Fhay's Point of View
Panibagong araw na naman at dahil may pasok nag-ayos na ako ng sarili ko.
Makalipas ang ilang minuto bumaba na ako para kumain ng umagahan. Nakita kong inaasikaso ng nanay ko ang hapagkainan.
Hotdog , Pandesal at Milo.
Sapat na para samin yan dahil hindi naman kami kayamanan.
Binati ako ng nanay ko at binati ko siya pabalik ng nakangiti.
"Kamusta naman ang pagaaral mo anak?" Nanguya siya habang nakatingin sakin.
"Mabuti naman po. Kayo po? Kamusta naman po ang trabaho niyo?" Tinigil ko muna ang pagkain ko at ngumiti sa nanay ko.
"Hmm. Mabuti naman kung ganun, Maayos din naman anak."
"Wag po kayong masyadong magpapagod ah? Magpahinga po muna kayo bago po kayo umalis mamaya."
"Oo anak. Hindi si nanay magpapagod. Salamat anak." Nakangiti ang nanay ko.
Kaming dalawa nalang ng nanay ko ang magkasama sa buhay. Asan ang tatay ko? Wala na siya. Dahil pinagpalit niya kami sa mayamang babaeng nakilala niya.
Pagkatapos kong kumain ng umagahan tumayo na ako at inilagay sa lababo ang mga pinagkainan namin ng nanay ko.
Hinugasan ko ito at ng matapos nagpunas ako ng kamay at dumiretsyo sa kwarto ng nanay ko.
"Aalis ka na anak?" Nakahiga siya sa kama niya at nakatingin sa mga mata ko.
"Opo, magpapaalam na po ako sainyo. Bye po. Ingat po kayo mamaya." Hinalikan ko ang pisnge ng nanay ko at ngumiti sakanya.
"Okay. Bye anak. Salamat. Mag-iingat ka din ah? Galingan mo sa pag-aaral." Ginulo ng nanay ko ang buhok ko kaya napanguso ako at natawa naman siya.
Umalis na ako sa bahay at sinigurado kong nakasara ng maayos ang gate namin.
Tinahak ko na ang daan sa sakayan ng jeep. Makalipas ang dalawang minuto may dumaan na jeep, pinara ko ito at sumakay na.
Maluwag ang jeep na ito dahil unti pa lang ang laman. Tumingin ako sa bintana habang umaandar ang jeep at may nakita akong babae na hinahabol ang isang lalaki na may kaakbay na babae.
Umiiyak ang babae habang tinatawag ang lalaki at lumingon ang dalawa. Walang makikitang emosyon sa muka ng lalaki habang ang sa kasama naman niyang babae ay may nakakalokang ngiti sa labi.
Patuloy pa rin sa pagbuka ng bibig ang babaeng umiiyak at nagulat ako ng bigla siyang tinulak ng babaeng kasama ng lalaki kaya napaupo siya sa sahig.
Tinignan lang siya ng lalaki at ni hindi man lang niya ito tinulungan. Iyak lang ng iyak ang babae. Baba na sana ako kaso umandar na ng mabilis ang jeep at sinundan ko ng tingin ang babae nakatayo na siya at naglalakad papunta sa isang magarang kotse.
Ang mga tulad na lalaki nung lalaking yun kanina ay dapat pinapatay. Dahil wala silang karapatang saktan at paiyakin ang isang babae porket mahina siya. Ang mga tulad kong babae ay minamahal hindi sinasaktan.
Naalala ko na naman ang ginawa ng tatay ko saamin ng nanay ko. Kusang sumara ang kamay ko at gusto kong tusukin ng matulis na stick na may asin ang lalaking yun dahil sa katarantaduhan niya.
Sinara ko ang mga mata ko at kinontrol ang sarili ko.
Pagdilat ko ng aking mata nakita ko na ang paaralang pinapasukan ko kaya pumara na ako at naglakad patungo sa paaralan ko.
AAAACarlie is Calling...
Sinagot ko ang tawag ng aking bestfriend at narinig ko sa kabilang linya na umiiyak siya.
Bigla akong naawa at nagalit dahil umiiyak ang pinaka-matalik kong kaibigan.
[Fhay! Pinagpalit na ako ni Jason kay Amanda! Fhay tulungan mo ko! Ang sakit sakit!]
Labis akong nagalit para sa lalaking yun! Sabi ko na nga ba at sasaktan lang ng gagong yun ang bestfriend ko! Mga walanghiya sila!
Pinuntahan ko agad ang pinaka-matalik kong kaibigan at kitang kita ko sa aking harapan ang itsura niya.
Namamaga ang mga mata, basang basa ng luha ang buong muka, magulo ang damit at buhok niya at ramdam na ramdam ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.
Niyakap ko siya at umiyak siya ng umiyak habang nagsasalita. Pinapakalma ko siya dahil naawa ako sakanya.
Naiiyak ako dahil sa awa ko sa mga babaeng tulad nilang sinasaktan lang ng mga lalaking walang iniisip kundi ang sarili nila at naiinis ako dahil sa mga lalaking tulad nila. Mga gagong lalaki.
Mabilis na natapos ang araw at nakauwi na din ako sa aming bahay. Gabi na at naalala ko na naman ang nangyari sa aking nanay at sa aking pinaka-malapit na kaibigan.
Nagagalit ako dahil sa mga walang kwentang lalaking tulad nila. Mga lalaking walang iniisip kundi ang sarili nila.
'Kapag ako naging lalaki mamahalin ko sila ng lubos, papasayahin ko sila, iaa-appreciate ko lahat ng efforts nila, at iintindihin ko sila. Hinding-hindi ko sila sasaktan.
Dinilat ko ang aking mata at nakita kong may dumaan na shooting star.
------------------------
Ang tagal tagal na nito sa isip ko at lagi nalang akong kinukulit na ipost ko ito sa wattpad. Kaya ito na! Hahaha!! Sana nagustuhan niyo.
------------♡♡♡
If I Were...
By: Hiperrrgirl-------------
COMMENT.VOTE.BE A FAN.
BINABASA MO ANG
If I Were....
RomanceA boy- Ia-appreciate ko lahat ng efforts niya at magiging faithful ako sakanya, papasayahin ko siya at hinding-hindi ko siya sasaktan. Dahil alam ko ang pakiramdam na lokohin at paglaruan lang ang damdamin mo dahil babae ka at mahina ka, yan ang tin...