10: Yearning

54 2 0
                                    

×Kabanata 10×

It's been almost a week simula nung umalis si Theo pauwi ng Manila. I guess he really needs to stay there for a while for his business. Wala ding nakakaalam kung kelan ulit siya babalik dito sa Nueva.

Sumama si Gardo at Leo kay Theo pabalik sa Manila pero may pumalit naman sa kanila, nadagdagan pa. I don't get the idea why he increased the security dito sa mansyon kung wala naman siya dito.

May dalawang guwardiya na sa gate, meron pa sa paligid ng bahay. Ganun ba siya kaingat sa mga magnanakaw?

Sabi naman ni oompa loompa kanina ay malapit na daw ang foundation day ng Montblanc. Kadalasan daw ay nagkakaroon ng malaking salu-salo dito sa mansyon. Pero paano magkakaroon ng celebration kung wala yung host dito?

Napabuntong hininga ako habang nagdidilig sa green house. Yung daisy ni tinanim ni Theo noon ay unti unti nang tumutubo. Time flies so fast. Parang nung isang araw lang ay tinanim niya ito kasama ako.

Wait, why am I thinking about him?

I shook my head in disbelief. Umalis nalang ako sa green house at naghanap ng pwedeng gawin.

We already cleaned the house, tend the garden, went to market, wala na masyadong gagawin simula nung umalis si Theo.

"Vangie! Vangie!"

Napatingin ako kay oompa loompa na lumabas sa kusina.

"Sabi ni ate Mirna, linisin daw natin yung kwadra. Tara na bago dumilim!" Inabot niya sa akin ang mga gamit na panglinis.

Oh! Naalala ko may kabayo nga pala si Theo! What was its name again? Jose?

Dali dali naman kaming lumabas ng mansyon. Tinuro ni oompa loompa kung saan yung kwadra ng kabayo. Nasa tabi lang pala mismo ng mansyon. May maliit na kwadra sa gitna na napaliligiran ng damo at bulaklak.

Pagdating namin dun ay naabutan namin ang isang matandang lalaki na nagpapakain sa kabayo.

"Hello Mang Gido. Sabi ni ate Mirna tulungan ka daw namin dito maglinis." Sabi ni oompa loompa.

Napatayo yung matanda. Natuwa nung dumating kami. "Oh, Lene! Naku, salamat naman. Magsimula na tayo bago dumilim."

"Magandang hapon po, ako po si Vangie." Pagbati ko sa matanda. Nginitian ako nito at bumati pabalik.

Nagsimula na kami sa paglinis ng kwadra. Nagwalis kami at binuhusan ng tubig ang daanan para maalis ang putik.

I heard a soft nicker from the horse. Nilapitan ko siya. Abala siya sa pagkain ng damo na binigay ni Mang Gido kanina.

I carefully touched its shiny black coat. Its color is so magestic. I never saw a black horse in my entire life.

"Hey there..." I whispered at it. "You're so beautiful."

I remember riding a horse when I was a child. Parte ng training ko kasama ang lolo ko. I remember calling her Blizzard because she's as white as snow. She's my one and only childhood friend and the only thing that kept me sane when I was living with my grandfather after my parents died.

THIS MAID IS A RETIRED HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon