Justin's POV
"What the heck!!! Who's that? " nabigla kami kasi napapreno ako ng wala sa oras. Agad kaming bumaba at chineck kung ok lang ito.
"Miss ok ka lang?" isang magandang babae ang nabunggo ko, grabe sana ok pa siya kinakabahan ako.
"Ang mabuti pa ay isakay mo na siya at dalhin sa ospital" utos sakin ng tatay ko, isinakay namin yung babae at dinala sa ospital.
Prinsesa Belinda's POV
Pagkagising ko.
"Hala nasaan ako? Nasa Insectlandia pa ba ako?"
Pagkagising ko ay nakahiga na ako dito sa isang malambot na kama at sa tabi ko ay may isang harang na kulay berde at may mesilya sa tabi ko. Teka nasaan na ba ako? Aalis na nga ako.
Pagkatayo ko ay biglang may lumapit sa aking taong nakaputi.
"Ay miss ok ka na ba? Hindi ka pa pwedeng umalis hanggat hindi ka pa ok"
"okey?" bigla siyang napakamot
"May masakit ba sayo? Katawan mo masakit ba?" tanong niya
"Ay wala, hindi naman masakit, teka nasaan ako?" tanong ko sa kanya
"Nandito ka sa ospital miss, actually dinala ka ng dalawang lalaki dito kasi raw nabunggo ka raw nila nung patawid ka ng kalsada"
"ospital? Anung ospital?" Napakamot nanaman yung taong nakaputi.
Justin's POV
Kinakabahan pa rin ako, baka kung anung mangyari dun sa babae, sayang ang ganda pa naman niya. Sana ok pa siya.
Pero ang weird huh, nakagown tapos ang daming burloloy sa katawan, sa JS Prom ata siya galing ehh.
Biglang lumapit yung nurse sa amin. Tinanong ni papa "Nurse, kamusta na yung pasyente?"
"Ok na siya sir, kaso nga lang parang nagka amnesia siya, natamaan ata sa ulo" kinabahan ako lalo, sa sobrang kaba ko. Napaupo ako sa bench na parang hihimatayin na rin sa sobrang nerveous. Hala nagka amnesia? seryoso?
Sinubukan ko siyang lapitan to find out kung anong nangyari sa kanya.
"Teka saan ka pupunta?" pagpigil sakin ng tatay ko
"Ichecheck ko lang pa kung ok siya, amnesia raw ehh kinakabahan talaga ako"
"Ikaw kasing bata ka sa susunod ay mag iingat ka sa pagmamaneho mo"
Actually hindi pa naman ako pro as a driver, nag aaral pa lang akong magdrive ehh dahil siguro sa pagpwersa kong magmaneho, ayun nabunggo ko yung babae.
Lumapit kami dun sa babae.
"Miss ok ka lang ba? Sorry pala kanina huh sorry talaga" tanong ko
"Hindi miss ang pangalan ko, ang pangalan ko ay Prinsesa Belinda, ang Prinsesa ng Hymenoptera" nanerveous nanaman ako, wala ngang amnesia, kung ano ano naman nasabi, saang dimension napunta ang utak ng babaeng ito? Hindi naman natamaan ang ulo niya diba?
"Ahh ehh anak, ayos ka lang ba? Pasensya ka na dito sa anak ko, baguhan pa lang kasi sa pagmamaneho ehh" sabi ni tatay sa babae.
"Ayos lang po ako"
"Seryoso? Ehh bakit parang may sinasabi ka kaninang prinsesa ng ano?"
"Prinsesa ng Hymenoptera, prinsesa ako ng mga putakti" Ngayon hindi na ako nerveous, natatawa na ako hahahaha. Ano raw? Putakti? Hahaha.
BINABASA MO ANG
Princess Hornet
FantasyAko si Prinsesa Belinda, ang prinsesa ng kaharian ng Hymenoptera. At ito ang aking kwento :) #PrincessHornet All Rights Reserved 2016 ©ItsMeKP23