Third Person's POV
Napangiti ang babae habang nakatingin sa bolang crystal na nasa harapan niya.
Tinignan niya ang apat na taong humiling ng isang napaka-imposibleng bagay sa isang shooting star na pinadala niya sa mundo.
Kung sa mundo isa iyong imposibleng bagay pero sa mundong meron ang babae na nakatingin sa bolang crystal ay napakadali lamang niya itong magagawa.
Alam niya naman ang mga dahilan ng mga taong iyon kung bakit nila iyon hiniling. Nag-isip siya ng mabuti pero sa tingin niya kailangan niyang tuparin ang hiling ng mga taong iyon.
Kaya winagayway niya ang kanyang mga kamay sa bolang crystal na nasa harap niya at sinimulan ang seremonya.
Tumagal iyon ng ilang oras at sakto namang natulog na ang mga taong nasa bolang crystal na iyon at natupad niya na ang kanilang mga pangarap. Ngunit, bibigyan niya lamang sila ng isang buwan para isakatuparan ang kanilang mga pinangako.
Atsaka nilisan ng babae ang kanyang kwarto na may ngiti sa labi.
Magiging masaya to.
=========================
Hi guys! Sana nagustuhan niyo iyong update! Meheheh. Salamat sa pagbabasa!
If I Were...
Hiperrrgirl
BINABASA MO ANG
If I Were....
RomanceA boy- Ia-appreciate ko lahat ng efforts niya at magiging faithful ako sakanya, papasayahin ko siya at hinding-hindi ko siya sasaktan. Dahil alam ko ang pakiramdam na lokohin at paglaruan lang ang damdamin mo dahil babae ka at mahina ka, yan ang tin...