1: Mont Blanc

214 10 1
                                    

×Kabanata 1×

"Miss, may mga putok ng baril kaming narinig sa lugar na iyon! Anong meron?!" usisa ng driver at ng ilang pasahero.

Tinanggal ko na ang sumbrero ko at pinunasan ang tagaktak ng pawis sa noo ko.

"Wala ho, 'yun. May magnanakaw kasi. Hinabol lang ng tanod." Nginitian ko sila.

Well, I lied. That was just one of the hitmans that were sent to capture or kill me. It's been almost a week simula nung dumating ako dito sa Pinas pero benteng katao na ata ang napapatay ko. I can't even decide where to go kasi kahit saan ako pumunta, nandoon sila!

This is so frustrating! I am here to retire! Why won't they just f-cking leave me alone?!

Hindi tumigil sa pagsasalita ang driver at hinayaan ko lang ito hanggang sa matapos ang pagkukuwento niyang hindi naman ako interesado.

"Saan ho ang last stop nitong bus?" tanong ko.

Sumilip saglit ang bus driver sa akin at sumagot. "Nueva, miss. Saan ka ba?"

"'Dun nalang ho." Kumuha ako ng limang daan sa bulsa ko at ibinayad ito. Naghanap ako ng pwedeng mauupuan.

I don't know where Nueva is but I think it's down south. I'll go as far away as I can.

Pinanood ko ang mga tao sa labas na may mga kalabaw na hinihila. Malakas ang hangin na tumatama sa mukha ko. Ayos lang 'yon, at least fresh hindi katulad sa Maynila. Polluted na ang hangin doon. Katulad ng mga tao.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako sa biyahe. Nagising nalang ako na kinukulbit ako nung konduktor at sinasabing nasa Nueva na ang bus. I checked my watch. Halos dalawang oras rin ang naging biyahe.

Mabilis akong bumaba hawak ang duffel bag ko at napagtanto kong nasa bus terminal kami.

Pumunta muna ako ng public restroom ng terminal para magpalit ng damit at magpalit ng aking disguise. Better be safe than sorry.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang pocket knife ko sa aking duffel bag at pinutol ang mahaba kong buhok. Hinubad ko na ang mga damit ko at tinapon ito kasama ang cap ko. Sinuot ko ang longsleeves na nabili ko sa ukay at tinernuhan ito ng long loose skirt. Lastly, kinuha ko ang pekeng reading glasses ko at sinuot ito bago lumabas.

Hindi masyadong matao ang terminal at may iilang bumibiyahe naman pero marami ang bibiyahe patungong Maynila. Ngayon lang ako nakaramdam ng parang batang mawawala sa malaking mall.

I decided to walk and enjoy the scenery. Puro kabukiran at kabundukan ang nakikita ko sa paligid. This is it! This is the place I want to settle!

After a couple of hours, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang waiting shed habang walang katau-tao sa paligid.

Tinignan ko ang langit. Makulimlim. Nagbabadya nang umulan. I don't have any umbrella with me.

Wala na akong nagawa kung hindi ang itaas ang kaliwa kong kamay at magintay ng maaaring dumaan. But I think it's impossible. Sa layo ng nilakad ko, wala ako nakitang nagttravel na kotse. Puro motor lang. Maybe that will do.

Pero mag-iisang oras na ang nakalipas at umaambon na, wala pa ring dumadaan.

I sighed heavily.

Tinago ko sa pinaka-ilalim ng bag ko ang dalawa kong baril, sinukbit ang duffel bag sa leeg, at nilakad na ang highway.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako naglalakad. Malakas na ang ulan at basang basa na ako. Basa ang buhok ko, basa na damit ko. Putik putik na rin ang sapatos ko. Mabuti nalang at water-proof ang bag ko kaya wala na akong ibang problema bukod sa nilalamig at nanginginig na ako.

THIS MAID IS A RETIRED HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon