Chapter 8 (Jom)

539 26 5
                                    

-0O0O0-

Nagising ako nang walang saplot sa sa katawan, nakahiga sa kama, pinilit kong inaalala kung anu ang nangyari kagabi. Biglang nag flash back lahat sa akin. Hinanap ko si Paul kung asan siya pero di ko ko siya makita, narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng banyo at lumabas dito si Paul na wala ring saplot sa katawan bagong ligo. Doon ko lang naman napagmasdan ng maiigi ang buong katawan ni Paul, mas gumanda ang hubog ng kanyang katawan.

Noon pa man talaga ay maganda ang katawan ni Paul dahil nga sa kanyang pagiging gifted sa sports. Kung ibang tao ang makakakita kay Paul ng aakalain talaga nilang straight siya kasi kahit ang mga bading ay nahuhumaling sa kanya noong high school pa lang kami. Tanging kaming barkada niya lang ang may alam kung anu talaga ang tunay na pag katao niya.

Sa stado ko ngayon kung di ako matatanggap ni Jam, malaki pa ang pag-asang magkabalikan kami ni Paul. Masama mang tingnan na gagawin ko siyang panakip butas pero may posibilidad parin naman. Gayun pa man ay di ko parin kayang gawin na talikuran na lang si Jam ng basta basta. Oo aaminin ko kasintahan ko ang pinsan niya pero kunwari lang yun at alam kong alam ni Joana na di ko siya sineseryoso kahit na ilang beses na kaming nag sex ay ipinakita ko yun sa kanya na its just plain sex ang no strings attached.

Pinakiramdaman ko lang si Paul kung anu ang susunod niyang gagawin, nag hintay ako hanggang sa siya ay nag suot ng bathrobe at lumapit sa akin. Kinausap niya ako pero isang malungkot na titig lang ang isinagot ko sa kanya. Kinausap niya parin ako at pinit na sumagot sa kanyang mga katanungan kung bakit ako ganun.

Paul: Jom, anu problema mo?

Ako: di ko alam paul

Paul: sabihin mo kung may nagawa akong mali.

Ako: wala paul, ako ang may mali.

Paul: anung pinag sasabi mo?

Ako: alam ko lahat paul, nagkunwari lang akong lasing kagabi. Alam ko lahat ng nangyari sa ating dalawa.

Napansin kong biglang natahimik si Paul sa sinabi ko sa kanya, ni di ko alam kung napansin ba niyang pangalan ni Jam ang sinasabi ko habang kaming dalawa ay nag tatalik. Naghintay at pinakiramdaman ko siya kung anu ang susunod niyang galaw, halos umabot na ata sa 20 minuto kami na walang imikan at nag titigan, nagpapakiramdaman kung anu ang mga susunod na gagawin hanggang sa nakita ko na lang ang pagbasak ng kanyang mga luha na di parin makapag salita at di kumikibo. Nilapitan ko siya at sinubukan kong mag paliwanag.

Ako: paul, patawarin mo ako. alam kong maling gamitin ka dahil lang sa nangungulila ako sa kanya.

Paul: pero Jom bakit?

Naging matipid ang tanong ni Paul sa akin pero malalim ang pinakukunan nito, nakatitig na siya sa akin na parang nagmamaka-awa at patuloy parin ang pag patak ng kanyang mga luha. Di ko alam kung anu na ang isasagot dahil sa di ko talaga alam kung bakit ko yun nagawa sa kanya. Kahit anu pilit kong pag isip ng paliwanag ay walang kahit isang matinong rason ang pumapasok sa akin kung bakit ko iyon nagawa. Kahit nga ako sa sarili ko ay naguguluhan din, kaya sinabi ko na lang sa kanya ang totoo.

Ako: di ko alam Paul, di ko alam.

Dahil sa aking sinabi ay isang malakas na suntok ang biglang dumapo sa aking mukha, di na ako pumalag pa sa kanyang ginawa dahil alam ko sa sarili ko na dapat lang yun sa akin dahil ginamit ko siya para sa sarili kong kapakanan. Tiningnan ko na lang ulit siya nakayuko at umiiyak walang ibang sinabi kundi ay nakatayo lang siya at nakaturo sa may pinto. Alam ko na ang ibig sabihin nun, gusto na niya akong umalis.

Dali dali kong tinumbok ang pinto para umalis, pero bago ako lumisan ay sinubukan kong lumingon sa kanya nag babasakali ako na baka pigilan niya ako ngunit isang statwa lang ang nakita kong nakatayo na nakatitig sa may pinto na parang wala ako doon, iyon ang naging dahilan ng pag patak ng aking mga luha dahil sa galit sa aking sarili. Di ko kasi alam ang aking naging motibo kung bakit ko iyon nagawa sa isang kaibigan. Dali dali akong umalis at tinungo ko ang hagdan sa halip na ang elevator.

Unexpected Love (Edited) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon