Chapter 4 (Jam)

912 31 8
                                    

-0O0O0-

Dali-dali akong lumabas ng bahay nila Jom, di mawari sa isip ko ang mga nangyayari kanina sa loob ng kanyang kwarto. Agad akong lumabas kanilang bahay at tulalang nag lalakad.

Naguguluhan ako, di ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko sa kanyang halik. Tuliro, na parang nagustuhan ko din. Hati ngayon ang aking pakiramdam. Pilit kong isinisik-sik sa aking isip na hindi kami ang dapat sa isat-isa, na mali ang bumigayako sa kagustuhan ni Jom. Pero sa kabilang banda medyo natutuwa ako dahil alam kong totoo nga ang kanyang nararamdaman para sa akin.

Ayaw ko munang umuwi sa aming bahay, gusto kong makapag isip, mag muni-muni tungkol sa aming sitwasyon. Habang nag lalakad ako papalayo sa aming lugar bigla kong nakasalubong ang isang pamilyar na tao, si Paul.

Paul: Oy Jam!!, Kumusta ka na ang tagal na nating hindi nagkita ah, anu ba ang bagong balita ha?

Si Pual Dizon ay isa sa mga dating studyante sa aming skwelahan, graduate na si paul at ngayon ay nag aaral na sa ibang bansa. Kahit na mas matanda sa amin si paul ng isang taon taon eh mas ginusto niya na kami ang maging mga barkada niya. Gwapo din naman si Paul, matangkad at matalino, sa katunayan nga eh siya ang dating captain ng tatlong varsity team sa skwelahan. Captain siya ng Basketball, Volleball and Soccer team. Talagang maapeal ngunit humble talaga as in down to earth and kanyang ugali kaya madali siyang pakisamahan.

Ni hindi namin alam kung papaano niya noon na handle ang kanyang academics and extra curricular kasi sa pag kaka-alam namin eh siya lang ang nakagawa ng ganoon sa aming paaralan.

Kaya nang nag graduate siya ay ibinigay na ulit sa tatlong magkakaibang tao ang pagiging captain ng tatlong team.

Kahit na binansagan siyang super campus crush eh walang siyang naging girlfriend hanggang sa makapag tapos siya. Noong una ay nagtataka kami sa kanya pero, tatlong bwan bago ang graduation ay pinagtapat sa amin ni Paul ang lahat na kahit ang kanyang mga magulang ay walang alam.

-----O0o0O---- memory recollection -----O0o0O----

Paul: Mga tol tutal malapit na akong grumaduate eh may gusto sana akong sabihin sa inyo.

Anton: Kuya Paul, este paul kahit anu basta ikaw. Anu ba yun?

Paul: Mga tol kailangan ko ng tulong ninyo. Di ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa taong mahal ko ang nararamdaman ko sa para sa kanya.

Aelvin: Pare, alam mo kung tunay nga nararamdaman mo eh sabihin mo na, ikaw bahala ka, baka maunahan ka ni DESTINY at malaman mo na lang, huli na ang lahat para sa inyo. Kaya kung ako ikaw sabihin mo na.

Jom: Oo nga naman. Sino ba yang maswerteng babaeng yan ha?

Ako: Sige na Paul sabihin mo na.

Paul: Natatakot kasi ako, baka di niya naman ako mahal eh.

Aelvin: Panu mo naman malalaman kung hindi mo sinasabi sa kanya.

Anton: Asan ba yang babaeng yan ha? Teka ganito nalang ang gawin mo Paul, pag nagkita ulit kayo eh sungaban mo na ang pagkakataon at halikan mo na agad siya, para kahit hindi ka nga niya gusto at  least nahalikan mo siya.

Paul: Nasa malapit lang siya tol...

Dali-dali kaming lumingon buong paligid at nag-hanap ng kahit anumang palatandaan na siya nga ang babaeng tipo ni Paul.

Ang siste magkakaharap kami sa isat-isa habang nakaupo paikot sa isang mesa. Si Paul-Si Jom-Ako-Si Anton- at Si Aelvin.

Tumayo si Jom dahil sa pag hahanap at may naaninag siyang isang magandang isang babae na posibleng tinutikoy ni Paul. Dahan-dahang bumalik sa pag kakaupo si Jom na may pilyong ngiti sa kanyang mukha at may tinanong kay Paul.

Unexpected Love (Edited) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon