Third Wish

20 3 3
                                    

Honey's POV(Point of View)

"Ma'am Honey, Gising na po kayo. May pasok pa po kayo." Nagising ako dahil sa pang-gigising sakin ni Ate Paloma.

"Opo, Gigising na po." Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nginitian siya. Ngumiti rin naman siya pabalik saakin at iniwan niya na ako sa kwarto ko.

"Waaaa!! Morning World!" Nakangiti ako habang naguunat. Yehey! Another day meaning makakasama ko na naman si Baby. 

Oo nga pala! Kailangan ko ng mag-ayos, baka malate ako. Miss na miss ko pa naman iyong baby ko! Excited na akong makita siya.

Naka-ready na ang paliliguan kong bathtub, Ni-ready na siguro ni Ate Paloma. Hinubad ko na ang robe ko at saka lumublob. Bumalik sa isip ko iyong mga memories namin ng baby ko together. OMG! Kinikilig ako. Hahahaha. Automatic na napangiti ako at saka lumubog sa bathtub.

--------------------------------------

Bumaba na ako ng hagdan at dumirestyo sa dining room. Nakita naman agad ako nila Mommy at Tito Ryan. Nginitian ko sila at umupo na sa upuan.

"Good Morning Honey/Princess." Binati nila ako habang nakangiti sila sakin.

"Good Morning My and Tito." Nakangiti kong bati rin sakanila at inumpisahan ko ng kumain ng umagahan.

Actually, Tito Ryan is not my real father. That's why Tito Ryan lang ang tawag ko sakanya. Yung totoo kong father namatay na siya sobrang matagal na panahon na, Pero nakamove-on na kami ni My sa pagkamatay niya dahil alam naming masaya na siya kung asaan man siya ngayon.

Kung ang iba magagalit na may bagong kinakasama ang magulang nila, Well, Not me. Kasi masaya si My kay Tito Ryan and I know naman na mahal nila ang isa't-isa. Bago maging sila nag-paalam muna sila kay Dy at saakin. And syempre for my My's happiness pumayag ako. 

Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin nila My at Tito Ryan, Pero natapos din iyon dahil kailangan ko ng umalis para sa pagpasok ko. Alam nilang may boyfriend ako at legal kami sa both sides. They're very supportive to my relationship with my baby but sabi nila bawal daw muna magsecond base. I don't really know what it means. Tinanong ko kay Baby at Tito Ryan but sabi nila usapang lalaki raw, Well , I respect their decision naman kaya hinayaan ko nalang. 

Sumakay na ako sa kotse at tinahak na namin ang daan papuntang school ko. Habang umaandar ang sasakyan namin tumitingin ako sa bintana ng kotse at ina-alala ang mga memories namin together ng baby ko, Malapit na pala ang anniversary namin! Excited na ako. Napangiti na naman ako at impit na tumili. 

Pero nagulat ako ng pag-dilat ko nakita ko ang isang lalaking sobrang pamilyar sakin na may kasamang babae - nakakapit sakanya iyon at nagtatawanan sila habang nagku-kwentuhan. I know him. I know that guy. I know him very much! T-that's my baby!

"Kuya Vick! Please stop the car!" Pagka-tigil niya ng sasakyan, Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan nakita ko ang baby ko. Andun pa rin sila at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, They're looking at me. Nginitian ko sila at binati.

"Baby! Andito ka pala! Buti nakita kita!" Nakangiti kong sabi sakanya pero hindi pa rin siya ngumi-ngiti sakin. Nakapoker face lang siya at nakatingin sakin. Tinignan ko ang babaeng katabi niya - nakataas ang kilay nito pero kahit ganun, Nginitian ko lang siya.

"Sabay na kaya kayo sakin Baby?" Nakangiti kong pag-aya sakanila pero nagulat ako ng sinigawan ako ng babaeng katabi niya. Wala naman akong ginagaw ah? Kaya agad akong napatingin sakanya.

"Pwede bang tumigil ka? Saka anong baby? Sino bang kausap mo miss?" Nakatingin sakin ang babaeng iyon at ang sama-sama ng tingin niya sakin. Ano bang nagawa kong mali? 

"May mali ba akong nasabi or nagawa? Baby. Tawag namin sa isa't-isa ng boyfriend ko. Ang boyfriend ko." Nakatingin ako sakanya at tinuro si Baby na katabi niya. Pero wala pa ring reaksyon sa mukha ng baby ko. Tinignan ko siya na nagtatanong ng anong nangyayari pero umiwas lang siya ng tingin saakin.

"What the hell? Baby? Boyfriend? Hahaha are you kidding miss? This guy is your "boyfriend"? Are you serious? He's my boyfriend!" Galit na galit na saakin iyong babaeng katabi ng Baby ko pero hindi ako maniniwala sakanya! Baka naman nagjo-joke time lang sila, Diba prank? Uso iyon ngayon diba?

"Hehehe! Ate nagjo-joke time po ba kayo? Ang galing niyo po umarte!" Nakangiti kong papuri sakanya habang excited na excited. Pwede siya sumali sa Theater Club! Sigurado akong makukuha siya agad! Huhuhu. Kai-inggit naman si Ate may talent sya sa pag-arte ako wala ei.

"What the fuck? I'm not joking! Wag ka ngang tanga miss!" Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak at umalis na sila ng baby ko. Tinignan ko sila at hinabol sila. Hindi naman totoo iyon diba? Hindi naman magagawa sakin iyon ni Baby diba?

"Baby! Baby! Baby!" Hinahabol ko sila habang tinatawag ang baby ko pero hindi man lang nila ako nililingon at patuloy pa rin sila sa paglalakad. Pero nagulat ako ng bigla silang lumingin saakin at nginitian ko sila. Pero lalong sumama ang tingin sakin ng babaeng kasama ng baby ko.

"Stop! Hindi sya ang boyfriend mo! Wag kang assuming! Muka kang tanga miss! Nakakainis ka na!" Sinigawan niya ako at tinawag niya pa akong tanga. Bakit bakit niya ako tinawag na tanga? Kanina pa siya tawag ng tawag sakin nun, Siya pa lang ang nagsasabi sakin nun. Saka anong wag assuming? Baby ko ang kasama niya!

"Boyfriend ko siya!  -Tumingin ako kay baby at nginitian siya ng alinlangin. Diba baby boyfriend kita? Diba ako ang girlfriend mo?" Tinignan niya lang ako at sobrang lamig ng pagtingin niyang iyon. Kusa akong naiyak kasi dineny nya ako sa babaeng kasama niya. 

"You see miss? Masyado ka kasing illusyonada! Ayan napapahiya ka tuloy! Pathetic!" Tinulak niya ulit ako at napaupo ako sa sahig, Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi sa baby ko na boyfriend ko sya at mahal na mahal ko siya, Sinasabihan siya na sabihin sa babaeng kasama niya na ako ang girlfriend niya at mahal na mahal niya ako. Pero tinignan lang niya ako at saka umalis siya kasama ang babaeng kasama niya.

Umiyak lang ako ng umiyak, Bakit- Bakit ganto? Anong nangyari? Kahapon ang saya saya pa namin ah? Pero bakit ganto? Bakit? Ang sakit-sakit. Hindi ako makahinga. 

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong tinatawagan na ako ni Kuya Vick. Kaya tumayo na ako at pinunasan ko ang mga luha sa mata ko - ngumiti ng peke saka tinahak ang daang papuntang sasakyan namin.

Hanggang dumating kami sa school lutang ang isip ko, Hindi ko magets iyong nangyari kanina. Totoo ba iyon? May nangyari ba talagang ganun? Dineny ba talaga ako ng baby ko? Tinignan niya lang ba talaga ako? Pinagpalit niya ba talaga ako? Hindi naman totoo iyon diba? Panaginip lang ang lahat iyon diba? 

Nagulat nalang ako ng madapa ako at marealize kong tapos na pala ang klase ngayong araw at totoo ang nangyari kanina - Iniwan at pinagpalit ako ng lalaking mahal ko sa isang babae. Kahapon masaya pa kami, Kahapon sinabi niya pa saking mahal na mahal niya ako. Pero ano nangyari? Bakit ganun?

Nakaluhod pa rin ako habang umiiyak lang ng umiiyak. Ang sakit sakit ng puso ko mas masakit pa sa sugat na natamo ko sa pagkakadapa. Bakit kailangang mangyari to? Sabi niya sakin hindi niya ako iiwan? Sabi niya sakin ako lang?

Kaya pala baby ang tawag niya sakin kasi , Baby-tiwan niya rin ako.

Pumikit ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Kapag ako naging lalaki mamahalin ko sila ng tunay - Hinding hindi ko sila papaasahin, Hinding-hindi ko sila idedeny, Hinding-hindi ko sila papaiyakin, At hinding-hindi ko sila bibitawan. 

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong may dumaan na shooting star.


--------------------------------------------

Ngayon lang uli Nakapag-update. Hahahah xD. Naging busy kasi sa studies. Sana magustuhan niyo yung update! Salamat sa mga naglagay nento sa reading list :))) 

If I Were...

By Hiperrrgirl

------------------

COMMENT.VOTE.BE A FAN.





If I Were....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon