaw

"Lahat..." sagot ko

Nagsigawan lahat sila..tila tuwang-tuwa sila...naisip ko kung matutuwa pa sila pagkatapos ko silang gilitan ng leeg at bawian ng buhay...

Bumuntong hininga ako..

Lumapit ang tatlo sa kanila ng sabay-sabay..dinampot ko ang basag na salamin nasa harapan ko..

Tumatakbo na silang lahat papalapit sa akin..

Lumakad ako papalapit sa kanila dala ang basag na salamin...

Hinawakan ako ng malaking bakulaw sa kanang kamay ko..pero mabilis kong iniwas yun..at hinawakan ang kaliwang kamay nya at binali yun patalikod..

"Tang ina!!!" sigaw nya..

Napatigil ang siyam na lalaking kasama nya...lalo pang nanlaki ang mata nila ng makita nilang itutok ko sa leeg ng kasama nila ang salamin na hawak ko...

"Babae lang yan! Puta!" sigaw ng isa sabay sugod nila ng sabay-sabay...

Pero napatigil din sila ng...

"Arghhh..." yun ang huling narinig nila sa kasama nila...

Halos lumuwa ang mata nila ng makita nilang bitawan ko ang bangkay ng kasam nila...

"Tang ina!" sigaw ng isa...

"Ginilitan nya s-si b-boss.." sigaw nung isa habang paatras...

*Death Glare* "Sinong susunod?" tanong ko...

Nagtakbuha silang lahat pero hindi yun uubra...wala akong ititirang buhay kahit isa sa kanila...

Mabilis pa sa hangin ang galaw ko..

Ginilitan ko sila isa-isa...ipinanganak ako para sa ganitong pamumuhay..

Mas masahol pa sa mga tintawag nilang salot ng lipunan ang kaya kong gawin..kaya kong maging sila o mas malala pa sa isang iglap...

Nakahandusay na silang lahat...

Kinakapan ko sila isa-isa at nakakuha ng madaming pera..napangiti ako..

"May pakinabang naman pala kayo.." sambit ko...binitawan ko na din ang salamin...

Wala ng dapat makakita sa akin dito...

Yun lang at umalis na ako...

Malamig ang simoy ng hangin...

Pakiramdam ko magkakasakit na ako..gutom na gutom na din ako...

Naglakad pa ako ng malayo sa lugar na yun...paunti ng paunti ang mga taong nakakasalubong ko...hanggang sa wala na akong makasalubong...

Nakita ko na lang na napadpad ako sa harapan ng isang malaking bahay sa tabi ng dagat...

Di pa ako kumakain...

At kailangan ko ng ------------------------

*Nawalan na ng malay si Eris...tinulugan nya po tayo -_________-* - Author

----------------------------------------------

Nakakasipon magsulat!! hahaha

Andun po si Eris :)) Ayun oohh --------------------->> see?

PROJECT 101: KILLING MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon