Sinabi ko na yung infos sa Prologue hahaha, kaya alam niyo na yun.
Noong unang panahon sa Insektilandia ay magkakasama pa ang mga uri ng taong insekto sa kahariang ito, yung tipong close na close sila, walang nag aaway, walang nagseselos, walang nangongotong at syempre
Walang pabebe.
Oo maraming pabebe dun.
Pinapamunuan pa ito ni Haring Palaris na isang taong paruparo, nung panahong magkakasama pa sila ay pinapamunuan pa ito ng mga taong paruparo dahil sila ang nagdadala ng kapayapaan at kapangyarihan sa kaharian ng Insectlandia. Sagana silang lahat sa pagkain, mahigpit ang kanilang pamamahala sa batas at walang kayamanang ninanakaw.
"Tulong!!!!" sa isang gubat ay may isang Insektanya ang humihingi ng tulong dahil sa binabastos ito ng mga taong salagubang.
"Hoy magsitigil kayo, itaas niyo ang mga kamay niyo?" inawat ito ng mga taong putakti na isa sa mga kawal ng Insectilandia. Kumbaga in real world. Sila ang mga sundalo ng gobyerno.
Ganito kasi yun, kung sa Pilipinas
Haring Palaris- Presidente
Taong paruparo- Government officials
Taong Putakti- Pulis, Sundalo, Tanod
Taong Mantis- Athlete, Artista, Musicians
Taong Salagubang- Mga tambay, breezy, mga taong walang magawang mabuti
Taong Langgam- Trabahador, Businessman, CEO ng company
"Mga wala talaga kayong magawa sa buhay niyo noh, lagot kayo kay Haring Palaris ngayon" sigaw ng isang taong putakti na dumakip sa mga salbaheng taong salagubang.
"Hoy ikaw ikaw, akala mo kung sino kang gwapo. Manyakol ka!!"
"Mahal na haring Palaris!!" yumuko ang mga taong putakti at itinulak nila ang mga taong salagubang papunta kay Haring Palaris.
"Mahal na hari, nakita naming silang nambabastos ng babaeng paruparo kanina sa kagubatan ng Coleoptera"
Ang isa sa mga heneral ng mga putakti ay si Arvesis, isang makisig at matapang na mandirigma ng Insectilandia at anak ng dating Heneral Minutus na kaibigan ng Haring Palaris.
"Ang kakapal ng mga mukha ninyo?" sabay gulpi ni Haring Palaris sa dalawang salagubang. "Alam niyo bang pinagbabawal ang pambabastos ng mga Insektanyo, lalo na ang mga kauri kong mga paru paro?" dahil sa galit ni Haring Palaris ay ginulpi nanaman niya ang mga salagubang pero inawat ito ni Heneral Arvesis.
"Mahal na Haring Palaris, huwag niyo na po silang saktan. Maari po natin silang disiplinahin sa mapayapang paraan" saway ni Heneral Arvesis.
"Sige sige, ikulong na yang dalawang hampaslupa na iyan, baka ano pa ang magawa ko sa kanila" susugod sana si Haring Palaris sa mga ito pero inawat siya ng mga putakti na kasama nila.
"Sige, dalhin niyo na sila sa kulungan" utos ni Heneral Arvesis sa mga alagad niyang putakti.
Isa sa dahilan ng mapayapang Insectilandia ay ang pamumuno ni Heneral Arvesis, kabilang siya sa ikaapat na henerasyon ng mga matatapang na putakti. Anak siya ni Heneral Minitus na isa sa mga pinuno ng mga putakti.
Meanwhile sa lugar ng mga salagubang.
"Boss Leptura, papaano ba yan, wala nanaman tayong raket?" sagot ng isa sa mga alagad nitong salagubang, si Leptura ang pinuno ng mga salagubang na isa sa mga pasimuno ng mga kaguluhang nangyayari sa Insectilandia.
"Buwisit!!" sabay bato ni Leptura sa hawak niya. "Halos lahat ng kulungan sa Insectilandia ay puro mga salagubang na lang, masyado na tayong inaabuso ng Haring Palaris na iyan, naghihirap na tayong lahat naghihirap pa itong mga kasamahan natin"
"Mahal na bossing Leptura, mukang mainit nanaman ang ulo ninyo?" nag bow ang isang magiting na salagubang na si Megalinus, isa siyang kinatatakutan na barakong salagubang. Marami na siyang napatay na insekto at hindi pa siya nakakahimas ng rehas.
"Nauubos na tayong mga salagubang Megalinus, at sumosobra na yang Palaris na iyan, kailangang mapatigil na natin siya sa mga katarantaduhan niya" –Leptura
"May naisip ako boss Leptura, papaano kung....." may ibinulong si Megalinus kay Leptura na ikinatuwa naman ni Leptura.
"Mahusay mahusay, gusto ko iyan hahaha"
Sa lugar ng mga langgam.
"Teka teka? Wala nang laman ang bodega natin?" sabi ni Antek, ang pinuno ng mga langgam.
"Ehh boss marami pa iyang laman kahapon, bente kwatro oras kaming naghagilap sa Insectilandia" saad ng isang langgam.
"Hoy Antenar, ikaw nag ubos nito no?" sabay turo ng isang langgam.
"Anong ako? Hoy kahit matakaw ako hindi ko uubusin yan, kit among malapit na ang taggipit"
"Papaano na yan, walang sasahurin ang mga putakti at mga mantis" malungkot na sabi ni Antek.
Balitang balita sa ngayon na nagigipit na sa pagkain at kayamanan ang Insectilandia, nawalan ng kabuhayan ang ilan sa kanina, nagutom ang karamihan. Pero nung isang araw.
"Hahahahaha!!! Sige magsaya lang kayo!! Marami pang pagkain diyan" masayang tawa ni Leptura habang umiinom ng alak habang nagsasaya ang mga salagubang.
"Sino sa ngayon ang hampaslupa? Wala palang kwenta yung mga putakting yun ehh" –Megalinus
"Hayaan mo silang maghirap para tayo na ang sasakop sa buong Insectilandia" saad ng isa nilang kasamahan.
Habang nagsasaya sila ay nakarinig sila ng hugong ng mga putakti.
"Boss!! May mga putakti!!"
Habang sumusugod ang mga putakti ay nagsalita si Heneral Arvesis.
"kayo pala ang may pakana ng pagkakawala ng mga kabuhayan ng mga langgam at putakti, sumuko na kayo!! " –Arvesis
"Anong pinagsasabi mo? Masaya lang kami ngayon, gusto mo Arvesis?" sabay abot ni Leptura kay Arvesis ng inuming alak pero hinampas niya ito na ikinabasag ng basong hawak ni Leptura.
"Wala na talaga kayong magawa sa buhay ano? Puro kabalastugan lang ang alam niyo?" –Arvesis
"Maangas ka huh, hindi porket heneral ka dito ganyan na ang sagot mo" –Leptura
Kinuha ni Arvesis ang kanyang espada at tinutok ito kay Leptura na ikinailag nito, hinawakan ni Megalinus si Leptura.
"Sobra ka na huh" sinapak ni Megalinus si Arvesis na naging dahilan ng pagkakagulo ng mga putakti at salagubang.
Dahil sa gulong naganap sa pagitan ng mga putakti at salagubang ay kumalat ang balita sa buong Insectilandia kaya nagbanta ang mga salagubang na sasakupin nila ang buong Insectilandia.
OOOOOPSS HANGGANG DIYAN NA MUNA :)
PLEASE VOTE FOR MY NEWEST STORY HAHAHA ^_^
BINABASA MO ANG
Princess Hornet
FantasyAko si Prinsesa Belinda, ang prinsesa ng kaharian ng Hymenoptera. At ito ang aking kwento :) #PrincessHornet All Rights Reserved 2016 ©ItsMeKP23