-0O0O0-
Pagka labas ni Jam ng kwarto niya ay sinubukan ko siyag habulin pero wala na eh... tanging si manang na lang ang naabutan ko sa baba...
Manang: oh sir Jom kayo po pala... anu ginagawa ninyo diyan sa itaas?
Ako: ay sorry po, di po ako si Jom manang... bisita po ako ni Jam... ako nga po pala si Jeffrey Del Castillo...
Manang: ay ganun po ba? Kapatid nyu po ba si sir Jom?
Ako: hindi po... bakit nyu po natanong?
Manang: wala naman po.. pag pasensyahan nyu na po ha... sige po... mag aayos na ako dito at mamaya ay darating na sila Sir Anton at Mam Ana...
Ako: sige po, manang.. ahh.. eh... manang...
Manang: anu po iyon?
Ako: anung oras daw darating sila sir at mam?
Manang: ay di ko po alam.. pero siguro mamaya...
Ako: ganun po ba sige po... babalik na po ako sa taas...
Agad akong umakyat at nahiga sa kama ni Jam, doon ko napag masdan ng mabuti ito... maganda ito di tulad ng kwarto sa simbahan.. habang nag mu-muni muni ay doon narinig ko ang tunog ng busina ng isang kotse... siguro ay ang mommy at daddy na yun ni Jam.. agad naman akong bumangon para magpakita sa kanila...
Pag pasok nila sa bahay ay agad kong binati si sir anton ang dady ni Jam..
Ako: magandang hapon po Sir...
Anton: magandang hapon din hijo.. kailan ka dumating?
Ako: kanina lang po... madaling araw...
Ana: si Jam nakita mo ba?
Ako: opo.. siya po nag bukas sa akin. Gulat na gulat nga po eh...
Ana: asan na siya?
Ako: ay andun na po pumasok na...
Anton: oh isge.. diyan ka muna at mag papahinga lang kami ng asawa ko bago kita kausapin tungkol doon sa inaalok ko sayo...
Umakyat sa taas sina sir at mam, at ako naman ay di magkandamayaw sa tuwa dahil sa tulong sa akin ni sir anton ay dito na ako mananatili sa maynila at saka makakasama ko pa si Jam, sana lang ay matutunan niya akong mahalin.
Sa buong araw ay tinulungan ko si manang sa lahat ng gawaing bahay dahil sa sanay naman ako sa ganito, kahit na ayaw niya ay wala na siyang magagawa dahil sa nasimulan ko na. kaya sa buong araw ay iyon ang ginawa ko, inayos ko rin ang kanyang kwarto at naglagay ako ng mga surpresa sa kanyang kama para mamaya pag tulog niya ay malalaman niya at doon ako aakyat ng ligaw sa kanya.
Pero natapos na ang buong araw ay walang umuwing Jam, sinubukan kong siyang tawagan pero di sumasagot.. mag damag akong naghintay sa kanya pero wala parin.
Umaga na pero wala paring Jam.... nag aalala na ako sa kanya, di naman ganito ang Jam na nakilala ko sa simbahan. Kinausap ko na lang si manang para kahit papanu ay malibang ako habang nag hihintay sa kanya..
Ako: manang, ganito po ba yan si Jam...
Manang: anung ibig mong sabihin?
Ako: yung minsan di umuuwi..
Manang: minsan lang naman at alam na namin na kung di yan umuuwi si sir Jam ay nasa mga barkada niya iyon at doon natutulog or kaya naman ay andun yun kay sir Jom
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Edited) [COMPLETE]
RomancePanu mo tatangapin ang isang di inaasahang pagmamahal. Matalik na magkaibigan si Jam at si Jom pero hindi niya inaasahan na higit pa pala sa pagkakaibigan ang pagtingin sa kanya ng kanyang besfriend. "Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamda...