Katulad ng inaasahan, si Prinsesa Belinda ay hinahangaan ng marami. Mabait siya at maganda ngunit naging mahigpit si Haring Arvesis pagdating sa panliligaw nito. Ang gusto ni Haring Arvesis ay maging isang matapang na putakti si Prinsesa Belinda.
Prinsesa Belinda's POV
"Prinsesa Belinda, ito na po ang inyong pagkain" habang nananalamin ako sa aking silid ay tinawag ko ang aking katulong na si Beetriz. Siya ay isa ko ring kaibigan at kababata. Malungkot kaya ang buhay niyan, namatay ang kanyang ama nung nakipaglaban ito dati sa mga salagubang kasama ni Amang Haring Arvesis.
"Maraming salamat Beetriz" yumuko siya at umalis pero tinawag kong muli siya.
"Beetriz, dito ka muna. Samahan mo muna ako dito" bumalik siya at pinaupo o sa tabi ng higaan ko.
"Kain ka oh" alok ko sa kanya "Gusto mong lumabas tayo mamaya?"
"Naku mahal na Prinsesa Belinda, delikado po sa labas dahil maraming mga salagubang ang naggagala rito. Saka utos po ng mahal na hari na bantayan kayong maigi" –Beetriz
"Isang beses lang naman Beetriz, akong bahala kay ama" pangungulit ko.
Sa totoo lang kasi, masyadong mahigpit sa akin si ama, dahil ang gusto niya ay maging matapang ako. Ayoko ngang sumabak sa giyera nakakatakot, saka babae ako noh, hindi naman maganda sa babae ang lalaban sa mga salagubang.
"Gusto ko lang kasing malibot ang buong Insectilandia, palagi na lang ako dito sa Hymenoptera"
"Pero mapanganib po mahal na prinsesa, hindi natin alam ang mangyayari, malay mo bastusin tayo ng mga salagubang sa labas" –Beetriz
"Hindi yan Beetriz, bukod sa lahi nating mga putakti, gusto ko namang magkaroon ng mga kaibigang langgam, mantis o kaya paruparo, yung mga lahi ni ina"
"Hmmm kinakabahan ako mahal na prinsesa" –Beetriz
"Akong bahala sayo Beetriz, kumain muna tayo" pagkatapos naming kumain ay nag ayos muna ako at lumabas sa aming kaharian, nagtungo kami sa Lepidoptera kung saan nandun ang mga paruparo. Ang ganda pala dito, mabulaklak din katulad sa aming kaharian.
"Ang ganda pala dito noh, at ang babait pa ng mga insekto dito" tuwang tuwa kong nasabi.
"Kaya pala mabait ang Reyna Mellifera, edi may dugo ka ring paruparo mahal na prinsesa?" –Beetriz
"Sabi ni ama meron raw pero isa raw akong ganap na putakti" sabi ko habang naglalakad kami at habang naglalakad kami ay hinahawi ko ng kamay ko yung mga bulaklak sa paligid.
"Beetriz, tignan mo yun" itinuro ko sa kanya yun. Isang lalaki at isang babae, yung lalaki isang mantis tapos binigyan niya ng bulaklak si babaeng paruparo.
"Ahh yun ba? Ano naman yun?" –Beetriz
"Ang saya saya nung babae nung binigyan siya ng bulaklak nung lalaki"
"Ahhh yun lang ba? Ganun kasi kapag nag iibigan ang dalawang tao" –Beetriz
"Nag iibigan? Ano naman yun?" sagot ko
"Halimbawa, kapag gusto mo ang isang tao, iba yung nararamdaman mo sa kanya. Palagi ka niyang inaalala, mabait siya sayo tapos yung binigyan ng bulaklak yung babae, ang ibig sabihin nun mahal niya yung babae" –Beetriz
"Papaano mo nalaman yun huh?"
"Nasabi lang sakin ni Vibra" –Beetriz
So pag ibig pala ang tawag doon? Kapag binigyan ka ng bulaklak, mahal ka niya?
"Ehh bakit si ama? Hindi niya ako binibigyan ng bulaklak? Hindi niya ba ako mahal?"
"Hahahaha, iba kasi yun mahal na prinsesa, iba yung pag ibig sa mga magulang, syempre mahal ka ni Haring Arvesis, inaalagaan ka nga niya ehh" –Beetriz
"Kung sa bagay, ang higpit higpit nga niya sa akin ehh" nabigla na lang kami ni Beetriz na may lumilipad na putakti at lumapit sa amin.
"Mahal na Prinsesa Belinda, hinahanap na po kayo ng mahal na Haring Arvesis" sabi ng putakting sumusundo sa amin.
"Gusto ko pang maggala ehh, ang ganda kaya dito"
"Pero mahal na Prinsesa Belinda pinapahanap po kayo sa akin ng mahal na Haring Arvesis, ako ang malalagot pag hindi ko kayo pinauwi"
Dahil baka magalit ang ama sa akin at sa putakting ito ay umalis na kami at bumalik sa Hymenoptera.
Pagkauwi ko.
"Diba kabilin bilinan ko sayo na huwag kang lalabas ng kahariang ito!!?" sermon sakin ng ama.
"Ama gusto ko lang naman pong mamasyal sa labas n gating kaharian"
"Kahit na anak, delikado sa labas!!"
Tumayo ako at sinabihan si ama "Delikado? Ganyan naman palagi ehh, palagi na lang delikado. Malaki na ako ama, sana naman pagbigyan niyo naman ako sa mga hiling ko, puro na lang kaharian kaharian ang inaasikaso ninyo, wala na bang pagmamahal sa inyong puso? Ang gusto ko lang naman ay maranasan ko ang nararanasan ng ibang mga tao, pero bilang isang prinsesa ay hindi ako masaya sa kalagayang kong ito, gusto kong maging malaya katulad ng ibang normal na insekto sa labas ng kaharian" tinakpan ko ang aking mukha dahil sa mga luha sa mata ko.
"kahit anong sabihin mo anak, hindi pa rin ako papayag. Dito ko lang sa kahariang ito dahil wala ka namang mapapala sa labas ng kahariang ito. Maliwanag ba?" hindi ko sinagot ang tanong ni ama dahil nagtatampo ako sa kanya, masyado siyang makasarili. Palagi na lang akong nakakulong sa aking kwarto o kaya naglilibot sa paligid ng aming palasyo, bilang prinsesa ay hindi ako masaya sa buhay kong ito.
Kinagabihan ay wala na gaanong tao dahil tulog na ang lahat. Kinuha ko ang mga mahalagang gamit ko, kinuha ko rin yung pulseras na binigay sa akin ni ina at ako ay lumabas ng Hymenoptera. Dahan dahan akong naglakad kasi pag nakagawa ako ng ingay ay magigising ang mga bantay dito na putakti. Dahil gutom na rin ako ay kumuha ako ng kaunting katas ng pulot at palihim na umalis sa Hymenoptera. Pagkalagpas doon ay mabilis akong tumakbo, sana walang makakita sa akin, ang gusto ko lang ay maging malaya ako. Patawad ama pero ito lang ang gusto ko.
Dahil sa sobrang pagod ko ay bigla akong nahinto pero bigla na lang akong nawalan ng malay nang may dumaan sa akin na puting liwanag.
Ok nakapag update na rin.
Abangan ang Chapter 4 ^_^
#KP23
BINABASA MO ANG
Princess Hornet
FantastikAko si Prinsesa Belinda, ang prinsesa ng kaharian ng Hymenoptera. At ito ang aking kwento :) #PrincessHornet All Rights Reserved 2016 ©ItsMeKP23