"Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamdaman ko para sayo" yan ang mga katagang sinabi ko sa kanya nang ipinagtapat ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko...Ako si Jacob Anthony Mathew "Jam" Del Rosario nag iisang anak at dahil sa only child ay lumaki ako sa layaw. Mabait naman akong tao (pero para lang sa mga taong totoo ang pinapakita sakin. Panu ko nalalaman yun you'll soon find out kung papanu) hindi ako ang campus crush pero member ako ng isa sa pinka pupoular na groupo sa skwelahan namin na pinag titilian ng mga babae, bakla, ang toboy nagiging babae ulit at ang lalaki ay nababading pag andyan na kami.
Si Jeffrey Orlene Micheal "Jom" Del Castillo ang leader ng aming groupo and ang aking childhood best friend. Masasabing sa aming lahat ng magbabarkada eh nasa kay Jom na ang lahat Gwapo, Matalino, Magaling sa Sports, Mayaman at May napaka-gandang girl friend si Joana Marie Del Rosario.. Yup first cousin ko si Joana sa father side at siya ang exact copy ni Jom sa Female side kasi nga Maganda, Matalino, Captain ng Cheering Squad and Mayaman.
Hindi ko masasabing bisexual or gay ako dahil sa totoo ay di naman talaga ako ganito mejo nag iba lang ang ihip ng hangin nang bilang nangyari ang hindi inaasahan, sa kadami dami ba naman nang magiging bisexual eh akalain mong si Jom pa.
Nalaman namin ang totoo nuong isang araw na nag yaya si Jom na mag inuman, nag taka ang buong barkada dahil sa di naman talaga umiinom itong si Jom puwera lang kung merong siyang mabigat na dinadala, nag inuman kami nang nag inuman alam kasi naming kahit di umiinom ng todo itong si Jom ay matagal itong malasing, at alam naming di ito aamin ng kanyang problema pag di pa lasing kaya ang ginawa namin eh jamming na lang hanggang sa mapansin namin na mejo may tama na si Jom unti unti nang bumibigay..
Anton: Jom anu ba yang problema mo at bigla ka atang nag yayang uminom ah? Si Anton ang isa pang miyembro ng aming grupo at isa din sa pinakamatalik kong kaibigan
Jom: Wala to mga pre, napag isip isip ko lang na matagal na since last tayong nag inuman kaya heto nag aya akong mag jamming, mag inuman tayo for all time sake.
Ako: Wag kag mag sisinungaling pre kilala ka na namin at di ka basta basta iinom ng alak kung wala kang problema.
Aelvin: Oo nga naman pre anu nga ba ang problema mo. Anu pang silbi naming mga kaibigan mo kung di ka namin madadamayan sa ganitong mga pagkakataon. (pronouced as Ei-l-vin) si Aelvin ang tinuring namin na general adviser and walking encyclopedia dahil sa galing niyang mag bigay ng payo mapa love life man at mag cite random facts na may kinalaman sa pinag daraanan mo.
Dahil sa narinig ay biglang pumatak ang luha ni Jom unti unti na siyang humahagulgol na siya naman ikinagulat naming lahat. Kahit na anung pilit naming tumahan na siya sa pag iyak ay di parin tumitigil.
Maya maya ay nag pasya nang umuwi ang iba dahil sa mdaling araw na at ayaw paring pa-awat itong si Jom sa kakainom kaya napag pasyanhan kong mag paiwan na lang at samahan ang siya.
Anton: Sige tol uwi na ako, sa susunod na lang baka ulanin ako ng sermon ng nanay ko pag inabutan ako dito ng sikat ng araw.
Aelvin: ako rin to mauna na rin ako baka rin kasi di ako papasukin sa bahay, baka sa salas nanaman ako matutulog nito ng 2 araw dahil sa nilolock ni mama ang kwarto ko pag umuuwi ako nga ganitong oras eh.
Ako: panu yan tol dito ka na muna para makatulog ka ng mabuti at samahan na lang kita bukas pauwi sa inyo ako bahala sa mama mo.
Aelvin: di na tol, ako bahala sa bintana ako dadaan. Tapos sabihin ko na lang na nasa loob ako ng banyo nung nag check siya. Sige tol mauna na muna kami si Anton ha..
Ako: sige salamat ha.. dito na muna ako at ako na bahala sa taong to.
Sabay turo kay Jom na halos bagsak na ang katawan sa sobrang kalasingan
Nang makaalis na ang 2 ay inakay ko si Jom papasok ng kanyang kwarto para maihiga ko siya, pero nang hahawakan ko na siya ay bigla siyang nagsalita..
Jom: Tol di ko alam kung papanu ko sayo sasabihin ito tol.
Ako: Ang alin tol
Jom: Tol sorry pero di ko talaga mahal si Joana, sana wag kang magalit sakin. Ang totoo niligawan ko lang siya dahil sa ikaw talaga ang gusto ko.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinog ko sa kanya... wala akong masabi, bigla na lang nandilim ang paningin ko marahil sa inis dahil sa paloloko niya sa pinsan ko kaya sinuntok ko siya ng malakas. Pero sadya talagang mas malakas si Jom kumpara saakin kaya kahit na naka inom at may tama na at nakuha nya parin akong gantihan ng 2 magkasunod na suntok na siya namang ikinawala ko ng malay.
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Edited) [COMPLETE]
RomancePanu mo tatangapin ang isang di inaasahang pagmamahal. Matalik na magkaibigan si Jam at si Jom pero hindi niya inaasahan na higit pa pala sa pagkakaibigan ang pagtingin sa kanya ng kanyang besfriend. "Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamda...