5: Injustice

69 3 0
                                    

×Kabanata 5×

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon sa greenhouse ay nagpaalam agad ako kay Theo pagkatapos niya magsorry sa akin.

Bakit siya nagsosorry? He actually saved me from falling which is mas masakit pag nagkataon.

Maaga na rin ako pinagpahinga ni ate Mirna dahil kitang kita daw ang pagkaputla ng mukha ko.

Buong gabi ay tinapalan ko lang ng iced gel ang injury ko hanggang sa matunaw na lahat. Hindi rin naman ako makatulog sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. I don't even have pain killers on me right now. I need more iced gel at pain killer kaya napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto.

Chineck ko ulit ang hallway. Madilim at tahimik. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina. Nagtungo agad ako sa sink para hugasan ang mga nagamit kong iced gel at ibinalik agad ito sa freezer. Kukuha na sana ako ng panibago nang biglang magbukas ang ilaw ng kusina.

"Bakit lagi nalang kita naaabutan dito sa dis oras ng gabi, Vangie?" Nakapameywang niyang saad sa akin.

"Theo... hehehehe. Good evening po." Napakamot nalang ako sa kilay ko. Now is not the right time Theo!

Dahan dahan siyang naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Habang papalapit siya sa akin ay umaatras ako. He cannot see me in this state!

Napatigil siya sa paglapit. "Are you that afraid of me?" Nakakunot ang noo niya.

Napakunot rin ang noo ko. If there's one thing I feel for Theo, that is not fear. So, no! I'm not afraid of you, Theo!

"Po?"

"Nevermind. Aakyat na ako. Goodnight, Vangie." Tinanguan niya ako bago siya lumabas ng kusina.

Why would he ask me that? What makes him think that I'm afraid of him?

Napailing nalang ako at kumuha ng bagong iced gels sa freezer. Pagkatapos ay nagtungo ako sa pantry para hanapin ang first aid kit nila. Baka sakaling may pain killers na pwede kong mainom.

I want to smoke. This place is making me stressed!

———

Maaga ako na bumangon kinabukasan dahil halos isang oras lang naitulog ko. May nakita akong pain killer pero mababang dose lang. Pero useless din dahil hindi tumalab sakin.

Pagpasok ni ate Mirna sa kusina, nagulat pa siya sa akin.

"Ano ba Vangie! Akala ko may magnanakaw!" Hinampas niya ako sa balikat ko. Napapikit ako ng mariin para indahin ang sakit.

"Ah! Hehehe! Gusto ko lang po bumawi kasi maaga ako nakapagpahinga kahapon."

"Ah ganon ba? Mabuti naman. Marami akong lulutuin ngayon at dadalaw si sir Theo mo sa plantasyon. Ikaw na sumama ulit, Vangie, at ipamimigay mo itong lulutuin ko sa mga trabahodor don."

"Ah, sige po." I sighed in frustration. Lalabas nanaman ako. I just want to rest today.

Nagsimula na magprepare si ate Mirna ng mga rekado sa ulam na lulutuin niya ngayon. Ako naman ay nagsaing ng kanin sa malaking kaldero pagkatapos ay tumulong na rin kay ate Mirna.

THIS MAID IS A RETIRED HITMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon