"What??? OMG Miks na colombia ka girl! hys. ba't ba kase ang bilis mo'ng ma fall? Look what happened!"
Umagang-umaga, sermon agad ni Jelai ang nasalubong ko. Tinalo pa si mama, sa pag sermon saken.
"At ang masaklap pa, mahal mo na friend tss" sabi niya habang naka nguso at naka pangalumbaba.
Hindi ako umiimik, tama naman tong si Jelai, Hindi ko naman masisi si Harold the fact na from the first place, ako to'ng nagbigay ng meaning sa lahat ng ginawa niya, malay ko ba naman kase kung ganun talaga siya.
I really can't blame anyone else but myself. Ito'ng si puso kase ang landi landi. Kilig na kilig naman sa lahat ng pinakita at pinaramdam sakanya, ehh ngayon sinong nasasaktan? Haaayst! sht. naman ooh! na'pa praning nako sa kakaisip ng mga nangyayari parang gusto ko nalang mawala na parang bula and if this is just a bad nightmare, buhusan niyo na'ko ng malamig na tubig.
Bumalik ang wisyo ko matapos akong kurutin ni Jelai sa ilong. ts. kanina pa pala ako nakatulala..
"Mikie! ano? tara, sama ka?"
"Aaah. e' eeh saan?"
"Jusme! sa Mall nga kanina pa'ko nagsasalita eeh"
"Anong gagawin natin dun?" sabi ko na parang wala sa sarili.
"Eeh, ano pa? tutulungan kang mag move on! Tara na!"
Move on? Big word! Kailangan ba yun? Hys. Hindi pa man ako sumasagot ay hinila niya na'ko paalis.
Nag taxi kami and within 15 mins. ay nakarating na kami sa Mall malapit lang dun sa SLU. Dumaan lang kami dun kanina para ipasa yung mga requirements namin for signing the clearance. Matapos lang talaga tong clearance na'to bakasyon na.
"So, saan yung first spot natin?" tanong ni Jelai na mukhang excited.
"Hmm. Let's go sa womens clothes area"
Itinuon ko yung pansin ko sa pagpili ng damit mas okay nato para naman mabawasan ang pagka nega ko today.
Marami'rami rin yung mga nagustuhan at napili ko. Nasabi ko na bang, hilig kong mag collect ng mga dress, cocktails at iba pang ladies thingy.
Confident ako'ng mag shop ngayon kase may naipon rin ako at may laman na to'ng card ko from papa.
We decided na pumunta sa isang beauty salon, after all what happened "You need some refreshments and new looks" yan ang sabi ni Jelai at nag agree naman ako.
Nag paayos kami starting from our hair down to our gorgeous faces. Nag pa nail polish rin ako at nag pa foot spa. Inabot kami ng 3 hrs. dun. Pagkatapos ay naramdaman ko'ng nag c'crave na tong mga alaga ko sa tiyan kaya inaya ko si Jelai na kumain sa isang resto.