12: Pageant

61 2 0
                                    

×Kabanata 12×

Pagka-aya ko kay Benjie ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta agad sa likod ng stage para ayusan ako. Kasama ko doon ang ilang mga kandidata pati si Kristofa na last minute rin na isinali ni Benjie. They're all eyeing me like a prey.

Sobrang bilis ng pangyayari. Para akong leon na nabingi sa mga pumipigil sa akin at nakatuon ang mga mata sa premyo.

One month supply ng pinya?! Can you believe it?!

Narinig kong nagsimula na ang mini production at ang program.

Halos isang oras ako inayusan ng make up artist. Hindi na rin pinalitan ang dress na suot ko kasi akma naman daw sa tema. Pinasuot nalang ang heels na nakareserba para sa mga kasali. Kinuha rin ang salamin ko. Wala na akong nagawa dahil naitakbo na ito ni oompa loompa palayo sa akin. Patay siya sakin mamaya.

Hindi na rin ako nakakain, kahit si oompa loompa, kasi sumama siya sa akin dito sa likod ng stage. Parang siya yung naging manager ko dahil panay ang utos niya sa mga nag aayos sa akin.

"You look so-so-so perfect, Vangie! Bakit ngayon lang kita nakita dito?! At bakit ka nasa probinsya?! You should be in Manila!"

Hindi ko siya nasagot dahil busy yung make up artist sa lipstick ko.

Bakit ba niya ako kinakausap eh kita nang busy ako?!

"Marami akong kilalang mga scouts na pwedeng kumuha sayo sa mga pageant or if you want, modeling! Pwede kitang ipakilala, Vangie. Just say yes at sumama ka lang sa akin. Tiyak, sisikat ka agad!"

Tinignan ko ang sarili ko sa vanity mirror at hindi siya pinansin. Minadali lang ang make up ko pero maayos tignan. Inilugay lang din yung buhok ko at kinulot sa dulo.

Yung mga nagmemake up kanina ay nagpapicture pa sa akin. Humindi ako.

"Nako takot po ako sa picture!" Parang tangang excuse.

They stared at me weirdly. Pero buti naman ay tumigil na sila.

"Ma'am! Pusta ko, kayo ang mananalo!" Sabi nung isa.

Syempre, pa-humble si ateng. Tinawanan ko lang.

"Ang ganda ganda niyo, ang sexy sexy pa!"

Nagpasalamat lang ako sa mga compliments nila. Ilang saglit pa kami umupo doon at nagretouch ng make-up kasi hindi pa tapos ang speech ng manager ng plantasyon.

"Everyone! Be ready!" Sigaw ni Benjie mula sa likod ko. Tumayo na ako sa pagkakaupo. Si oompa loompa naman ay nasa tabi ko at nagmukha lalong oompa loompa dahil sa suot kong high heels.

"Akala mo siguro pipitsugin lang 'tong program ngayon no? Alam mo bang si Mayor ang isa sa mga benefactor ng pageant na 'to? Hindi lang 'yon, pati si Mr Buena na may ari ng pinakamalawak na flower plantation dito sa Nueva. Sila yung magiging guest judge natin. Kaya ikaw!" Pinalo niya ang pwet ko. Kung hindi lang bakla 'to baka kanina ko pa 'to binalian ng braso!

"Umayos ka, Vangie. Alam ko napilitan ka lang sumali dito dahil sa cash prize pero marami kaming tumataya sayo, dai! Malaki ang tiwala ko sa ganda mo! Akitin mo lahat ng judge!" Umungol pa siya na parang sinipang aso.

Pinalakpak pa niya ang kamay niya. "Double time! Malapit na magstart!"

Tinignan ko ang paligid. Halos lahat ng tao ay tinitignan ako pagkatapos ay nagbubulungan.

"Hayaan mo na sila, Vangie. Ngayon lang sila nakakita ng tunay na maganda simula nang magstart ang pageant na 'to." Bulong sa akin ni oompa loompa na nasa tabi ko, napansin din ang bulungan.

THIS MAID IS A RETIRED HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon