Lagot 2
Ken POV
Nakakagulat man ang mga pangyayaring nangyari ngayon di ako nagpatinag. Lumapit ako sa kanya at nakipaglaro sa ulan. Nakangiti siya habang tinatawag niya ako. Binilisan ko yung paglakad ko.
Ng biglang--May humawak ng kamay ko.
Nilingon ko siya ng mabuti.
Isang--
Matandang babae.
Nanlaki yung mata niya sa nakita niya sakin. Anong problema nito??
"Ijo mag-ingat ka!! May napakalaking problema!!" Payo niya saakin.
"What?? Anong sabi mo po?" Inaalis ko yung pagkakahawak sa kamay ko. At lumayo sa kanya. Nakakapagtataka di niya ako tinugon. Habang nakatalikod ako may narinig akong malakas na ingay sa likod ko. Parang isang sasakyan. Humarap ako dun. Nanlaki yung mata ko sa nakita. Na-hit 'n run si Lolang kumausap sakin kanina. Tinakpan ko na lang yung bunganga ko ng kamay ko at umiyak. Unti unting lumalabo yung paningin ko. Hanggang sa mahimatay na ako.
Minulat ko yung mata ko. Puro puti lang yung nakita ko. Nilibot ko yung paningin ko sa paligid. Nasa hospital pala ako. Naalala ko nawalan pala ako ng malay.
Bumangon ako sa pagkakahiga dito. Naglakad ako palabas. Nanghihina pa rin ako. Paglabas ko ng kwarto may nakita akong tumatakbo at pumasok sa isang kwarto habang tumatawa.
Naglakad ako papunta dun..Ilang hakbang na lang mahahawakan ko na yung knob.
Shit!
Bumibilis yung tibok puso ko ..
Limang hakbang..
Hindi apat..
Tatlo na lang.
Dahan dahan..
Dalawa
At
Isa
Hinawakan ko yung door knob.
Unti unting inikot ko yung knob.
Bumukas naman agad.
Pumasok ako sa loob.
Hinanap ko yung batang pumasok dito.
"Bata"
Tumawa siya sa kanan ko.
Nilingon ko wala naman siya.
Tumawa din siya sa kalima ko.
Wala na naman siya.
Hinanap siya ng mata ko pero di ko siya makita.
Humakbang ako ng isa.
"Bata??"
Tumawa ulit siya.
Nililingon lingon ko pero wala akong matagpuan.
"Diyos ko!!!"
Paghakbang ko ulit ng isa.
Yung laruan niya..
Nakaupo sa higaan.
Tinignan ko siya ng diretso.
Unti unti kong nilapit yung kamay ko para hawakan.
Papalapit na ..
Malapit na sa ilong niya.
Hahawakan ko ba??
Hindi!!
Dapat kong hawakan.
Wala namang mangyayari.
Papalapit na sa ilong ng laruang baby na toh.
BINABASA MO ANG
Rain, Rain Go Away
HororIto'y karaniwang laging nangyayari. Part toh ng Paranormal activities na nangyari sa Zambales - Tarlac. Pinalitan lang yung pangalan dahil sa Sumpa. Iniba dahil mapanganib. Iniba bilang KEN- Isa kasi siya may lahing PSICHIC or Third EYE. Lahat na na...