Fourth Wish

2 0 0
                                    

Fhay's Point of View

Nagising ako sa alarm clock sa tabi ko. Ano nangyari bakit nag-alarm ako ng ganito kaaga?

Masiyado pang maaga sigurado ako kahit nakapikit ako dahil sanay ang katawan kong nagigising ng alasais dahil nagbabasa pa ako ng mga aaralin sa araw mismo na iyon.

Pinatay ko nalang iyon kahit may pagtataka ako at natulog muli. Sana hindi ko naistorbo ang tulog ng aking nanay.

Makalipas ang ilang oras nagising ako sa sinag ng araw. Sinag na nagmumula sa bintana. Nakakainis naman ang sakit sa mata.

Dinilat ko ng bahagya ang mata ko at gulat akong napatingin sa orasan.

8:30 am

Napatayo ako at dali-daling pumasok ng banyo. Ano ang nangyari bakit tinanghali ako ng gising. Kakapasok ko lang ng banyo ng biglang kumirot ang ulo ko.

Ano ang nangyayari parang may kakaiba. Teka, may alarm pero hindi ako nag-alarm. May sinag ng araw na nagmumula sa bintana, pero wala akong bintana sa kwarto ko. At ang huli, maaga akong natutulog kaya bakit kumikirot ang ulo ko?

Napahawak ako sa ulo ko pero nabigla ako ng biglang umiksi ang buhok ko! Iba ang istilo nun ngayon! Nagulat ako ng pagtingin ko sa salamin hindi ako ang nakikita ko.

Ano ang nangyari? Asan ako? Sino 'tong nakikita ko? Naguguluhan ako.

Reynz' Point of View

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may kumatok sa pintuan. Natutulog pa iyong tao! Makakatok naman ano may gera ganon?

Naiinis kong isinubsub ang mukha ko sa unan ko. Ang bango ah. Parang ako Mwahahahhaa. Yummy na mabango pa, san ka na? Kay Reynz ka na!

Napatawa ako at nag-try matulog uli. Hindi pa ko nakakapasok sa pintuan - wow. Pintuan galeeng. Hindi pa ko nakakapasok sa pintuan ng panaginip ng may mapansin ako.

Iyong tawa ko. Alam kong mala-anghel ang boses at tawa ko pero kakaiba to! Parang ano... HUMINHIN AKO! Ang liit ng boses ko! Nag-try pa kong magsalita at tawa ako ng tawa.

Uminom lang ako kagabi nag-iba na boses ko? Bwahahha. Pero parang ang pangit naman ata, ang gwapo-gwapo ko pero ang hinhin ng boses ko parang

NAPATAYO ako at nagulat ako ng may maramdaman akong buhok sa likod ko! Ano toooo! Ayy buhok nga pala! Kakasabi ko lang ang tanga lang ei no.

Pero nagtataka talaga ako paano nagkabuhok don! Don sa likod ko! Wag kayong gm tong mga to, mga Green minded!

Hindi mahaba ang buhok ko - SA ULO! Pero ngayon para akong nag-rejoice sa haba at lambot! Sheet! Ano bang ginamit kong shampoo kagabi? Magamit nga lagi. Instant haba at lambot ng buhok ko! Unbelievable.

Napangiti ako at pumunta sa banyo. Pink? Kailan pa naging pink ang banyo ko? Tangna! Naging broken hearted lang ako naging instant pink ang banyo ko? Galeeeng.

Kinuha ko ang kulay pink na suklay at isunuklay ito sa buhok kong mahaba at malambot. Ngiting-ngiti ako. Para akong babae. Mwahahhaha.

Natigilan ako bigla at nabitiwan ko ang suklay na hawak ko. Lakas maka-acting ei no? Pogi ka na nga galing mo pa umacting Reynz!

Pinulot ko ito at may nakita akong pangalang nakasulat. Honey.

Honey? Sino iyon? Ang tamis ng pangalan! Parang honey! Ay gags! Parehas lang pala iyon Mwahahhaa. Sing tamis ng kinakain ni Pooh.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dahan-dahan akong tumingin sa salamin. Dahan-dahan. Dahan-dahan.

Sheeeeet! Sino tong magandang babae na ituuu? Hinawakan ko ang mukha niya at ngiting-ngiti ako ng biglang may kumatok.

"Ma'am Honey, Oras na po para kumain kayo." At may narinig akong pagsara ng pinto. Umalis na ata.

Teka! Ako? Tinawag akong Ma'am Honey! Napatingin ako sa suklay at salamin.

KING INA! NAGING BABAE AKO!

====================
Ang tagal ng walang update. Hahhha. May readers pa ba ako? Sorry po at natagalan! Nawalan ng net hahaha. Kumusta naman po iyong update? Kausapin niyo po ako, hindi ako nangangagat. ❤

If I Were...
Hiperrrgirl

If I Were....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon