PROLOGUE

122 4 1
                                    




PROLOGUE

Sa mundong ito ay mayroong lugar na ang pangalan ay "Insectilandia" ito ang mundo ng mga Insektanyo. Kalahating breed ng tao at kalahating breed ng insekto. Ang Insectilandia ay nahahati sa limang kaharian.

Ang Coleoptera, ang kaharian ng mga salagubang.

Ang Hymenoptera, ang kaharian ng mga putakti.

Ang Aneuretus, ang kaharian ng mga langgam

Ang Lepidoptera, ang kaharian ng mga paruparo

At ang Mantodea, ang kaharian ng mga mantis.

Lahat ng mga kaharian nung unang panahon ay masagana at mapayapa pero simula ng magkaroon ng alitan ay nagkaroon na ng matinding kaguluhan kaya naghiwa hiwalay na ang mga angkan at bumuo ng kani kanilang mga tribo.

Ang mga taga Mantodea ay kilala sa mga mabibilis at "athletic" type na mga taong mantis. Isa sa mga magigiting na mandirigma sa Insektanyo.

Ang mga taga Aneuretus ay kilala sa pagiging masigasig na Insektanyo dahil kaya nilang gawin ang lahat ng dapat nilang gawin.

Ang mga taga Lepidoptera ay karamihan mga diwata at ilan sa mga kababaihan dito ang pinakamaganda sa buong Insectilandia.

Ang mga taga Coleoptera ang mortal na kaaway ng mga Hymenoptera at isa sila sa mga dahilan ng kaguluhan sa Insectilandia na naging dahilan ng pagkakawatak watak nito.

At ang mga taga Hymenoptera ay ang pinakamalakas na mandirigma sa Insectilandia, bukod sa malalakas, maliliksi silang lumipad at mayaman sila pagdating sa mga likas na yaman ng Insectilandia.

Sa Hymenoptera ay kilala ang isa sa pinakamalakas na mandirigma ng lahat, siya ay si Haring Arvesis na anak ni Heneral Minutus. Nang mapatay ng mga taong salagubang si Haring Minutus, si Arvesis ang naging hari ng mga putakti at nagkaroon sila ng anak, siya ay si Prinsesa Belinda.

Pero sa hindi inaasahan, iniwan ni Prinsesa Belinda ang kaharian ng ama at nagsimula ng panibagong buhay sa mundo ng mga tao, Pagkalipas noon, doon na rin nakita ni Prinsesa Belinda ang kanyang minamahal na itinuring niyang prinsipe ng buhay niya.

Maging maayos kaya ang pakikitungo niya sa mundo ng mga tao, kung siya ay isang Insektanyo?



Credits to Snow Sparks for making the book cover, Thank you so much :) 

-KP23






Princess HornetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon