Sa kaharian ni Haring Palaris
"Ano bang pinaggagagawa mo Heneral Arvesis? Hindi mo ba alam na delikado yang ginawa ninyo? Papaano na kapag nawala na ang aking magiting na heneral?" saad ni Haring Palaris.
"Mahal na Haring Palaris, kung sakaling sumalakay ang mga salagubang na iyan, magiging alerto kaming mga putakti" –Heneral Arvesis
"Probles!! Sabihan mo sila, sabihin mong maging alerto tayo sa pagsalakay ng mga salagubang na iyan" utos ni Haring Palaris
"Masusunod mahal na Haring Palaris"
Ito na ang araw ng pagtutuos, hindi lang putakti ang kasali sa giyerang ito, kasali rin ang mga mantis,langgam at paruparo, hindi rin kakayanin ng mga putakti ito dahil sa kakulangan nila ng armas at alagad.
"Sumuko na kayo!!" sinira ng mga salagubang ang mga ari arihan ng mga tao sa Insectilandia at pinagpapatay ang mga inosenteng tao na walang kalaban laban, sumugod na ang mga putakti gayun din ang ilan sa mga insekto upang ipagtanggol ang kanilang bayan.
Samantalang si Haring Palaris ay tumakas kasama si Heneral Arvesis.
"Mahal na Haring Palaris, mag ingat kayo!!!" hinahanap nila ang dalawang salagubang na si Leptura at Megalinus.
"Ops ops saan kayo pupunta?" sa di inaasahan, nadakip ni Leptura si Haring Palaris at itinutok ni Leptura ang kanyang espada sa leeg ni Haring Palaris.
"Ibaba mo ang sandata mo!!!" –Leptura
"Pakawalan mo siya!!" –Heneral Arvesis
"Sumuko ka na, wala na kayong palag sa amin, ibaba mo yang sandata mo kung hindi papatayin ko siya!!" –Leptura
Para sa kaligtasan ni Haring Palaris ay ibinaba niya ang kanyang sandata.
"Pakawalan mo na siya!!" –Heneral Arvesis
Nakangiti pa rin si Leptura at hindi pa rin pinapakawalan si Haring Palaris.
"hahahaha, uto utong heneral!! Yahhhh!!!" inilaslas ni Leptura ang sandata niya sa leeg ni Haring Palaris at namatay ito.
"HUWAAAAAAGGGGGGGG!!!!!"
Duguan at walang buhay bumagsak si Haring Palaris.
"Mahal na hari!!!!" nilapitan ni heneral Arvesis ang walang buhay na katawan ni Haring Palaris. Lumapit si Leptura at tinutukan si Heneral Arvesis ng sandata sa noo nito.
"Huwag kang mag alala, isasama na kita sa mahal na hari" tataga n asana si Leptura nang nakailag si Heneral Arvesis at kinuha nito ang kanyang sandata.
"Walang hiya ka, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mahal na hari at sa buong Insectlandia" gigil na sabi ni Heneral Arvesis at nag-espadahan sila ni Leptura at nasaksak ni Haring Arvesis si Leptura sa tiyan na ikinamatay nito.
Matapos ang lahat ng kaguluhan, nanahimik muli ang kaharian ng Insectilandia sa pamumuno ni Heneral Arvesis. At dahil sa pagkamatay ni Haring Palaris, marami ang nalungkot at nagalit na tao sa mga salagubang kaya magmula noon ay naghiwa hiwalay na ang mga tao at bumuo ng sarili nilang kaharian.
Nang maghiwa hiwalay ang mga taong insekto ay naging hari si Heneral Minutus na siyang namumuno sa Hymenoptera ang kaharian ng mga putakti, ang kanyang prinsipe ay si Heneral Arvesis. Magmula noon ay tumigil muna si Prinsipe Arvesis sa pakikipagdigmaan matapos ang kaguluhang naganap.
Habang namamahinga ay nakilala ni Prinsipe Arvesis ang isang babaeng nangangalang Mellifera. Siya ay isang taong paruparo na taga Lepidoptera. Isa siyang maladiwatang babae at hindi nagtagal ay naging magkasintahan sila. Hindi rin naging maganda ang kanilang pagsasama dahil na rin sa pagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga salagubang at putakti.
Nagkaroon muli ng pag aaway sa pagitan ng mga salagubang at putakti dahil sa pagnanakaw ng mga salagubang sa mga pukyutan na isa sa mga likas na yaman ng mga putakti. Sumali sa labanang ito si Haring Minutus at pinamumunuan naman ng mga salagubang ni Megalinus na kanang kamay ni Leptura na napatay ni Prinsipe Arvesu.
"Ama, ang mabuti pa ay huwag na kayong sumama sa labanan, magiging delikado ito, tiyak na madugong labanan ito" –Arvesis
"Anak, isa akong heneral, para sa kapayapaan ito ng Hymenoptera" –Haring Minutus
Nagkaroon na ng pagkakagulo sa pagitan ng mga putakti at salagubang, malakas ang mga salagubang kumpara nung huling naglaban sila. Pinatay nila ang mga babaeng putakti at pinugutan ng ulo ang mga batang putakti.
"Mahal, umalis na kayo dito, delikado dito, malalakas ang mga salagubang" saway ni Arvesis kay Mellifera. Pinapaalis niya si Mellifera dahil ilan sa mga tinatarget ng mga salagubang ay ang mga babaeng buntis. Buntis si Mellifera at ang ama ng kanyang dinadala ay si Arvesis. Pinapatay ng mga salagubang ang mga ito upang walang madagdagang lahi ang mga tao dito sa Insectilandia.
Patuloy pa rin ang digmaan hanggang sa naubos na ang mga salagubang, kakaunti ang mga napatay na putakti at iilan dun ay nasugatan. Pagkapasok ni Arvesis sa kaharian ay nakita niya ang kanyang ama na duguan.
"Ama!!!!" lumapit si Arvesis sa amang namatay at niyakap ito. Umiyak si Arvesis dahil pinabayaan niya ang kanyang tatay sa pakikipaglaban nito sa mga salagubang. Aaminin niyang isa sa mga pinakamabigat niyang laban ito.
"Huwag kayong mag alala ama, igaganti ko kayo sa kanila. Uubusin ko silang lahat!!!" pagalit na sinumpa ito ni Arvesis habang yakap yakap nito ang bangkay ng kanyang ama.
Dahil sa pagkamatay ni Haring Minutus ay naging hari si Arvesis at nagpakasal sila ni Mellifera. Nagkaroon na rin sila ng anak, inaasahan ni Haring Arvesis na lalaking putakti ang magiging anak niya upang may sumunod sa yapak niya at maging isang heneral. Pero nabigo siya, isang babae ang kanilang naging anak ni Mellifera. Isa itong babaeng putakti. Oo pure putakti ang babae kahit isang paruparo si Mellifera.
Pinangalanan nila itong Belinda.
Si Prinsesa Belinda ang naging Prinsesa ng Hymenoptera.
ABANGAN ANG IKATLONG KABANATA :)
#KP23
BINABASA MO ANG
Princess Hornet
FantasyAko si Prinsesa Belinda, ang prinsesa ng kaharian ng Hymenoptera. At ito ang aking kwento :) #PrincessHornet All Rights Reserved 2016 ©ItsMeKP23