14: Winner na winner

67 5 0
                                    

×Kabanata 14×

"Vangie! Pinapatawag ka ni senyorito sa library! Dali!"

Napatingin ako kay oompa loompa dahil don.

Binitawan ko agad ang kalderong hawak na huhugasan ko dapat. Pinunasan ko ang mga kamay ko bago lumabas ng kusina. Nagpaalam ako kay Ate Mirna na nagluluto para sa hapunan ng mga kaibigan ni Theo.

Sumunod sa akin si oompa loompa hanggang sa dulo ng hagdan.

"Bakit daw?"

Nagkibit balikat lamang siya. Tumango ako at dumiretso na paakyat.

Nang makarating sa library ay kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Tao po?" Sinilip ko ang loob at nakita kong walang tao sa gitna kung saan madalas siya nakaupo at nagtatrabaho.

Nilibot ko ang paningin sa loob. Nakita ko siya sa gilid, may binabasa na libro na galing sa shelf. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa suot niya. Naka gray na t-shirt siya at sweatpants. Kahit simple, ang bango pa rin niya tignan.

Ano daw?!

"Pasok ka."

Pumasok ako at sinara ang pintuan. Dumiretso ako sa kaniya.

I gulped. Trying my best to focus. Nahuli kaya niya ako na tumutulong kay ate Mirna sa kusina?

Wala na akong ginawa buong araw kundi ang humilata sa kama. Nakokonsensya na ako! Ako lang yung feeling reyna sa mansyon. Kawawa naman sila ate Mirna na busy masyado sa pag asikaso sa mga bisita.

He told me earlier this morning na magpahinga nalang ako. He looked mad that time kaya nagpahinga ako sa kwarto ko buong hapon.

"Kamusta ka na?"

I shrugged. "Ayos lang ho. Sabi niyo magpahinga ako, edi nagpahinga ako."

Hinarap niya ako nang may bitbit na makapal na libro. Mariin ang tingin nito sa akin tila tinitimbang ang reaksyon ko.

"Alam ko nasa kusina ka. Sinabi ni Lene sa akin."

Napakamot ako sa kilay ko. Sabi na eh. Ang daldal talaga ng unanong yon.

"Ah–eh, wala kasi ako magawa!" I confessed like a kid.

Napabuntong hininga siya. Nanahimik siya saglit.

"I have something to tell you." Aniya.

Kinunotan ko siya ng noo. Bumalik siya sa lamesa niya at umupo na muli siya swivel chair.

"Ano ho 'yun?"

"Natagpuang wala nang buhay si Jerry Tuazon sa precinto, kasama yung mga tauhan niya."

I gasped. "Ano po nangyari? Bakit? Paano?"

Nakatitig lang siya sa akin. Biglang umangat ang dulo ng labi niya. Or was it just my imagination? Bago ko pa mapansin ay sumeryoso ulit ang mukha niya at nagsalita.

"Ang hinala ng mga pulis ay kalaban nila sa negosyo ang pumatay... pero may CCTV record na nakuha. May nakapasok sa selda nila ng hindi nila napansin." Hinarap niya sa akin yung laptop niya.

Oh, shit.

Pinakita niya sa akin yung taong pumasok sa selda na nakasuot ng all black. Nakatakip ang buong mukha nito kaya hindi malaman kung babae o lalaki ang pumasok.

Tumango tango ako. "Kawawa naman..." I whispered still holding my mouth.

Napailing si Theo. Halatang hindi masaya sa nangyari.

THIS MAID IS A RETIRED HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon