-0O0O0-
---------------------------------------Jam----------------------------------
Nagulat ako sa sinabing iyon ni Jeffrey, wala naman kas talagang namamagitan sa aming dalawa at di ko alam kung bakit niya iyon sinabi sa harap pa ni Jom. Di ko alam kung anu sasabihin o kay Jom mag papaliwanag sana ako nang bilgang sinuntok ni Jom si Jeffrey at pinagbantaan.
Jom: Hoy gago! Ayusin mo pananalita mo at di ako natutuwa sayo ha! Lokoloko ka, di mo kilala tinatalo mo.
Ako: Jom! Teka lang anu ba! Bakit mo yun ginawa?
Jom: Bakit Jam?! Totoo bang may relasyon kayo ng gagong ito?
Jeffrey: Oo.. bakit?! Ikaw sino nga ba?
Ako: Jeffrey!! Gago ka ano ba sinsabi mo? wala tayong relasyon kaya huwag kang magsasabi ng ganyan lalo na sa harap ni Jom!!
Jeffrey: Bakit Jam sino ba siya sayo?
Ako: boyfriend ko!! Bakit! Angal ka! anu gusto mo ako naman sumuntok sayo ngayon?
Di na naka pag salita pa si Jeffrey, tumalikod ito at saka umakyat pataas patungo sa kwarto. Hinarap ko si Jom para ipaliwanag lahat, di ko alam kung maiintindihan niya ako o magagalit siya sa akin.
Ako: Jom..
Jom: Anu!!!
Ako: Bakit ba ang init ng ulo mo? magpapaliwanag ako!!
Jom: Sige Jam ipaliwanag mo kung sino ang Jeffrey na iyon, anu ang ginagawa niya dito sa bahay ninyo at bakit ko siya kamukha!!
Ako: Jom pwede ba, mag hunus dili ka... magpapaliwanag ako!!!!
Jom: Sige Jam magpaliwanag ka!!! makikinig ako!!!
Ako: ganun? Makikinig ka pero mainit ulo mo... alam mo mabuti pa Jom mag isip ka na muna ng mabuti, kasi kung naniniwala ka sa sinabi ni Jeffrey then isa lang sagot ko doon. Ikaw ang mahal ko at alam mo iyon kaya kahit iisa lang kayo ng mukha ikaw ang nandidito(turo sa puso) at hindi siya at isa pa mukha lang ang pareho sa inyo pero magkaibang tao kayo. Ngayon tungkol naman kay Jeffrey nakilala ko lang naman siya sa simbahan na kung saan ako nag munimuni ng 2 linggo pero hanggang doon lang iyon, at wala na ok.. isa pa pati ako ay naguguluhan at di ko alam kung bakit kayo mag kamukha.
Jom: eh bakit siya nandito sa bahay ninyo kung wala kayong relasyon?!
Ako: di ko rin alam jom!! Basta ang sabi niya ay pinapunta daw siya dito ni Daddy dahil may inalok na trabaho sa kanya ang dady yun lang yun.
Jom: yun lang?
Ako: Jom, anu pa ba ang gusto mong malaman? Anu pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka?
Pero di na siya sumagot pa bagkus ay sinuntok na lang niya ang pader saka tumalikod at nag lakad palayo. Di ko alam kung naniniwala siya sa mga sinabi ko. Dahil sa ginawa niya nasaktan ako kasi ipinamukha niyang sinungalig at manloloko ako, napaluhod na lang ako sa may pinto namin at humagulhol sa kakaiyak parang kaninang umaga lang ay ang saya ng buhay ko pero bakit parang ang dali namang bawiin, naghihinagpis ngayon ang aking kalooban.
Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at pagpasok ko doon ko inabutan si Jeffrey, may hawak na bouquet ng roses. Di ko alam kung anu ang magiging reaction ko,natulala ako at nabigla sa kanyang mga sumunod na ginawa.
Hinubad niya ang kanyang damit pang itaas saka lumuhod sa harap ko at nagsalita
Jeffrey: Jam, noong unang beses pa lang kitang nakita ay nahulog na loob ko sayo. Sorry kung nakagawa agad ako ng kasalana sayo, alam mong mahal na mahal kita kaya handa akong gawin lahat para lang sa iyo. Hindi ko nga inaasahang sa maikling panahon na pagkakasama natin sa simbahan ay aabot sa ganito ang naramdaman ko sayo. Naguluhan man ako sa una pero ngayon sigurado ako na ikaw ang isinisigaw nito (turo sa utak) at lalong lalo na nito (turo sa puso).
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Edited) [COMPLETE]
RomancePanu mo tatangapin ang isang di inaasahang pagmamahal. Matalik na magkaibigan si Jam at si Jom pero hindi niya inaasahan na higit pa pala sa pagkakaibigan ang pagtingin sa kanya ng kanyang besfriend. "Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamda...