Naglalakad ako ngayon papasok sa SLU para sa last day of signing ng clerance..Hindi pa'rin mawala sa isip ko yung sasabihin niya aayst! kanina pa'ko napa' paranoid halos di nga ako nakatulog ng maayos kagabi. Ikaw ba naman may sasabihin daw tas biglang babawiin. Na colombia ako dun aah.
Papasok na'ko ng management building at biglang nag vibrate yung phone ko kaya agad ko naman kinuha. Hmm. It was my mom who's asking kung sa bahay daw ba ako mag d'dinner.
Nag co'compose ako ng message para mag reply kay mom kaya di ako gaanong maka focus sa paglalak....
"AAAYYYYY!!!" napatili at napasigaw ako ng bongga matapos madulas sa sahig. Bananacue naman, ni hindi ko man lang napansin yung sign na nakalagay sa floor na
"THE FLOOR IS WET"
Anong katangahan ba ito Mikie? aayst! tinulungan naman ako ng Janitor na kanina pa sorry nang sorry.
"Naku Ma'am, pasensya na po di niyo ata nabasa yung sign" sabay abot niya ng kamay ko para makatayo
"Manong, okay lang po. Kasalanan ko po. Salamat po aah"
"Sige po, wala pong anuman mag iingat po kayo" sabi niya ng naka ngiti.
Tumango naman ako bilang pag papaalam. Nabasa ng bahagdan ang pants ko, buti na lang at may extra pants ako sa locker kaya naman agad akong pumunta sa locker area at dumiretso sa ladies room para magbihis.
Pagkatapos mag bihis ay pinuntahan ko si Jelai na nasa cafeteria.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang ngiting tagumpay na babae.
"Ooh, ba't parang ngiting ngiti ka ata?"
"Aba, syempre ikinagaganda ko to noh!!" sabay flip niya ng mahaba niyang buhok.
"Talaga lang hah? di ko na yan kailangan, naka ngiti kase o hindi maganda nako" sabi ko sabay irap sakanya. Kala niya siya lang marunong hahaha.
"Aba! lakas ng confident girl, anyways kamusta clearance mo?"
"Eto, konti na lang matatapos na kay Ms. Mitra and Prof. Barnedo na lang, ikaw?"
"Lima pa akin, di ko kase to na asikaso kahapon umalis kami nila mama" sabi niya ng naka nguso.
"Ingiti mo na lang yan girl, baka sakaling matapos yang clearance mo hahaha"